Kabanata 22

70 3 3
                                    

Filipinas, Abril 16,1954 (Ang Pang sampung pagkikita)

Tahimik na nagbuburda si Imelda nang pangalan ni Ferdinand sa panyo na kulay puti na kaniyang dinidisenyuhan ngayon nang pangalan ni Ferdinand.

Napapangiti siya sa tuwing naaalala ang pangyayari kahapon lalo na noong mahigpit na hinawakan ni Ferdinand ang kaniyang kamay halos ayaw na ni Ferdinand bitawan ang kaniyang kamay, tila mas lalo niyang naramdaman kung gaano siya kamahal ni Ferdinand doon lamang niya napatunayan na totoo ang pag ibig na ipinapadama ni Ferdinand sa kaniya.

Hindi rin niya mapigilan na mapangiti dahil bukas na ang kanilang lihim na kasal hindi man alam nang kanilang magulang ngunit iyon pa rin ang nais nila.

"Binibini, nariyan po si Ginoong Benigno" wika ng kanilang serbidora.

Napahinto naman sa pagbuburda si Imelda at napatingin sa kanilang serbidora na nasa likod ang kamay.

"Pakisabi, susunod ako" wika ni Imelda.

Napatango naman ang kanilang serbidora at agad na nagtungo sa ibaba.





Pagkababa ni Imelda ay nakita niyang nakaupo si Benigno at may hawak na pulang rosas napangiti ito nang makita si Imelda at napatayo siya agad sa sobrang tuwa.

"Bakit pala naparito ka, Benigno?" tanong ni Imelda na halatang hindi niya magugustuhan ang pangyayari ngayon.

"Nais ko lamang bisitahin ang pinaka magandang babae na iniligtas ko sa kaguluhan at nais kong kamustahin ang iyong kalagayan" wika ni Benigno.

Tumango naman si Imelda, "Salamat sa iyong pagligtas sa aming dalawa ni Macoy, siya nga pala wala akong galos at ayos lamang ako" wika ni Imelda.

"Maaari ba kitang makausap kahit sa labas ikot lamang tayo" pakiusap ni Benigno.

Tumango naman si Imelda at nagpaalam sa kanilang serbidora na naroon tumango naman ang kanilang serbidora na naroon at nagtungo muna sa kusina.

Paglabas nila ay may mga taong dumaraan, mga volkswagen at mga kalesa tahimik ang kapaligiran habang naglalakad lakad sila si Benigno na ang unang bumasag nang kanilang katahimikan.

"Bukas na pala ang inyong lihim na kasal" wika ni Benigno.

Tahimik lamang si Imelda na tumango, ngunit nagulat siya dahil hindi naman niya iyon binanggit kay Benigno noong huling pumunta siya dito.

"Paano mo nalaman?" nagtatakang wika ni Imelda.

"Sinabi ni Concepcion" wika ni Benigno.

Napahinto si Benigno sa isang tahimik na lugar at may mga harang, "Kahit kailan talaga itong si Ate Concepcion ang daldal" naiinis na wika ni Imelda.

"Mapagparaya talaga ang tadhana, ano?" nakangiting wika ni Benigno.

Tahimik na napatingin si Imelda kay Benigno, matagal tagal din kasing nanligaw si Benigno kay Imelda ngunit pihikan si Imelda kaya't hindi niya pa ito sinasagot masakit para kay Benigno ang hindi sagutin ngunit handa siyang magparaya para sa kaligayahan ni Ferdinand at Imelda.




"Totoo? Kinausap ka ni Benigno tungkol sa inyong lihim na kasal? Oo nga pala bukas na iyon paano pala iyon?" tanong ni Alita kay Imelda.

"Si Ate Concepcion kasi sinabi kay Benigno lihim natin iyon, basta ipaalam niyo kay ama na may pupuntahan lamang kami ni Macoy" wika ni Imelda.

Tumango naman si Alita, maya maya biglang pumasok si Concepcion, "Ate Concepcion, bakit mo sinabi kay Benigno ang ating lihim?" seryosong tanong ni Imelda.

Napahawak sa kaniyang labi si Concepcion dahil sa bigla, "Concepcion, baka nasabi mo rin kay ama iyon" wika ni Alita.

"Hindi ko sinabi kay ama, mapilit kasi si Benigno kaya nabanggit ko pasensya na" wika ni Concepcion.

Tumango naman si Imelda nang ilang ulit bilang tugon sa paumanhin ni Concepcion, maya maya lamang ay kumatok ang kanilang serbidora.

"Binibining Imelda, nariyan po si Ginoong Ferdinand naghihintay po siya sa ibaba" wika nang kanilang serbidora.

Tumango naman si Imelda at agad na nagpaalam muna kay Alita at Concepcion halos napapangiti naman ang dalawa dahil sumunod si Ferdinand kay Benigno na dumalaw kay Imelda.




"Macoy, bakit ka narito? Bukas na ang kasal natin bawal tayo magkita" wika ni Imelda kay Ferdinand.

"Hindi na makatotohanan ang mga pamahiin nang mga matatanda kung gugustuhin kong dalawin ka ay ayos lamang sa akin walang ibang mangyayari, Imelda" wika ni Ferdinand.

Napabuntong hininga si Imelda dahil sa mga pinag gagagawa ni Ferdinand, "Paumanhin kung nabigla kita, siya nga pala may damit ka na ba na susuotin para bukas?" tanong ni Ferdinand.

Umupo si Imelda ganoon din si Ferdinand, ngayon ay magkatabi na sila halos hindi pa rin maiwasan si Imelda na mapangiti sa tindi nang nararamdaman niya para kay Ferdinand.

"Oo, Macoy kagabi ko lang inihanda para bukas hindi ko na ihahanda excited na rin ako na isuot iyon" nakangiting wika ni Imelda.

Napangiti naman nang bahagya si Ferdinand, "Mabuti naman, sana hindi magbago ang iyong pananaw kung sakali mang ikasal tayo" wika ni Ferdinand.

Hinawakan ni Ferdinand ang mga kamay ni Imelda na ngayon ay pinipisil pisil niya nang marahan, naramdaman ni Imelda na nag iinit ang kaniyang pisngi at namumula ito hindi mapigilan ni Imelda na hindi mapangiti dahil ginawa na naman ni Ferdinand ang paghawak kay Imelda sa mga kamay nito.

"Paano pala iyan, nakapag paalam ka ba sa iyong ama?" tanong ni Ferdinand.

"Hindi, pero ipinaalam ko sa aking kapatid na ipaalam ako kay ama na may pupuntahan lamang tayo" wika ni Imelda.

Natawa naman si Ferdinand hindi niya mapigilang hindi mag isip dahil baka mahuli sila sa lihim nilang kasal.

"Ikaw ba? Baka mamaya malaman ni Don Mariano ang gagawin nating ilihim bakit hindi nalang naton sabihin sa kanila ang totoo baka pumayag pa sila" wika ni Imelda.

Malungkot na napayuko si Ferdinand na ikipinagtaka ni Imelda, "M-may nasabi ba akong m-mali?" nauutal na tanong ni Imelda.

"Wala, hindi naman iyon malalaman ni ama" wika ni Ferdinand.

Nais man sabihin ni Ferdinand na hindi makapapayag ang ama nito kung saka sakali ngunit nababatid nang kaniyang ama at ina na may nauna siyang asawa at ito ay si Carmen Ortega naka apat na siyang anak kay Carmen ngunit hindi na ipinaalam kung ano ang puno nang kanilang paghihiwalayan.

Tahimik na napalingon si Ferdinand kay Imelda, "Kung sakali man mayron kang problema huwag ka mahiyang magsabi" wika ni Imelda.

Hinawakan ni Imelda ang mga kamay ni Ferdinand na nagpagaan sa pakiramdam nito.





********************
#HeStealABeautifulButterfly

Yes! Andito na tayo malapit na! Abangan niyo ang kabanata 23 at ang Wakas nang kwento na ito sana ay magustuhan niyo wag kayong magsawang sumuporta maraming salamat!

Pakibasa na rin po ang first story ko na "My Old Rose, My Old Love" (historical fiction, complete) dedicated ko po sa lolo ko at lola ko please vote and comment.

Second story ko "Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (historical fiction, ongoing) please vote and comment.

Don't forget to vote and follow me!


SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon