CHAPTER 25: Help

66 9 0
                                    

Uwian na at nililigpit ko na ang aking mga gamit at ganoon din si Ehnna. I put my other things on my locker at bumalik ulit sa aking upuan upang ipasok ang mga ibang gamit ko sa locker.

After I put my things on my backpack, inangat ko ang aking tingin at sakto naman at nasa aking harapan si Dhamon.

“Hey. I would like to say sorry for what I did kanina.” he said at ngumiti naman ako rito. “Wala ’yon. It’s fine, why are you saying sorry? may mali ba doon?” I questioned him, “Wala lang. I thought you are mad at me—”

“May nangyari ba kanina? nag away kayo? luh.” singit naman ni Ehnna kaya parehas kaming napatigil sa pag salita ni Dhamon. “Nag usap lang naman kami.” seryosong sabi ko kay Ehnna.

“Ah, akala ko may something sa inyo e.” she added kaya napailing naman ako at ibinalik ang aking tingin kay Dhamon na sobrang seryoso naman.

Inilipat niya naman ang kaniyang tingin sa akin, “Anyway, I need to go. I’ll see you tomorrow Lamia.” he smiled at nang papalayo na siya au kumaway naman ako sa kaniya bago siya makalabas sa classroom.

Isinuot ko na rin ang aking bag at sakto naman at nahagip sa aking tingin si Vandran na lumabas na sa classroom kasabay sina Basilius, Vortigern at Whienne.

Suspicious na sila masiyado. Bakit parati silang mag kasama, minsan ko lang sila makitang mag kakasama.

"He wants your blood.”

I suddenly remembered how Vandran said that. Ano ba ang ibig niyang sabihin? may sasabihin pa kasi siya dapat non e, pero biglang sumingit si Dhamon kaya hindi na natuloy ni Vandran ang dapat niyang sasabihin.

Nagulat naman ako dahil biglang pumalakpak si Ehnna malapit sa aking mukha kaya namulat ako sa reyalidad. “Anong nangyari sa iyo? kanina pa kita tinatawag, akala ko pa naman nakikinig ka sa mga sinasabi ko. Tulala ka na naman, baliw ka na ba?” sabi niya sa akin at natawa naman ako dahil doon. Tinampal ko naman siya sa kaniyang balikat, “Tara na nga, alis na tayo.” sabi ko rito at tinulak siya ng mahina.

Bago kami lumabas sa classroom ay nag paalam na muna kami kina Cath at Julia lalo na rin sa mga ibang kaklase namin.

Habang nag lalakad naman kami ni Ehnna sa hallway ay biglang pumasok sa aking isipan ang nakita ko kanina sa library.

Sixtine Igoleciano

Gusto ko malaman kung bakit siya namatay at kung ano ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Lumipat naman ang aking tingin kay Ehnna na ngayo’y nakatingin lang sa aming dinadaan. I poked her kaya lumingon siya sa akin, “Hmm? ano ’yon?” tanong niya sa akin, “May— may kilala ka bang Sixtine Igoleciano?” I asked her. Her eyebrows furrow nang itanong ko iyon sa kaniya.

Matagal naman siyang nakasagot sa aking tanong dahil kitang-kita sa kaniyang rekasiyon na nag iisip pa siya, “Sixtine Igoleciano? sino ’yan?” she asked.

Umiling na lang ako, “Wala. Akala ko kilala mo e.”

“Ka ano-ano mo siya?”

Napaisip naman ako at hindi ko alam kung ano ang isasabi ko sa kaniya. “W-Wala, nakita ko lang dito. M-May nakita kasi akong nahulog na name tag kanina kaya akala ko kilala m-mo.” pagsisinungaling ko sa kaniya. Tumango na lang siya at nag patuloy kami sa pag lalakad papuntang gate.

Tangina. Ang tanga ko. Sobra.

Hindi ko na kunan ng litrato ang ring folder ni Sixtine. Sa sobrang taranta ko, hindi ko nakunan ang buong detalye tungkol sa kaniya. Hindi ko pa naman na tapos basahin ’yon lahat-lahat dahil agad ko na ring inilipat sa last page at doon ko nakita ang number nung Detective Kiel Warnian kaya kinuha ko ’yon.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon