Kabanata 16

79 8 5
                                    

Filipinas, Abril 10,1954 (Ang Pang-apat na pagkikita)

Kumakain ngayon sa hapag ang pamilya Romualdez, sinabi ni Don Vicente na may lakad siya at baka bukas na siya makauwi umayon naman sa kaniya ang kaniyang mga anak.

"Don Vicente, nariyan na po ang kalesa" saad ng serbidora nila.

Tumango naman si Don Vicente bago siya lumabas ay nagbilin na muna siya sa kaniyang mga anak.

"Lahat nang gawain ninyo ay gawin niyo na upang sa gayon ay wala na kayong iintindihin pa" saad ni Don Vicente.

Tumango naman ang kaniyang mga anak, hinalikan niya isa isa ang kaniyang mga anak sa noo nito.

"Huwag niyo na ako silipin ubusin niyo ang inyong pagkain dahil isang kabastusan kapag iniwan niyo sa hapag ang inyong pagkain" wika ni Don Vicente.

Tumango naman ang kaniyang mga anak, agad sumakay nang kalesa si Don Vicente naiwan naman ang kaniyang mga anak na kumakain.




"Totoo?" tanong ni Alita kay Imelda.

Tumango naman si Imelda, "May taglay talagang pambihira iyang si congressman Ferdinand" saad ni Alita na tila ba nahuhusayan kay Ferdinand.

"Hindi pa ako handa na magpakasal" wika ni Imelda.

Nanlaki naman ang mga mata ni Alita, "Ano ka ba Imelda, nariyan na huwag mo nang pakawalan pa sa tingin ko papayag naman si ama" wika ni Alita.

Napakagat labi si Imelda, "Sa tingin mo alam na kaya ito ni ama halos nitong nakaraang araw palagi niyang kasama si Don Mariano" wika ni Imelda.

Napatingin naman sa kisame si Alita, "Yun ang hindi ko alam pero baka oo kasi palagi pa naman niyang kasama iyon baka surpresa" natatawang wika ni Alita.

"Surpresa? Ang alin?" tanong ni Imelda.

"Na may alam si ama sa nais ni Ferdinand hindi ba?" tanong ni Alita.

Tumango naman si Imelda na para bang sang ayon siya sa naiisip nang kaniyang kapatid.




Narating na ni Don Vicente ang pamahalaan halos tahimik ang bawat pasilyo nito wala kang makikitang naglalakad lakad pabalik balik si Don Vicente lamang ang naglalakad sa pasilyo.

Naramdaman ni Don Vicente na may humila sa kaniya ang tinakpan pa ang kaniyang bibig.

Hinila siya sa madilim na pasilyo kung saan walang gaanong tao ang makakita sa kaniya.

"Huwag niyo nang ituloy ang balak niyo" seryosong saad nang lalaki.

Naramdaman ni Don Vicente ang mainit na hininga nang lalaki, "S-sino ka?" nauutal na tanong ni Don Vicente.

"Hindi mo na kailangan alamin pa, kung ako sa iyo wag mo na ituloy ang balak niyo ni Don Mariano mapapahamak lamang kayo" wika nang lalaki.

Tila ba nanindig balahibo si Don Vicente, "Papalabasin lamang kita kapag sumang ayon ka sa sinasabi ko pero kung hindi gagapang kang lumalabas sa pasilyong ito"






Makulimlim ang kalangitan habang nakasilip si Imelda sa balkonahe nang biglang may isang kalesa ang huminto sa tapat nang kanilang bahay.

Pinapasok naman iyon nang guardia civil, nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ito at kasama pa nito ang pinsan nito.

"Binibining Imelda, may panauhin po kayo" wika nang kanilang serbidora.

"Pakisabi wala ako" wika ni Imelda na nakakailang hakbang pa lamang.

Ngunit huli na ang lahat nang marinig niyang nagsalita si Ferdinand.

"Ganyan ka na ba? Tatalikuran mo na lamang ako?" tanong ni Ferdinand.

Naistatwa lamang si Imelda sa kaniyang kinatatayuan, dahan dahan niyang naramdaman na lumapit sa kaniya si Ferdinand.

"Masyado na ba akong desperado na pakasalan ka? Dahil mahal kita Imelda sabihin na nating sa unang tingin pa lamang at hindi pa kita kilala nang lubusan ngunit ito ang iyong pakatandaan ang kasal ang patunay na totoong nagmamahal na tayo" wika ni Ferdinand.

Napaharap si Imelda nang muntik na magkadikit ang kanilang mga labi nang mapa atras siya mabuti na lamang ay naalalayan siya ni Ferdinand kung hindi baka natumba na siya.

Nanlaki ang mga mata ni Imelda dahil hindi niya inaasahan na hinawakan na lamang siya ni Ferdinand nang ganoon lamang.

Binitawan na ni Ferdinand si Imelda at muling tumalikod si Imelda at nagpaypay nang kaniyang abaniko.

"Sinasabi ko sayo Ferdinand kung ang kasal lamang ang nais mo dahil nais mong magkaroon nang asawa huwag na lamang ako" wika ni Imelda.

Tila ba nalungkot si Ferdinand sa sinaad ni Imelda hindi niya batid ngunit nais niya pa ring mapangasawa si Imelda.

"Masyado ka yatang pihikan" wika ni Ferdinand na ikinakunot nang noo ni Imelda.

"Hindi ako pihikan sadyang hindi lamang kita kilala" wika ni Imelda.

"Makikilala mo rin ako kapag naikasal na tayo" nakangiting wika ni Ferdinand.

Napailing lamang si Imelda, "Umalis ka na muna Ferdinand" wika ni Imelda.

Hindi naman makasagot si Ferdinand para bang umurong ang dila niya, "Kung ito ang nais mo, ngunit hindi pa rin kita susukuan" wika ni Ferdinand.

Sabay talikod at nang makalabas sila ay sumilip sa balkonahe si Imelda biglang kumulog nang malakas at bumuhos ang ulan hindi pa man nakakasakay nang kalesa si Ferdinand ay agad nitong binaba.

"Binibini, saan ang inyong tungo?" nagtatakang tanong nang kanilang serbidora.

Kumuha nang payong si Imelda at tinawag si Ferdinand, nang makalapit si Ferdinand ay napangiti ito dahil hindi rin pala ito makakatiis.

"Pasok muna tayo sa loob" wika ni Imelda.

Sumunod naman ang pinsan ni Ferdinand sa loob, inutos ni Imelda na pasilungin ang kanilang kutsero at ang kalesang dala nito dahil baka mabasa ang kutsero.




"Inom ka muna" wika ni Imelda na may dalang tubig, dalawang baso isa sa pinsan ni Ferdinand.

"Siya nga pala, heto ang pamunas nabasa ka nang ulan bago ako makababa" wika ni Imelda.

"Salamat" nakangiting wika ni Ferdinand.

Nakatingin lamang si Imelda kay Ferdinand na nagpupunas hindi niya batid ngunit mas lalo yatang bumilis ang tibok nang puso niya hindi rin niya maiwasang mapatingin sa labi ni Ferdinand.

Napalingon naman si Ferdinand sa kaniya, "May mabuting puso ka rin pala" pabulong na wika ni Ferdinand.

Nagtaka naman si Imelda, "Ano?" tanong ni Imelda.

Umiling naman si Ferdinand at ngumiti, "Macoy na lamang ang itawag mo sa akin" wika ni Ferdinand.

Bagamat pa nila kilala ang isa't isa ngunit iyon na ang nais ni Ferdinand na itawag sa kaniya ni Imelda.






**********************
#HeStealABeautifulButterfly

Abangan ang kabanata 17! Malapit na malapit nang mainlove si Imelda kay Ferdinand!

Pakibasa niyo na rin ang first story ko na "My Old Rose, My Old Love" (historical fiction, complete) vote and comment.

"Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (historical fiction, ongoing) vote and comment.

Don't forget to vote and follow me!



SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Where stories live. Discover now