(Chapter 34)

1.6K 27 0
                                    

"Sir Vladimir... May dumating po na package para sa inyo." Sambit ni Carla habang dala ang package na nagsasabing confidential.

"Kanino galing Carla?" Tanong ni Vladimir.

"Wala po nakalagay na return address. Pero pinacheck ko naman po sa security kung ok po yung package." Sambit ng sekretarya niya.

"Sige akin na yan."Sambit ni Vladimir at lumabas na ang sekretarya niya.

Binuksan ni Vladimir ang laman ng package. Naglalaman ito ng mga dokumento na patungkol sa pagwawalang bisa ng kasal nila ni Zera.

Tigagal si Vladimir sa nakita. Hindi siya makapaniwala na nakikipaghiwalay na sa kanya si Zera.

"No... No... Hindi pwede... I'm still waiting Zera and I will never let you go!" Sambit ni Vladimir na napasuntok na sa lamesa kaya na papasok si Carla ng wala sa oras.

"Sir Vladimir... Okay lang po kayo...?" Tanong ng sekretarya niya.

"Do i look like I'm ok?!" Sigaw ni Vladimir sa Sekretarya.

"So-Sorry Sir..."Sambit ni Carla na tila natatakot sa boss dahil simula umalis ang asawa nito at naging mabait na ang kanyang boss.

"Sorry Carla... I didn't mean to shout at you. Pakipahanda mo ang private plane pupunta ako ng France." Sambit ni Vladimir.

"Sige po Sir Vladimir... Susunduin niyo na po si Ma'am Zera...?" Tanong ni carla na tila natuwa sa narinig pero tahimik lang si Vladimir bago nagawang sumagot.

"Nakikipaghiwalay na siya sakin Carla... Pupunta ako doon to win her back..."Sambit ni Vladimir.

" I'm sorry Sir... Pero sana maiuwi niyo na dito si Ma'am Zera... Para maging masaya na kayo... "Sambit ni Carla.

"Thank you Carla... Sana nga..." Sambit ni Vladimir.

Sa France naman ay nakarating na kay Count Marcos ang balitang pupunta sa France si Vladimir dahil pinababantayan niya ito.

"Make sure that he will be on a dead end once he arrive. He should not be able to find anything about my daughter. Make sure that all tracks are covered for Zera Reyes or Monteverde. She shouldn't no longer exist. He should not know that she is now Countess Chandria Margaretha or else I will hold you accountable. "Utos ni Count Marcos sa kanyang mga tauhan.

" Yes Count Marcos. We have arranged everything."Sambit ng isa sa mga tauhan niya.

" Good. You may go!"Sambit ni Marcos.

"We are now on the starting line Vladimir Shaun Monteverde. I will make sure you'll suffer like the way mu daughter suffered." Sambit ni Marcos ng siya na lang ang Naiwan sa kanyang opisina.

"Dad...?" Tawag ni Chandria sa ama.

"Come in sweetheart..." Sambit ni Count Marcos na nawala na ang galit ng marinig ang tinig ng anak.

"Are you busy...?" Tanong ni Chandria Margaretha.

"Not really... You need something...?" Masuyong tanong ni Marcos sa anak.

"I just want to ask if you want to come with me tomorrow in Louvre. There will be showcase of some finest works." Sambit ni Chandria kaya saglit na natigilan si Marcos.

"I'll send some people for us Chandria Margaretha. We actually have to go to Corsica tomorrow. We have a ranch in there sweetheart... I'm sure you'll love it. I will just have them extend showcase so you can go when we come back." Sambit ni Marcos na nakaisip ng paraan para hindi makapunta ng Museum si Chandria.

"I see... Alright dad... I would love the fresh air.." Sambit ni Chandria.

Sa pilipinas naman ay iritableng nag-eempake si Vladimir sa bahay ng kanyang lolo. Dahil doon muna siya tumira dahil nahihirapan siyang na hindi niya kasama si Zera sa kanilang bahay.

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon