CHAPTER 43: Ehnna

54 8 0
                                    

Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi niya pa rin inalis ang kaniyang mainit na labi sa aking labi.

Dahan-dahan siyang umatras at tinignan ako sa aking mga mata. I blinked my eyes so many times dahil gulat na gulat pa rin talaga ako sa nangyari, hindi rin ako makagalaw.

Napangisi naman si Vandran habang ako naman ay nanatili pa rin na gulat na gulat sa nangyari. “W-Why—” mag sasalita na sana ako nang bigla naman siyang nag salita kaya napatigil ako. “I admire your lovely lips. Can I kiss you again?”

Napaawang naman ang aking labi dahil sa kaniyang sinabi at tinampal ang kaniyang balikat.

Binigyan ko naman siya ng nakakadiring expresiyon. “Baliw ka na ba?” diring-diri na sabi ko rito at pinunasan ang aking labi na hinalikan ni Vandran kanina.

“Sasabihin ko talaga ’to sa Papa mo na hinalikan mo ako. Isusumbong talaga kita—”

“Edi isumbong mo, kahit isumbong mo pa ako, sa akin ka pa rin naman bagsak mo.” natatawang sabi niya, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito.

Noon, hindi naman siya ngumingiti, palaging nakasimangot, tapos ngayon ay hinalikan niya ako na para bang ayos lang sa kaniya pero sa akin ay hindi.

Tumayo naman ako at ganoon din siya kaya mag kaharap kami ngayon pero napaangat lang ang aking tingin dahil sa katangkaran nito. “You kissed me like nothing had happened. And for your information, walang kahit ni isa ang humalik sa labi ko, pero ikaw, hinalikan mo nang walang pa sabi-sabi. Manyakis ka ba?” madiin na sabi ko sa kaniya pero wala naman siyang emosiyon at hinawakan ang aking kamay at hinila iyon paalis sa forest lake.

Habang nag la-lakad kami ay napatingin ako sa aming kamay na nagka hawak kamay. Ano ba nakain nito.

Ang cringe niya.

Inagaw ko naman ang aking kamay at siya naman ay patuloy pa rin sa pag lalakad, pinasok niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa nang inagaw ko ang aking kamay sa kaniya.

“Kung makahalik ’to sa akin kanina, wagas. Manyakis ka ba?” iritadong sabi ko rito habang kami ay patuloy pa rin sa pag la-lakad.

“I’m not. But, I like you.”

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko mapigilang matawa pero tinignan niya lang ako ng walang emosiyon, ang seryoso naman.

Napatigil naman ako sa pag tawa nang tinignan niya ako, “Akala ko nag bi-biro ka lang—”

“Hindi, you know what, I like you since you were ten years old—” because of what he said, I gulped. “Ano? seryoso ka ba? child abuse ka na niyan.”

“Child abuse? hindi naman kita sinaktan, may saltik ka ba sa utak.”

Napaawang naman ang aking labi dahil sa kaniyang sinabi. Tarantado ba ’to?

“Ilang taon ka na ba?” tanong ko rito, pero na bigla naman ako at napatigil sa pag lalakad nang sinabi niya sa akin kung ilang taon na siya, “Talaga? nag bibiro ka lang ’di ba?” natatawang sabi ko pero nanatili pa ring seryoso ang kaniyang expresiyon. Hibang na ba ’to.

“Alam mo, mukha kang tanga, mag tatanong ka tapos hindi ka maniniwala. Huwag ka na ulit mag tatanong sa susunod.” masungit niyang sabi sa akin at nag lakad pabalik sa lugar nila.

Napatakip na lang ako sa aking bibig at pinipigilan kong huwag matawa dahil sa kaniyang sinabi sa akin.

Tinignan ko siyang nag lalakad papalayo at tumakbo para maabutan siya. Tumabi naman ako sa kaniya habang patuloy pa rin kami sa pag la-lakad. “Sungit naman. Hindi ba puwedeng na bigla lang? hindi naman kasi ako naniniwala sa mga ganiyan lalo na’t one hundred plus na ang edad mo. Maraming ganiyan sa mga pelikula, tungkol sa mga bampira at sa mga lobo, pero hindi ako naniniwala na may ganito pala sa totoong buhay.”

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon