(Chapter 16)

2.3K 33 0
                                    

Nang Matapos ang discharge order ay nagpunta na sina Zera at Drew sa mansyon ng mga Reyes.

"Nasan po sila daddy Manang Isabel?" Tanong ni Zera.

"Oh Zera ikaw pala... Nasa study room ang daddy mo kasama ang mommy mo hija." Sambit ni mang Isabel kay Zera.

"Salamat po Manang." Sambit ni Zera.

Hindi nakasara ng mabuti ang pinto ng study room kaya narinig ni Zera na nag-uusap ang dalawa. Sa mga narinig ay hindi agad kumatok si Zera.

"Bakit naman kasi si Zera pa ang ipinakasal mo sa mga Monteverde, Gilbert? Nagmumukha tuloy kabit ngayon ang anak mo." Sambit ni Cynthia.

"Iyon ang gusto ng matandang Monteverde. Wala akong magagawa Cynthia." sambit naman ni Gilbert.

"Kung pinilit mo sana na si Zoe na lang ang maipakasal kay Vladimir ay hindi sana nag-mumukhang kabit ang anak mo." Sambit ni Cynthia sa asawa.

"Look, si Zera ang gusto ni Don Rafael para kay Vladimir. Hindi ko pwedeng kontrahin yon dahil hindi niya itutuloy ang buong tulong niya satin. Sa tingin mo ba kung ako masusunod siyempre si Zoe ang gugustuhin kong ipakasal sa kanila at hindi ang ampon ni papa."Sambit ni Gilbert.

"Gumawa ka sana ng paraan. Hindi naman tunay na Reyes si Zera kaya bakit siya ang makikinabang sa mga Monteverde." Inis na Sambit ni Cynthia.

Sa mga naririnig ay tuluyan ng tumulo ang luha ni Zera. Hinawakan niya ang kanyang bibig para pigilan ang pag hikbi niya.

Narinig din ni Drew ang usapan dahil nakaalalay lang siya kay Zera. Niyakap nalang niya ito na tila pinoprotektahan.

"Kaya pala... Kaya pala mga bata pa lang kami mas importante sa kanila si Zoe... Kaya pala." Sambit ni Zera na patuloy sa pag-iyak.

Doon na napansin ng mag-asawa na may tao sa labas ng pinto. Binuksan agad ni Cynthia ang pinto upang makita kung sino ang nasa labas.

" Zera. "Sambit ni Cynthia ng makita si Zera.

" Tatanungin ko dapat kayo bakit hinahayaan niyo ang kahayupang ginagawa ng kapatid ko at ng asawa ko kaya ako nag-punta dito pero mukhang alam ko na kung bakit. Siya lang naman ang anak niyo diba?!"Sigaw ni Zera.

"Wag mong pag-taasan ng boses ang mommy mo Zera." Banta Sambit ni Gilbert.

"She's not my mom! She never treated me as her daughter! Si Zoe lang naman lagi ang nakikita niyo. Siya lang lagi ang magaling! Ang Sama niyo! Ang Sama sama niyo." Sigaw ni Zera habang si Drew sinusubukan pigilan si Zera.

Dahil sa mga sinabi ni Zera ay isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa ina.

" Wala kang utang na loob! Sasagutin mo pa ako ng ganyan after all the things we've done for you." Ganting Sigaw ni Cynthia.

"You have never done anything for me! It has always been lolo Miguel! Mga wala kayong puso! If you have at least treated me as your daughter hindi niyo hahayaan si Zoe na lapitan ang asawa ko! Pero anong ginawa niyo kinunsinti niyo lang ang anak niyo." Sigaw pa rin ni Zera.

" Shut up Zera. Mabuti naman at alam mo na ngayon. Tapos na rin ang pagtitiis namin sayo."Sambit ni Gilbert.

"Mga hayop! Ang bababoy niyo! May asawang tao hinahayaan niyong akitin ng anak niyo." Sigaw ni Zera.

"Hindi kasalanan ni Zoe na mas gusto siya ni Vladimir kesa sayo." Sigaw ni Cynthia sa kanya.

"Wala akong ginawang masama sa inyo pero bakit nakaya niyo kong ganituhin! Did you ever treat me as your daughter even once?" Sambit pa ni Zera.

"Isa lang ang anak ko. Walang iba kung hindi si Zoe." Sambit ni Cynthia.

"Zera... Let's go the hell out of here!"Madiing Sambit ni Drew.

"Sandali lang Drew... May gusto lang ako itanong sa kanila." Sambit ni Zera.

"Ano pa bang kailangan mo Zera? Alam mo na ang totoo kaya wala ng dahilan para mag panggap pa tayo." Sambit ni Cynthia.

"Kahit konti ba... Hindi niyo ko minahal as your daughter?" Tanong ni Zera na unti unti naluluha.

"Galit ako Zera... Inuwi ka ng papa noong panahong hindi pa ako magka-anak. Mas lalo akong nagalit na lumaki kayo na mas mahal ka ng lolo niyo kesa sa tunay niyang apo... Si Zoe lang ang nag iisang Reyes. Wala ng iba."Walang emosyon na Sambit ni Cynthia.

Humagulgol na ng iyak si Zera sa narinig kaya inilabas siya doon ni Drew.

"Tahan na Zera... Makaasama sa baby mo ang pag-iyak. "Sambit ni Drew. Kaya hirap man pinipigilan ni Zera ang pag-iyak.

"All these years... Na buhay pala ako sa kasinungalingan... Sa isang iglap lang hindi ko na alam kung sino ako."Sambit ni Zera.

"Ikaw pa rin si Zera.. The strongest woman I've ever met. Ang pinakamatapang na babae who happens to wear the sweetest smile I have ever seen in my life." Sambit ni Drew habang tinitigan straight in her eyes.

"I should have seen this coming... Pero nagbulag bulagan ako. Noon pa lang... Hindi ko na nararamdaman na mahal nila ako. My dad never smiles at me while mom has always been aloof... Pero binaliwala ko lang lahat iyon. Ang tanga ko." Sambit ni Zera.

"I'll take you home Zera para makapag pahinga ka. You need it not just for you but for the little angel as well inside your womb." Sambit ni Drew.

"Thank you Drew..." Sambit Zera.

Mabuti na lang at habang nasa daan ay nakatulog si Zera para makapagpahinga ito hanggang sa makarating sila sa bahay. Sa dami ng nangyari. Isa lang ang dasal ni Drew. Na malampasan lahat ito ni Zera.

______________________

-TITANIAMAGNUM

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon