Kabanata 17

65 10 7
                                    

Filipinas, Abril 11,1954 (Ang pang limang pagkikita)

Makulimlim pa rin ang kalangitan, mahinahong patuloy na pag ulan ang nararanasan ngayon nang maynila.

"May bagyo yata" saad ni Don Vicente na nakatayo sa tapat nang pintuan nila.

"Oo nga po ama, mahirap bumyahe ngayon madulas ang kalsada" wika ni Armando.

"Linda, magpakulo ka nang mainit na tubig at magkakape ako" utos ni Don Vicente sa kanilang serbidora.

Tumango naman ang kanilang serbidora na agad nagtungo sa kusina, "Nais mo rin bang magkape?" tanong ni Don Vicente.

Ngunit umiling lamang si Armando, bumalik naman sa kaniyang upuan si Don Vicente at muling nagbasa ng diyaryo.

Nanlaki siya sa presyo nang mga bilihin halos lahat tumaas ultimo ulam, bigas, at mga kagamitan na mabibili sa pamilihan.

Maya maya lamang ay may isang kalesa ang kumakaripas na huminto sa tapat nang kanilang bahay pinapasok naman iyon nang kanilang guardia civil nakilala naman ni Armando ang lalaking bumaba at agad na ipinaalam sa kaniyang ama.

"Ama, nariyan po si Don Mariano at kasama po niya ang kaniyang anak na si Ferdinand" wika ni Armando.

Napatayo si Don Vicente dahil sa gulat kaya agad niyang sinalubong si Don Mariano at Ferdinand.




"Nalaman ko ang nangyari sayo kahapon" wika ni Don Mariano.

Napayuko lamang si Don Vicente hindi niya batid kung bakit para siyang kinakabahan sa kung ano ang mangyayari.

Napatingin si Don Vicente kay Ferdinand na para bang may hinahanap siya kaya't bumulong siya kay Armando.

"Ipatawag mo si Imelda sa itaas" pabulong na wika ni Don Vicente.

Tumango naman si Armando at nagtungo sa itaas hindi na siya nag utos pa dahil batid naman niyang ganoon din aakyat din sa itaas.

Wala pang ilang minuto ay bumaba na mula sa hagdan si Armando kasunod si Imelda na nakasuot nang dilaw na baro at itim na saya nakatali rin ang buhok nito na paikot at may panyeta sa likod.

"Bakit po ama?" tanong ni Imelda.

"Magandang tanghali sa iyo, Imelda" nakangiting bati ni Ferdinand.

Napangiti naman si Don Mariano at Don Vicente, nagtataka naman ang mukha ni Imelda dahil bumisita na naman si Ferdinand.

"M-magandang tanghali din, Ferdinand" nakangiting bati ni Imelda.

Umupo si Imelda sa tabi ni Don Vicente nagpaalam naman si Armando na aakyat siya sandali sa itaas na sinang ayunan naman ni Don Vicente.

Habang nag uusap si Don Vicente at Don Mariano ay palihim pa rin ang tinginan ni Imelda at Ferdinand na halos nais na ata nilang mag usap nang silang dalawa lamang.

Napansin iyon ni Don Vicente, "Imelda, dalhin mo muna sa balkonahe si Ferdinand at may mahalaga lamang kaming pag uusapan ni Don Mariano" wika ni Don Vicente.

Tumango naman si Imelda nang tumayo si Ferdinand ay palihim pa itong sumulyap kay Imelda.




Diretso lamang ang tingin ni Imelda sa kapaligiran na natatanaw nila sa balkonahe kitang kita ang pagbuhos nang ulan na halos parang babaha na.

Binasag ni Ferdinand ang katahimikan, "Akala ko hindi mo na ako susungitan" natatawang wika ni Ferdinand.

Napalingon si Imelda kay Ferdinand na halos nakangiti na ngayon, ngayon lamang napansin ni Imelda na may kagwapuhan din palang itinataglay si Ferdinand.

"Ano bang sinasabi mo?" nagtatakang wika ni Imelda.

Hindi siya makapag focus dahil sa panay ang palihim niyang sulyap kay Ferdinand hindi niya batid kung bakit parang may nararamdaman siya kay Ferdinand.

"Wala pa ring tigil ang buhos nang ulan, sabi nila kapag umuulan may umiiyak daw na bigo sa pag ibig" wika ni Ferdinand.

Nakakunot namang lumingon si Imelda, hindi niya batid kung balit may iba pang sinasabi si Ferdinand na hindi naman niya gaano naintindihan.

"Hindi mo ba napansin?" tanong ni Ferdinand.

"Ang alin?" tanong ni Imelda.

Napangiti namang lumingon si Ferdinand kay Imelda, "Ang pag ibig ko sa iyo" nakangiting wika ni Ferdinand.

Hindi batid ni Imelda kung bakit bigla na lamang itong napangiti tila ba nagugustuhan na niya si Ferdinand.

"Tignan mo ngumingiti ka na ibig sabihin magkakasundo na tayo" nakangiting wika ni Ferdinand.

Pumalo naman sa hangin si Imelda habang nakangiti at tinakpan niya pa ang kaniyang bibig na halos nakangiti na at parang mapupunit sa ngiti nito.




Dalawang oras din ang tinagal ni Don Vicente at Don Mariano sa pag uusap sa ibaba habang sila Ferdinand at Imelda ay nakakapag kwentuhan na rin tungkol sa kanilang mga buhay at noong mga bata pa sila.

"Batid mo bang may kinalaman na si Benigno sa plano natin?" tanong ni Don Mariano.

"Sa tingin ko oo dahil bakit naman ako babalaan kung wala" saad ni Don Vicente.

Napatango naman nang ilang ulit si Don Mariano, "May espiya sa pamahalaan" wika ni Don Mariano na nakatingin sa di-kalayuan.

Batid na rin iyon ni Don Vicente nais niyang malaman kung sino ang espiya sa pamahalaan dahil sa plano nila Don Mariano at Don Vicente kung hindi nila susugpuin iyon malamang masisira lalo ang pamahalaan.

"Mga dugyot kasi yung mga taong naupo sa pwesto ultimo kasapi nang pamahalaan tila ba nakikiayon sa kadugyutan nila" wika ni Don Mariano.

Seryoso lamang na nakatingin si Don Vicente totoo lahat nang sinabi ni Don Mariano kung ang mga kasapi nang pamahalaan walang kinikilos at may itinatago iyon ang dapat na tuklasin ni Don Mariano at Don Vicente.

"Bueno, kung ang ating pag uusapan ang tungkol doon mas maigi kung dito nalang natin planuhin iyon masisiguro pa natin kung ang plano natin ay maisasagawa natin" saad ni Don Vicente.

Napaisip sandali si Don Mariano at napatango tango, "Tama, bueno aalis na kami ni Macoy sa susunod ang kanilang kasal naman ang paplanuhin natin" wika ni Don Mariano.

Tumango naman at ngumiti si Don Vicente, ipinatawag si Ferdinand na bumaba ilang minuto lang ay magkasunod na bumaba si Ferdinand at Imelda.

Nakangiting nagpaalam sa isa't isa si Ferdinand at Imelda ganoon din si Don Mariano at Don Vicente.

Nakapayong naman nilang inihatid sa labas si Imelda ay hanggang sa pintuan lamang.

Bago pa man sumakay nang kalesa si Ferdinand ay nakangiting tumingin si Ferdinand kay Imelda ngumiti pabalik si Imelda kay Ferdinand at kumaway pa ito.




******************
#HeStealABeautifulButterfly

Good evening update ko lang tong kabanata 17! Abangan niyo ang kabanata 18 at ang mga susunod pang kabanata!

Salamat sa mga sumusuporta mag special mention ako sa last part nang "He Steal A Beautiful Butterfly" abangan niyo lang.

Pakibasa na rin ang first story ko kung mahilig ka sa historical fiction "My Old Rose, My Old Love" (historical fiction, complete) vote and comment.

"Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (historical fiction, ongoing) vote and comment.

Don't forget to vote and follow me!

SALAMAT!


HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon