Kabanata 4

87 8 3
                                    

Lumipas pa ang mga ilang araw ganoon pa din ang takbo nang kwento ni Imelda, halos palagi siyang dinadalaw ni Benigno, pinapadalhan ng liham at ng mga bulaklak.

Nakatanaw si Imelda mula sa kanilang balkonahe (terrace), pinagmasdan niya maigi ang kapaligiran na ngayon ay sing ganda pa din ng mga tanawin na makikita.

Marami na din kasing nagbago simula nang magka gyera, halos lahat ng mga kabahayan sa maynila ay muling itinatayo.

"Binibini, may panauhin po kayo" saad nang serbidora.

Napabuntong hininga na lamang si Imelda, "Paakyatin mo na lamang siya rito" saad ni Imelda.

Tumango naman ang serbidora at nagtungo na sa ibaba, seryoso lamang pinagmamasdan ni Imelda ang kalangitan hindi niya batid ngunit masaya siya dahil dinadalaw siya ni Benigno hindi pa niya nais sagutin si Benigno dahil hindi pa siya handa.

Maya maya lamang ay narinig na niya ang yapak na patungo sa kaniya, "Magandang tanghali sa iyo, Binibining Imelda ako'y nakakaistorbo ba sa iyong pagmumuni muni?" tanong ni Benigno.

Napailing naman si Imelda at napangiti, "Magandang tanghali rin sa iyo, Ginoong Benigno" nakangiting wika ni Imelda.

Tinuro ni Imelda ang upuan at naupo naman si Benigno, "Para nga pala sa iyo, Binibini niluto ni ina iyan nais niyang matikman mo ang kaniyang luto" nakangiting wika ni Benigno.

Kinuha naman iyon ni Imelda at tinignan niya, napangiti naman ito at inilapag ang lalagyan nang pagkain.

"Siya nga pala, imbitado kayo sa kaarawan ni ama sa darating na linggo batid na rin nang iyong ama ang kaarawan ni ama" nakangiting wika ni Benigno.

Tumango naman at ngumiti nang marahan si Imelda, maya maya lamang ay dumaan si Concepcion sa likod ni Benigno at ngumiti ito nang nakaka asar kay Imelda na ikinakunot naman ng noo nito.

"Salamat sa iyong pag iimbita, aking titignan kung makakasama ako dahil mag aayos ako para sa pasukan nais kasi ni ama na ipagpatuloy ko ang aking pag aaral" nakangiting wika ni Imelda.

"Ganoon ba, mabuti naman siya nga pala saan ka pala mag aaral dito rin ba sa maynila?" tanong ni Benigno.

Napailing naman si Imelda, "Babalik ako sa Tacloban doon ako pag aaralin ni ama" saad ni Imelda.

Tila ba nalungkot si Benigno sa kaniyang narinig hindi niya mawari kung dapat ba siyang magalit ngunit ang ama pa rin ni Imelda ang masusunod.



"Anak, naasikaso ko na ang mga dokumento mo patungo sa tacloban makakasama mo din si Concepcion na magtutungo doon, pag nakauwi na kayo sa bahay natin doon hanaoin niyo lamang ang inyong kapatid na si Armando" saad ni Don Vicente.

Tumango naman si Imelda, malungkot para sa kaniya na uuwi na siya muli sa tacloban ngunit nais niyang gawin iyon upang makapagtapos siya nang pag aaral at makuha ang nais niyang kurso.

"Ama, sinabi pala sa akin ni Ginoong Benigno na kaarawan ni Don Benigno" saad ni Imelda.

Napaupo naman si Don Vicente at tila ba nalulungkot, "Aking anak, ikinalulungkot ko ngunit hindi ka makakasama sa kaarawang iyon paumanhin anak dahil sa linggo na rin ang alis niyo ni Concepcion" saad ni Don Vicente.

Tumango naman at ngumiti si Imelda, "Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana anak" saad ni Don Vicente.

Ngumiti naman si Imelda, "Ama, ayos lang po iyon kung ano man po ang nais niyo sa akin iintindihin ko na lamang po" saad ni Imelda.

Hinaplos naman ni Don Vicente ang ulo ni Imelda at niyakap nito ang anak, kahit noong namatay ang ina ni Imelda ay ayos lamang iyon dahil kahit paano nariyan pa rin ang ama niya.


Pagkalipas nang ilang araw...

Araw ngayon nang sabado at hinahanda ni Imelda ang mga kagamitan niya upang bukas ay aalis na lamang sila, madaling araw aalis sila Imelda at Concepcion upang makahabol pa sila sa barko na patungong Tacloban.

Napangiti naman si Imelda nang makita ang hikaw na ibinigay nang kaniyang ina noong kaarawan niya nang pitong taong gulang pa lamang siya.

Nakasuot nang kulay gold si Imelda na baro't saya, nakapaikot din ang buhok niya na may panyetang gold, suot din niya ang kuwintas na binigay nang kaniyang ama.

Nakaupo ngayon si Imelda sa harap nang salamin at nakangiting pinagmamasdan ang sarili, may kolorete na rin ang kaniyang mukha ang kaniyang tiya ang nag ayos sa kaniya.

Naramdaman ni Imelda na may humawak sa balikat niya, napalingon siya nang makita ang kaniyang ina at hinawakan nito ang kamay nang kaniyang ina.

Umupo si Donya Remedios sa tabi nang upuan ni Imelda, "Anak, maligayang kaarawan nais kong masiyahan ka sa iyong kaarawan na aming pinaghandaan wala man ang iyong ama ngunit sana'y huwag kang malungkot" nakangiting wika ni Donya Remedios.

Ngumiti naman at tumango si Imelda, "Ina, nais ko pong huwag kayong malungkot hindi po ako nalulungkot bagkus ay masaya po ako" nakangiting wika ni Imelda.

"Siya nga pala anak, may ireregalo ako sa iyo" nakangiting wika ni Donya Remedios sabay pakita nang hikaw na kulay gold at kumikinang kinang pa.

Tumayo si Donya Remedios at isusuot na niya ito kay Imelda, "Ang ganda ba anak? Nais kong suotin mo iyan huwag na huwag mong iwawala iyan kung nais mo lamang ay ipamana mo iyan kung magkakaroon ka ng apo na babae" nakangiting wika ni Donya Remedios.

Napangiti naman at napatango si Imelda habang pinagmamasdan niya sa salamin ang kaniyang sarili at ang hikaw na isinuot sa kaniya nang kaniyang ina.

Nakangiti namang pinagmamasdan ni Donya Remedios ang magandang anak niya, naghiwalay man sila ni Don Vicente ngunit may iniwan pa rin siyang magandang ginawa ni Don Vicente sa kaniya.

Hindi naman namalayan ni Donya Remedios na tumutulo na ang kaniyang luha, "Ina, bakit po kayo umiiyak?" tanong ni Imelda.

Napailing naman si Donya Remedios at sabay sabing, "Masaya lamang ako anak, kay ganda mo talaga nais kong ang lalaking iibig sa iyo ay aalagaan nang buong buo ang iyong puso at hindi ka nito sasaktan nais kong kahit paano ay umasenso ka sa buhay pagdating nang panahon" nakangiting wika ni Donya Remedios.

Yumakap naman si Imelda kay Donya Remedios nang mahigpit na siyang ikinangiti ni Donya Remedios.



******************
#HeStealABeautifulButterfly

Abangan pa ang ibang kabanata ng HSABB, sana ay magustuhan ninyo pwede kayo mag message sa conversation at kung may mga kakilala kayo recommend this story luvyuh!

Please Vote and Follow!


SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon