CHAPTER 28: Suspects

80 10 0
                                    

Iyon ang huling sinabi sa akin ni Detective Kiel Warnian at hindi rin ako nag dalawang isip pa kaya pumayag agad ako sa sinabi niya.

I’m going to help him.

Today is Sunday and I’m getting ready dahil magkikita ulit kami ni, Kiel. Hindi ko alam ano itatawag sa kaniya— siguro Kiel na lang, bagay din naman sa kaniya, tutal pogi rin siya e.

Suot ko naman ang high waist na short ko at nag insert ng oversized t-shirt. I also wear my radiation eyeglasses.

Pagkatapos ko namang mag-ayos ay agad din akong bumaba para kumain at mag paalam kay Papa.

It’s already nine forty-six AM, late na ako para sa agahan pero kakain pa rin ako. Bahala na.

Nang makababa naman ako, I saw my Papa sipping a coffee at nanonood ng TV.

“Pa?” I called him at nilingon niya naman ako, “Yes? Kanina pa kita hinihintay magising— wait... Where are you going?” Tanong niya sa akin nang mapansin niya ang suot ko.

Ngumiti naman ako kay Papa at pumunta naman ako sa kusina para buksan ang ref, at kumuha ng pitsel para uminom ng tubig. Habang nag lalagay ako ng tubig sa baso ay hinarap ko si Papa mula sa sala. “Pupunta po ako sa Rosé Café. Babalik po ako roon, may ginagawa po kasi kami ng kasama ko e.” I explained habang hindi ako tumitingin sa kaniya. Ininom ko ang tubig at ibinalik sa ref ang pitsel at hinugasan ang baso na ginamit ko.

“Sino ba ang kasama mo?” Tumigil naman ako sa aking ginagawa at hinarap si Papa. “My friend.” I said at kumuha ng pinggan para kumain.

“Pa? Kumain ka na po ba?” I asked him habang nakatalikod ito sa akin at nanonood ng TV. “Yeah... Kumain ka na diyan, baka hinihintay ka na ng kaibigan mo doon.” Wika niya habang hindi naman ako nililingon.

“Take care of yourself, honey.” Narinig kong sabi ni Papa at nilingon niya naman ako, “Remember what I've told you, don't trust someone na hindi mo kilala.”

Napatigil naman ako sa sinabi ni Papa sa akin. Napakunot ang noo ko dahil doon. Balak ko pa sanang sagutin siya kaso nanood ulit siya ng TV-- there's something wrong talaga.

Parang may mali.

Bakit parang may kahulugan ’yung sinabi ni Papa? Paano kung alam niya na isang Detective pala ang kasama ko mamaya...

But, that's too impossible... Hindi niya naman ’yon kilala.

Habang iniisip ko naman ang bagay na ’yon ay kumain na lang din ako pero kaunti lang din naman ang nakain ko.

Inubos ko na ang aking kinain at hinugasan ang aking pinggan. After that, pumunta ako sa sala at umupo sa sofa kung saan katabi ko na si Papa. “Aalis ka na? Anong oras ka uuwi?” Paninimula niya.

“Depende po.”

“Lamia Jane, may pasok ka bukas. Kailangan mo umuwi ng maaga para makapag pahinga ka--”

“Promise po, Pa. Mabilis lang ako, uuwi ako ka agad. Mga after lunch pa naman alis ko, siguro mga three PM nandito na ako.”

“Alright... Mag-iingat ka. Baka kung ano pa ang mangyari sa ’yo-- gusto mo bang ihatid kita doon sa café na sinasabi mo?”

Umiling naman ako sa sinabi ni, Papa. “Huwag na, Pa. Kaya ko naman na at saka may bike naman ako e. ’Yon na lang gagamitin ko papunta doon.”

He smiled, “O sige, basta mag-iingat ka, ah? Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo‚ baka dukutin ka doon sa labas, sige ka talaga.” Pananakot niya sa akin pero tumawa lang ako sa kaniyang sinabi. “I promise po. Kasama ko naman palagi pepper spray ko, Pa. No need to worry‚ I can handle myself.” I answered.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon