CHAPTER 40: Explained

57 8 0
                                    

Pa ika-ika akong nag la-lakad habang naka akbay kay Victoria. Natatakot ako na kinakabahan dahil baka maabutan kami nila Dhamon dito.

Palabas na kami ngayon sa medjo maliwanag na daan pero naramdaman namin na may papalapit sa amin kaya napa hinto kami parehas ni Victoria at napalingon kami parehas sa aming likuran.

“Saan kayo pupunta?” sabi ng pamilyaradong boses na nasa aminh likuran.

“D-Drach...” mahinang sambit ko nang nilingon namin siya sa aming likuran.

Is he a vampire too?

Now I know kung bakit palagi niyang katabi si Dhamon‚ dahil kabilang din pala siya rito at hindi rin naman pala siya mapagkatiwalaan. He's a traitor too, mabuti na lang talaga at hindi ko siya naging kaibigan o matalik na kaibigan.

Bumitaw si Victoria sa akin at tumayo siya sa aking harapan upang takpan ako mula kay Drach. Habang nakatayo sa aking harapan si Victor ay nag salita siya ng pabulong at sinabing, “Get out of here.” she whispered pero hindi ako nakinig at umiling, nag tago na lang ako sa kaniyang likuran habang nasa harapan niya si Drach.

Paano ako makakalakad ng maayos e ang sakit-sakit nga ng isang paa ko.

Hinahabol ko naman ang aking hininga ng lumapit si Drach kay Victoria, pero si Victoria naman ay nanatiling kalmado.

Sumilip naman ako ng kaunti ipang tignan si Drach sa harapan ni Victoria. Tumingin ito sa akin at ngumisi. “Traydor ka talaga.” sabi niya kay Victoria.

Napatawa naman ng mahina si Victoria. “Maybe I am?” lumapit naman si Victoria kay Drach. “Tell them to brace themselves for a fierce battle.” Victoria said. Napatitig lang sa kaniya si Drach at sinamaan si Victoria ng tingin.

Tinalikuran naman ni Victoria si Drach pero biglang hinawakan ni Drach ang kamay ni Victoria upang pigilan ito, dahil sa ginawa ni Drach ay napalingon si Victoria sa kaniya.

Nakita ko namang naging pula ang mga mata ni Drach at akmang sasaktan niya si Victoria dahil lumabas ang kaniyang mahahabang ngipin. Pero napalaki ang aking mata dahil sa ginawa ni Victoria, biglang bumilis ang kaniyang galaw at ka agad siyang na punta sa likuran ni Drach.

B-Bakit p-parang si F-Flash ’yung n-nakita k-ko. A-Ang bilis non.

“You don't have a rights to touch me.” bulong sa kaniya ni Victoria at malakas niyang pinihit ang ulo ni Drach— what the hell...

Bumagsak naman si Drach sa sahig kaya napanganga ang aking bibig dahil sa aking nakita. Patay na siya... Wala na si Drach...

Lumakad naman si Victoria papunta sa akin at hinawakan ang aking kamay habang ang aking tingin ay nakatingin pa rin sa walang buhay na katawan ni Drach.

“Let’s go Lamia. We need to get out of here bago pa sila makarating dito. I can feel it‚ they're coming.” Victoria said to me at umakbay naman ako sa kaniya at hinawakan niya ang aking bewang upang makalakad ng maayos.

“B-Bakit ang b-bilis mo k-kanina?” nauutal kong tanong sa kaniya habang pa ika-ika akong nag la-lakad. “I’ll explain it later. Pero sa nvayon, kailangan nating maka alis dito.”

“P-Paano? nahihirapan ako mag lakad—”

“Bubuhatin kita.”

“Ano? hindi mo ako mabubuhat—” hindi ko na tapos ang aking sasabihin dahil bigla akong binuhat ni Victoria kaya napakapit ako sa kaniyang leeg. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin at sinabing, “Kumapit ka ng mabuti.”

“Bakit—” I abruptly stopped talking when I felt that my movements were becoming faster and that I was becoming dizzy. Na para bang bumibilis ang bawat paligid ko, parang nasa pelikula tuloy ako na The Flash. Pero, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon. Sa sobrang bilis ng pangyayari at sa pag takbo ni Victoria habang buhat-buhat niya ako ay parang segundo lang din ang nangyari at ka agad na tumigil si Victoria sa pag takbo ng mabilis at dahan-dahan akong ibinaba.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon