(Chapter 6)

2.5K 36 0
                                    

Natapos na ang cruise pero nanatiling malamig si Vlad kay Zera. Dumirecho sila sa bahay ni Vlad sa Forbes dahil doon na sila titira.

"Pinaayos ko na ang isang guest room, doon ka matutulog." Sambit ni Vlad kay Zera.

"Pero.." Sambit ni Zera dahil sa gulat hindi niya inaasahan sasabihin yun ng asawa.

"Bakit? Ang akala mo ba mag-sasama tayo sa iisang kwarto?"Malamig na Sambit ni Vlad.

" Hindi naman sa ganon... "Sambit ni Zera. Medyo napahiya siya dahil sa sinabi ni vlad nag expect lang naman siya.

"Wala dito ang lolo para pakitaan ko siya ng isang magandang palabas."Sambit ni Vlad.

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin..." Sambit ni Zera.

"Whatever Zera. Manang... Manang."Sambit ni Vlad kay Zera sabay baling sa pagtawag ng mayordoma niya sa bahay.

"Oh hijo... Andiyan na pala kayo." Sambit ng mayordoma na si manang fe.

"Opo manang. Si Zera nga po pala. Zera siya si manang fe ang mayordoma dito sa bahay. Ipakilala mo nalang siya mamaya sa iba." Sambit ni Vladimir.

"Siya na ba ang asaw mo hijo? Napaka-ganda mo naman iha." Sambit ni manang fe.

"Salamat po manang fe." Sambit ni Zera.

"Kayo na po bahala sa kanya manang. Mag-papahinga na ako." Sambit ni Vladimir.

"Oh sige hijo ako na bahala pero hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni manang fe.

"Hindi na po. Kayo na lang po. Napagod ako sa byahe." Sambit ni Vlad.

"Ganon ba. Sige mag-pahinga ka na." Sambit ni manang fe. At umalis na si Vlad hindi man lang tinapunan ng tingin si Zera.

"Halika sa kusina hija, Ipapakilala kita sa ibang kasambahay dito." Sambit ni manang fe.

"Sige po manang." Sambit ni Zera at sumunod na sa matanda.

"Michelle, Ella, Romeo. Halika kayo dito." Tawag ni manang fe sa ibang kasambahay.

"Yes manang...? Oh...Ang ganda naman niya. Hehe sino po siya manang?"Tanong ni Ella mukhang siya pinaka-makulit sa kanila tatlo.

" Siya ang Señiorita Zera niyo. Asawa ni Señiorito Vladimir. "Sambit ni manang fe. Kinalaki ng mata ni Ella at Michelle.

"Ang ganda ganda naman ni Señiorita. Akala ko may artista naligaw." Sambit ni Michelle na kala mo na-tibo na sa ganda ni Zera.

"Pasensya ka na Señiorita. Ganyan lang talaga sila makukulit pero mababait ang mga yan. Ito nga pala si Romeo, siya ang driver ni Vladimir. Ito naman dalawa si Michelle at Ella kasama natin sila dito." Paliwanag ni manang fe.

"Thank you manang and please stop with the Señiorita. Call me Zera. Nice meeting you Ella, Michelle, mang romeo."Sambit ni Zera.

" Talaga palang mabait ka Zera. Mukhang tama na naman si Don Rafael."Sambit ni manang fe. Na kinapula ng mukha ni Zera.

" Mag-merienda ka muna Señiorita Mukhang napagod ka sa byahe. "Sambit ni Ella.

"Hindi na... Hindi pa naman ako nagugutom mamaya na lang siguro at Ella at ikaw na din Michelle wag niyo na akong tawaging Señiorita. Ate Zera na lang." Sambit ni Zera sa kanila.

"Naku... Sige po ate Zera. Dadalhan ko na lang po kayo ng makakain mamaya kung sakaling magutom kayo." Sambit ni Ella.

"Sige Salamat Ella. At ikaw po mang romeo. Zera nalang po itawag niyo sakin." Sambit ni Zera. At nag tawanan na sila dun sa kusina.

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon