(Chapter 7)

2.3K 40 0
                                    

"Wala pa rin ba balita hanggang ngayon? Hindi mo pa rin ba siya nahahanap?"Sambit ni Vladimir sa mga imbestigador na kinuha niya para hanapin ang batang babae na nagligtas sa kanya noon sa cruise.

" Pasensya na po Sir Vladimir. Ang tanging mapag-uumpisahan lang kasi ng pag-hahanap sa kanya ay ang manifest ng cruise na sinakyan niyo noon. Matagal na panahon na rin yon. Pero sa ngayon ay may binayaran na ako para makuha ang manifest. Mwdyo matatagalan lang daw dahil sa tagal na panahon at noong mga panahon yon ay hindi pa organized ang mga records nila."Sambit ng Imbestigador.

" Gawin mo ang lahat para mapabilis ang lahat. Handa ako mag bayad ng kahit mag-kano makuha lang ang manifest na yon."Sambit ni Vladimir.

"Opo Sir. Ako na pong bahala. Mauna na ko dahil susubukan ko pang kausapin ang mga tao sa cruise line." Sambit ng Imbestigador.

"Go ahead. Balitaan mo nalang ako agad." Sambit ni Vladimir

Nang maka-alis ang inupahan niyang imbestigador ay nasapo nalang ni Vladimir ang ulo at napatungo sa kanyang lamesa.

"Bakit ba napakahirap mong hanapin?" Sambit ni Vladimir sa kanyang sarili.

Sa bahay naman ni Vladimir ay binisita ni Lolo Rafael si Zera.

"Zera hija... kamusta kana? Ang ganda ganda mo pa rin." Sambit ni Don Rafael.

"Lolo Rafael! Mabuti naman po. Pasensya na po pala kung hindi agad kami nakadalaw sa inyo mula nong dumating kami." Sambit ni Zera.

"Wala yon hija. Pero ayos ka lang ba talaga?" Sambit ni Lolo Rafael kay Zera.

"Ah eh... Opo naman ayos lang ako." Sambit ni Zera.

"Kayo ng asawa mo hija, kamusta?" Tanong ni lolo Rafael kay Zera.

"Po? Okay naman po kami Vlad." Sambit ni Zera habang nakayuko.

"Tumingin ka nga sakin Zera at saka mo sabihin sakin na ayos ka lang." Sambit ni Don Rafael habang inaangat ni Zera amg mukha niya.

"Pasensya na po lolo. Hindi pa lang po siguro tanggap ni Vlad na napilitan lang siyang mag-pakasal sakin. Nag-aadjut pa po siguro siya. Maayos din po lahat so don't worry." Sambit ni Zera.

"Wag ka mahihiyang lumapit at mag sumbong sakin pag-pinapahirapan ka ng apo ko ha." Sambit lolo Rafael.

"Sige po lolo...Salamat po. Mag-pahinga na po muna kayo at ikukuha ko lang po kayo ng mirienda." Sambit ni Zera

"Sure hija, thank you." Sambit ni Don Rafael.

Nang makakuha ng mirienda si Zera ay nag-kwentuhan pa sila ni lolo Rafael sa may garden.

"Zera... Mahal mo ang apo ko hindi ba?" Biglang Sambit ni lolo Rafael.

"Lolo?" Sambit ni Zera kaya napatawa si Don Rafael ng makitang tila mo nagulat si Zera.

"Alam mo hija. Sa mga tingin mo pa lang sa kanya ay alam Kong mahal na mahal mo siya. Thank you for keeping up with his tantrums. I know he's not easy to handle but you're still there." Sambit ni Don Rafael.

"Sana po dumating yung time na matutunan niya kong mahalin." Sambit ni Zera.

"Don't worry Zera. I know soon enough he will be able to find you." Sambit ni Don Rafael.

"Thank you Lolo..." Sambit ni Zera.

Gabi na ng makarating si Vladimir sa bahay at nakainom pa ito at lasing na lasing pa. Sinalubong ni Zera ang asawa pagdating nito.

"Hi Vlad. Halika kumain ka muna bago ka mag-pahinga."Anyaya ni Zera kay Vladimir. Ayaw niya mag tanong ng paulit ulit kung saan galing ito.

" Busog ako Zera. Magpapahinga na ako. "Sambit ni Vladimir at dumirecho ng umakyat sa kwarto niya.

Sinundan siya ni Zera. Naabutan niyang nakahiga na ito sa kama at hindi man lang nakapag palit ng damit. Sinubukan niya itong palitan ng damit ang asawa pero naalipungatan ito.

" Ikaw pala my dear wife! What are you doing. Oh your wifely duties perhaps." Sambit ni Vladimir.

"Papalitan lang kita ng damit Vlad para makapag-pahinga ka ng maayos." Sambit ni Zera.

"You know what Zera, You're not bad. Kaya lang hindi kasi ikaw ang mahal ko. Ayoko naman talagang magpakasal sayo ay hindi pala magpakasal sayo kasi pag nahanap ko siya magiging Istorbo ka sa buhay ko." Sambit ni Vladimir.

"Lasing ka na Vlad, Mag-pahinga ka na." Sambit ni Zera.

"Ang tanga tanga mo kasi Zera. Bakit kasi minahal mahal mo ko." Sambit ulit ni Vladimir.

"Tama na Vlad. Napalitan ko na ang damit mo matulog ka na." Sambit ni Zera.

"Salamat ah. Halika dito bibigyan kita ng reward kahit na tanga ka." Sambit ni Vladimir at bigla nalang kinabig si Zera at saka hinalikan.

Napaigtad naman si Zera sa ginawa ni Vladimir. Hindi niya inaasahan yon. Pero ng lumapit ang mga labi nito sa kanyang labi ay kumabog ng husto ang kanyang puso. Kay tagal niyang inasam na maramdaman ang asawa. Hindi nag tagal tinugunan ni Zera ang mga halik ni Vladimir. Napayakap na si Zera sa asawa ng hindi niya namalayan ng bigla na lang siyang naitulak nito.

Lasing si Vladimir pero ng maramdaman niya ang mga labi ni Zera ng halikan niya ito ay tila naglaho lahat ng espiritu ng alak na nainom niya. She has a sweet lips that any man would want to devour but he have to remind himself that she is Zera ang babaeng gusto niyang mawala sa buhay niya kaya naitulak niya ito.

"Lumabas ka na Zera gusto ko ng mag-pahinga." Sambit ni Vladimir. Nagulat si Zera pero dahil sa sinabi ni Vladimir lumabas na rin Siya.

Nasa may pinto pa lang siya ay hindi niya iyon tuluyan naisasara ay narinig niya si Vladimir.

"Shit! Just wait for me... I will find you no matter what." Sambit ni Vladimir na medyi napalakas hindi sinasadyang narinig ni Zera.

Napaiyak nalang si Zera at tuluyan naisara ang pinto ng kwarto ni Vlad.

"Please Vlad. I hope you can try to find it in your heart to love me... Kahit konti lang Vlad... Kahit konti lang..."Piping saad ng puso ni Zera.

____________________________________________

-Titaniamagnum

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon