CHAPTER 26: Let's Solve It

56 7 0
                                    

"I want to know everything about Sixtine Igoleciano. I want to know how her case is still unsolved."

Sagot ko mula sa tawag. Napatahimik naman ang kabilang linya kaya kinabahan ako dahil baka ayaw niya itong sagutin o ayaw niyang isagot ang aking sinabi sa kaniya.

"H-Hello?" sabi ko mula sa telepono. Halos doble-doble ang kabog ng aking puso.

"Y-Yeah‚ I'm still here. Anyway‚ ka ano-ano ka ba ni Ms. Igoleciano?"

Lagot. Hindi ko alam ano ang sunod na sasabihin ko.

Napakagat naman ako sa aking kuko at iniisip kung ano ang sunod na sasabihin. Ano ba sasabihin ko? kapatid ko siya? kaibigan? pero ang kasabihan naman ng iba bawal mag sinungaling, pero nag sinungaling naman ako ng ilang beses.

Siyempre, hindi natin maiwasan 'yon‚ hindi ba?

"U-Uhm... S-She's my f-friend." nauutal kong sagot dito.

"Oh. Do you really want to know what happened-"

"It's a yes." I said.

Bigla namang napatahimik abg kabilang linya kaya akala ko wala na si Detective Kiel Warnian. "O-Okay. Are you free tomorrow?" he asked.

Mabuti na lang din at Friday bukas. After non, Saturday na. Kaya free talaga ako.

Napahawak naman ako sa aking batok habang kinakabahan pa rin na makausap si Detective Kiel Warnian. "U-Uhm... May p-pasok po kasi a-ako bukas e. Maybe s-sa Saturday na l-lang?"

"Yeah. Sure‚ I don't mind. Anyway‚ puwede sa Saturday ng umaga? maybe 9:30."

"Saan po ba tayo mag ki-kita?"

"Sa Rosé Café."

I sigh. "Sure. See you." I said at hindi ko na siya hinintay mag salita dahil naipatay ko ka agad ang aming tawag dahil hindi ko rin talaga makontrol ang aking pagka kaba.

Hindi tuloy ako mapakali dahil sa aking ginawa. Hindi ko alam kung nasa tama ba ako o mali. Hindi ko rin naman kilala si Sixtine dahil base sa aking na basang date ay hindi pa ako dito nag aaral ng mga panahong iyon.

"Ano kaya ang sunod na mangyayari. Ano ba kasi ang ginagawa mo Lamia, napaka tanga mo, baka tinatahak ko ang maling paraan, baka hindi ito nakakatulong o baka nag dadagdag lang ako ng problema kay Sixtine kahit wala na siya." I whispered habang nakaupo sa kama at nakatulala lamang.

Hindi ko na talaga alam kung ano na ang nangyayari, palagi na lang ganito, na para bang may mali, sa tuwing nasa bahay ako, nararamdaman kong may tumititig sa akin. At sa tuwing wala naman ako sa bahay at nasa paaralan ako, nakakaramdam din ako na para bang may nakabantay sa akin sa bawat galaw ko o kahit saan man ako mag punta ay hindi ako nagiging komportable.

Napabuntong hininga na lang ako at pumunta ako sa bintana ng aking kuwarto at ibinaba ang kurtina na nandoon. Simula nung may misteryosong taong nag papakita sa labas ng bahay namin.

Naisipan ko nang bumalik sa aking kama at nag dasal muna bago matulog, "Lord‚ kung sakaling may mangyayaring masama sa buhay ko‚ sana naman po ay hindi niyo po ako pababayaan at tulongang malampasan ang mga lahat ng problema ko. At sana naman ay maayos ang lagay ni Mama jan kasama kayo. Kung may problema man si Papa na hindi sinasabi sa akin, sana naman ay tulongan niyo siyang maayos iyon. In Jesus name we pray‚ Amen."

After I prayed ay humiga na rin ako at sinimulang ipikit ang aking mga mata hanggang sa ako'y nakatulog.

I'm now in the campus at nasa cafeteria ako kasama si Ehnna. Nasa harap ko naman siya at tahimik lang kaming kumakain.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon