CHAPTER 10: Convincing You

138 27 0
                                    

Tinitigan ko silang apat habang nag uusap sa labas ng bahay.

They have a modern house, except sa bahay na ngayo’y kaharap nina, Vandran. It's a Hoke House. The rest are modern houses but it's made by woods.

Parang sa libro na binasa ko ah, ’yung Twilight. It's all about Vampires and Werewolves. Sina Bella at Edward Cullen, may mga kasama silang Werewolves at ang mga kalaban naman nila ay mga bampira.

Pero hindi talaga ako naniniwala na may mga bampira sa totoong buhay ’tsaka mga Werewolves. It's not true.

That’s not true.

Anyway, sobrang linis ng paligid nila dito.

Malamig, mahangin, at tahimik.

Kaya siguro kilala ni Papa si Vandran kasi nandito lang pala bahay nila. Pero hindi ako sigurado kung dito ba talaga siya nakatira.

Napatitig naman ako kay Whienne na ngayo’y nakikipag usap kina, Vandran, Basilius, at Vortigern.

I suddenly remembered something, tinanong ko kay Whienne kung mag kapatid ba sila ni Vandran but she answered no.

So, she's lying? O baka hindi talaga sila mag kapatid? Baka mag kaibigan lang?

May something dito sa lugar nila, nararamdaman ko ’yon pero hindi ko na pinansin iyon at patuloy pa ring nanonood sa kanila na nag uusap-usap.

Not until they've turned their attention to the woods and shrub where I'm hiding. Kaya dali-dali akong yumuko dahil lumingon sila sa kinatataguan ko.

Sumilip naman ako kaunti para tignan sila.

Bigla naman akong kinabahan dahil nakita ko si Basilius na papunta sa kinatataguan ko. Kaya dali-dali akong tumayo at nag ingat para hindi nila ako mapansin o mahuli.

Nang makalayo ako roon sa lugar nila, ay tumakbo ako ng mabilis. Natatandaan ko naman ’yung mga nadadaanan ko kanina, kaya mabuti na lang din at hindi ako na ligaw at nakauwi ng safe sa bahay.

Hingal na hingal akong pumasok sa bahay at sakto naman ay nakita ko si Papa sa sala at nanonood ng TV.

He looked at me when I entered the house, “You look so tired. What happened?” He asked lumapit naman ako sa kaniya at tumabi sa couch kaharapan ang TV namin.

Umayos ako sa pagka upo at nilingon si, Papa. “Pa? May itatanong sana ako sa iyo.” Sabi ko sa kaniya kaya napataas ang dalawang kilay niya.

“Sure. What is it?”

“’Di ba sabi mo may mga kapitbahay tayo rito?” Tanong ko rito at tumango naman siya, “’Yung tinutukoy mo ba sina, Vandran? I saw him.” I told him.

Natahimik naman si Papa at parang hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa akin o isasagot sa aking tanong.

“Yeah. They're our neighbor.” Sagot niya sa tanong ko at umiwas ng tingin sa akin, at nag patuloy sa pagpapanood ng pelikula sa TV.

Mag tatanong pa sana ako pero bigla siyang nag salita, “Anyway, how's your jogging on the woods? Mabuti naman hindi ka naligaw.” Sabi ni Papa sa akin at nilingon ako.

I smiled at umiling sa kaniya. “Hindi, ah. Hindi ako naligaw, tinandaan ko kasi mga nadadaanan ko kanina e.” Pagpapaliwanag ko kay, Papa.

Tumango naman siya sa sinabi ko, “Wala ka bang assignments o kung ano mang school projects? Monday na bukas.” He continued while watching TV.

“Wala po.” Sagot ko.

He's changing the topic. May mali talaga. Ano ba talaga ang nangyayari, hindi ko na nga rin alam kung maniniwala pa ako kay Vandran, layuan ko raw si Dhamon pero yaw ko.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon