(Chapter 15)

2.3K 32 0
                                    

Naging masayahin si Zera sa mga nagdaang araw dahil na rin sa nalaman niyang ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Vladimir.

She's watching the news when she saw Vladimir video's on the screen. He's with none other than Zoe who happens to be her little sister while there are arm and arm together na halos ipagdikitan na nito ang kanyang hinaharap kay Vladimir na habang tila naman tuwang tuwa ang magaling niyang asawa.

Biglang nanakit ang tiyan ni Zera sa nakikita sa television pero pinipilit na kinakalma niya ang sarili dahil na rin sa anak na nasa sinapupunan kahit na namimilipit na siya sa sakit.

"Pasensya na baby ha kung nahihirapan ka. Hindi lang mapigilan ni mommy na hindi masaktan. Stay strong baby. I will be strong for you." Sambit ni Zera habang hawak hawak ang tiyan na at kinakausap ang bata na nasa sinapupunan niya.

Sa tagpong iyon siya napasukan ni manang fe na tatawagin pala siya.

" Zera hija... May bisita ka... Diyos ko po! Zera! Zera anak anong nangyayari sayo. Drew! Drew! Tulong! Si Zera dalian mo." Sigaw ni manang fe. Na naroon pala para tawagi siya dahil dumating na si Drew.

Si Drew naman narinig sigaw ni manang fe dali daling tumakbo sa sa kwarto ni Zera.

" Zera! Hang on dadalhin kita sa hospital. "Sambit ni Drew at binuhat na si Zera pero bago sila makaalis ay nahagip pa ng kanyang mata ang nasa television na walang iba kung hindi si Vladimir.

Mabilis na pinatakbo ni Drew ang kanyang sasakyan para madala si Zera sa ospital habang inaalalayan ito ni manang fe sa backseat.

"Drew bilisan mo... Namumutla na si Zera." takot na Sambit ni manang fe. Dahil sa narinig ni Drew mas lalo niya binilisan ang pagpapatakbo dahil sa takot na baka may mangyaring masama kina Zera at sa anak nito.

Nang makarating agad sa hospital ay dinala kaagad si Zera sa E.R at mabilis tinignan ng mga doctor.

Kabadong kabado sina Drew at manang fe na nag hihintay sa labas. Na tawagan na rin nila si Don Rafael pero ang inutil niyang asawa ay hindi man lang makontak. Naroon na rin si Aviona na alalang alala sa bestfriend niya.

"Anong nangyari bakit nagkaganito si Zera?"Tanong ni Don Rafael.

"Sisihin niyo ang magaling niyong apo. Kung hindi dahil sa kanya hindi mahihirapan ng ganyan si Zera. Makikipaglandian na rin lang ipapakita pa niya sa buong mundo at sa mismong kapatid pa ni Zera." Matigas na Sambit ni Drew na hindi na mapigilan ang galit at nakayukom na ang kamay nito.

" Meron lang siguro hindi pag kakaintindihan hijo."Sambit ni Don Rafael.

" Don Rafael mataas ang respeto ko sa inyo pero sa apo niyo... Wala kahit konti. Sino siya sa tingin niya para ganituhin si Zera?"Sambit ni Drew.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo Drew. Apo ko ang pinag uusapan natin dito ASAWA niya si Zera."Mariing Sambit ni Don Rafael.

"Matagal ng pinapahirapan ni Vladimir si Zera! She's emotionally drained! Ilang beses pa ba siyang ininsulto ng magaling niyong apo?! Hindi ko na mabilang! And damn I will kill him myself for physically hurting Zera! To tell you honestly matagal ko na sanang ginawa para ako nalang ang mahalin ni Zera pero dahil sa kanya hindi ko magawa. Dahil mahal na mahal niya ang walang kwenta niyong apo."Galit na galit na Sambit ni Drew na hindi na napigilan ang pagsabog ng emosyon.

" W-Wala ako alam sa nangyayari Drew. "Sambit ni Don Rafael.

" Kung hindi niyo siya pinilit magpakasal sa demonyo niyong apo hindi magkakaganito ang buhay ni Zera! Look what happened to her." Galit na galit na Sambit ni Drew.

Hindi naman nakapag-salita si Don Rafael sa mga sinabi ni Drew. Alam niyang hindi nito basta basta sisirain ang pagkakaibigan ng dahil lang sa babae. Naghihinang napaupo si Don Rafael sa isa sa mga upuan doon sa waiting area.

"Tama na Drew... Let's just hope na maayos si Zera at ang kanyang baby." Sambit ni Aviona na hinawakan ang balikat ni Drew para pakalmahin.

Nag hihintay lang sila ng lumabas ang doctor.

"Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong ng doctor.

"Ako ang lolo niya, kamusta ang apo ko? "Tanong ni Don Rafael.

" Maayos na siya pati ang baby pero maselan ang pagbubuntis niya. Her body has been suffering from stress. She needs to be extra careful para sa baby."Seryoso Sambit ng doctor.

" Thank god! We'll make sure na maayos siya. Thank you doc. "Sambit ni Don Rafael.

Pumasok na sila sa private room ni Zera. Nag-papahinga na ito at mahimbing ang tulog dahil na rin siguro sa gamot na I binigay dito.

Ngayon ayos na si Zera ay nangibabaw na ng galit si Don Rafael sa apo dahil sa mga pinag-gagawa nito sa asawa.

Tinawagan nito ang sekretarya ng apo na hindi pa rin sumasagot sa lolo hanggang ngayon.

"Pang-ilang tawag ko na to sa boss mo pero wala man lang akong natanggap na sagot! Sabihin mo sa kanya na kailangan ko siyang makausap agad dahil kung hindi ako mismo ang lilipad kung saan man siyang lupalop ng mundo ngayon. Pati ikaw mananagot sakin." Sambit ni Don Rafael na hindi makapagpigil dahil sa galit..

Nagising rin naman agad si Zera makalipas ang ilang oras.

"Zera...you're awake. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Drew. Ng makita gising na si Zera.

"Drew... Anong nangyari?" Tanong ni Zera.

"Hindi ko alam. Nakita ka nalang namin ni manang kanina na sumasakit ang tiyan tapos namumutla ka pa." Sambit ni Drew.

"Ang baby ko?kamusta ang baby ko?" Nag-aalalang Tanong ni Zera.

"Hush Zera. Walang nangyari sa baby. You're both fine... Pero sabi ng doctor kailangan mong mag-ingat dahil maselan kang mag-buntis."Sambit ni Don Rafael na agad naman hinawakan ang kamay ni Zera.

Napangiti si Zera sa narinig. Masaya siyang marinig na ayos lang ang anak na nasa kanyang sinapupunan.

" Narinig mo yon Zera... Hindi ka dapat na-sstrress. Makakasama sa inaanak ko yon."Sambit ni Aviona na nakahinga na ng maluwag.

"Drew... Gusto ko ng umuwi... Pwede bang samahan mo ko sa bahay nila daddy?" Tanong ni Zera.

"Pero Zera... Kailangan mo pang mag-pahinga."Sambit ni Drew.

" Sige na Drew kailangan kong makausap ang daddy... "Pakiusap ni Zera.

" Zera... "Sambit ni Drew nahihirapan siyang tanggihan si Zera.

" Please Drew... Kailangan ko lang maka-usap sina daddy." Pakiusap ni Zera.

" Dahil ba to kay Zoe? Sa napanood mo kanina? "Seryosong Tanong ni Drew.

"Oo." Sambit ni Zera na napayuko na lang ang ulo.

"Look at me Zera. Ayokong mas masaktan ka pa... The way I know how your parents are towards you. Hell no... You're not going in there." Sambit ni Aviona.

"Please Aviona... I just wanna talk to them." hingi pa rin ng Pakiusap ni Zera.

"I'll come with you." Sambit ni Aviona.

"No Aviona...Alam mo naman na galit sayo sina daddy nung inaway mo noon si Zoe para ipag tanggol ako diba?" Sambit ni Zera.

"Zera naman." Sambit ni Aviona.

"Ako ang sasama sa kanya... Don't worry Aviona, I'm not gonna let anyone hurt her." Sambit ni Drew.

"Thank you Drew." Sambit ni Zera. Pero ngiti nalang ang sinagot ng binata.

_______________________

-TITANIAMAGNUM

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon