CHAPTER 19: I'm Lost

70 11 0
                                    

Pagkatapos kong basahin ang mga letter na natanggap ko ay napag-isipan kong lumabas sa tent upang tignan kung ano na ang nagaganap sa labas.

Bigla ko na lang kasi narinig na may nag kakantahan sa labas at sigurado akong mga kaklase ko ’yon.

And all my walls
Stood tall painted blue
But I'll take 'em down, take 'em down
And open up the door for you

My classmates were seated on the large timber together with the big bonfire in the center. One of classmate, Kolon, was playing the guitar and they were singing a Taylor Swift song.

'Cause all I know is we said, "Hello"
And your eyes look like comin' home
All I know is a simple name
Everything has changed

All I know is you held the door
And you'll be mine and I'll be yours
All I know since yesterday
Is everything has changed

Napangiti naman ako habang pinapakinggan ang kinakanta nila. Hanggang sa napunta ang paningin ko sa tent ni, Dhamon. Nakasara lang siya, siguro tulog na ’yon, wala rin kasi si Dhamon dito sa labas e.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng aking hoodie jacket na suot ko ngayon at tinignan ko kung anong oras na.

10:47 PM na pala.

Nilingon ko rin ang malaking tent nina Vandran pero nakasara rin. Sabagay, gabi na rin masiyado. Tulog na rin ang mga ibang kaklase ko lalo na si Ma'am Lanikan, kaunti na lang silang na iwan dito sa labas. Ang mga ibang kaklase ko naman ay nagkakantahan pa pero mabuti na lang at hindi malakas boses nila at sakto lang kung papakinggan. Baka magising pa nila ’yung iba.

Ngayon ko lang din napansin na sumali pala si Ehnna makipag kantahan sa mga kaklase ko ngayon. Katabi niya ngayon si Cath.

Iniwan ko naman ang mga kaklase roon na nagkasiyahan at nagkakantahan, ayaw ko naman sumali dahil sigurado akong ma o-out of place lanh ako roon.

Kaya napag isipan ko na lang na pumunta sa tabing dagat upang matanaw ko ang malaki at maliwanag na buwan. Umupo ako sa malinis na buhangin habang sa aking harapan naman ay makikita ang mga malalakas at malalaking alon galing sa dagat.

Lamig ng hangin.

Niyakap ko naman ang aking mga tuhod sabay tanaw sa malaking buwan na nasa aking harapan. Maliwanag na mga bituin kasama na rito ang maliwanag na buwan.

A first quarter moon.

This is nice.

Bigla na lang akong nagulay dahil may tumabi bigla sa akin.

“Felt sad?”  Ehnna asked me habang seryoso itong nakatingin sa akin.

Umiling naman ako sa tanong niya. "No," I replied. “Pansin ko lang naman na maganda ’yung buwan ngayon, right?” I told her while I’m staring at the moon. “Yeah... It's the first quarter moon." Narinig kong sagot niya.

“Napaka refreshing ng hangin dito... I hope I can stay here forever." She whispered at napatingin naman ako sa kaniya. I saw her, she closed her eyes as the air touched her.

“Pero dapat kasama si, Basilius? Gano’n?” Pagbibiro ko naman dito.

She opened her eyes at tumingin sa akin. “Sira,” We laughed together.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon