“Here, take this. I made this for you.” biglaang sabi ni Ehnna habang narito ako sa sala nakaupo, kaya napalingon ako sa kaniya at may nakita akong may hawak-hawak siyang bracelet na kulay ginto at kumikinang pa ito. May disenyo rin itong hugis puso.
Nakatayo siya ngayon sa aking harapan at inilahad sa akin ang bracelet. Bago ko naman ito tinanggap ay tinignan ko muna siya, “S-Sa a-akin ’to?” nauutal kong sabi na para bang nag da-dalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi.
Ehnna nodded. “Oo, ginawa ko ito para sa ’yo. Matagal ko na itong ginawa kaso lang hindi ko maibigay sa iyo kasi nahihiya ako e.” nakangiti niyang sambit.
I chuckled. “Are you serious? nahihiya ka dahil?”
“Dahil ginawa ko ito no’ng panahon na hindi pa tayo medjo close sa isa’t isa. Tapos no’ng naging close na tayo, nakalimutan ko naman na may ginawa pala ako para sa ’yo, tapos ngayon ko lang din naalala na may ginawa pala akong bracelet para sa iyo na matagal ko na pa lang hindi naibigay sa iyo. Take this.” sambit niya pero hindi ko pa ito tinanggap dahil tinititigan ko muna ito.
Kinuha niya naman ang aking isang kamay ay siya na ang nag lagay sa bracelet sa aking palad. “Kunin mo na, suotin mo ha? sigurado talaga ako na ba-bagay talaga ito sa iyo.” she said while she's smiling at me.
Ako naman ay napatitig lang sa bracelet na nasa aking palad. Totoo bang ginto ito? napaka ganda niya gumawa.
“Seryoso ka bang ikaw ang gumawa nito? ’tsaka, tignan mo, totoong gold ’to, paano kapag na sira ko?” tanong ko sa kaniya habang nakatitig pa rin ako sa bracelet.
Narinig ko naman siyang napatawa nang mahina kaya napaangat ang aking tingin papunta sa kaniya.
“Totoong ginto ’yan. Noon kasi, maraming ginto si Cath, galing iyon sa mga magulang niyang matagal nang namayapa, pinatay kasi ni Nate ang mga magulang niya. Tapos nang namayapa na ang mga magulang niya ay napamana kay Cath ang mga ginto. Kaya humingi ako sa kaniya kahit kaunti lang, tapos ginawa kong bracelet. It took me five months to finish that, sigurado naman ako na matibay ’yan kasi hanggang ngayon hindi pa ’yan na sira.” she explained.
Ngumiti naman ako kay Ehnna at nag pasalamat dahil sa binigay niya sa akin, “Thank you so much—” pero bigla siyang sumingit kaya napahinto ako. “Don’t mention it.” she said while smiling.
Tumayo naman ako at niyakap siya ng mahigpit. “Salamat pa rin, I really appreciate your effort, hindi ko akalain na may ginawa ka pa lang ganito para sa akin. Pangakong hindi ko ito sisirain.” nakangiting sabi ko sa kaniya at isinuot ang bracelet na ibinigay niya.
Nang matapos ko itong isuot ay nag salita naman si Ehnna, “Naaalala mo pa ba ’yung field trip natin? ’yung first camping natin at ’yung first activity natin?” ani niya kaya tumango naman ako, “Oo, naaalala ko pa. Bakit?”
“’Yung gumawa tayo ng secret letter para ibigay iyon sa taong gusto natin sabihan ng kahit ano.”
I nodded again.
“Apat ba ’yung na tanggap mo? o tatlo?”
“Tatlo,” pag tatama ko rito, tumango siya. “’Yung isang letter na natanggap mo ay galing sa akin.” pag aamin niya. Hindi na rin ako nagulat dahil alam ko namang isa roon sa tatlong letter na natanggap ko ay galing sa kaniya.
I giggle, “Me too. Ginawan din naman kita, na halata mo naman siguro iyon, halatang-halata na sa akin iyon galing.” natatawang sambit ko. Ngumiti naman siya sa akin, “I know. Halatang-halata talaga. Pero alam mo, nang binasa ko ’yon, I suddenly felt happiness. Because of you. Thank you so much Lamia,” then she hugged me. tightly.
BINABASA MO ANG
Saved By The Alpha (COMPLETED)
Science FictionShe is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping for one hundred years and he needs pure and virgin blood to reawaken. Then, a stranger arrives, pro...