(Chapter 14)

2.2K 31 4
                                    

Nagising si Zera sa isang kwartong puro puti ang nakikita niya. Pag-mulat ng mga mata niya ay si Drew ang una niyang nakita.

"Drew...? Nasan ako?" Tanong ni Zera.

"Zera... Nasa ospital tayo..." Sambit ni Drew.

"B-Bakit? Anong... Anong nangyari." Tanong pa rin ni Zera.

"Nahilo ka kasi kanina. Tapos nawalan ka ng malay kaya dinala na agad kita dito sa hospital." Paliwanag ni Drew kay Zera. Ng biglang pumasok ang doctor.

"Hi good evening! I'm Dr. Galvez and I'm the attending physician." Sambit ng doctor.

"Good evening doc. Kamusta po si Zera?" Tanong ni Drew.

"Mabuti naman at gising ka na hija. I have a good news for you guys. Hijo your wife is pregnant." Sambit ng doctor.

"She's pregnant...?" Pag uulit ni Drew baka nabingi daw siya.

"Yes hijo so better take good care of her. May referral akong OB sa inyo. Congratulations." Sambit ng doctor bago ito tuluyang lumabas.

Hindi naman makapaniwala sina Zera at Drew sa narinig.

"Im... I'm pregnant Drew." Sambit ni Zera.

"Yes Zera... Congratulations. Kung iiwan mo siya. I want you to know na nandito ako. Hindi pa rin nag babago ang tingin ko sayo. Aalagaan ko kayong mag-ina. Hindi ko kayo pababayaan." Sambit ni Drew at hinawakan ang kamay ni Zera.

"No Drew. Hindi ko magagawa sayo yan. Maybe this child is God's way of telling me to hold on a little bit more. Kailangan ng anak ko ang daddy niya." Sambit ni Zera.

"No... No Zera. Sinasaktan ka lang niya. Hindi pa ba sapat ang mga nagagawa niya para malaman mong hindi siya para sayo." Sambit ni Drew.

"Drew... Things happen for a reason. Our child will be the one to bind us together. Hindi man niya ako mahal pero alam kong hindi pwedeng hindi niya mahalin ang sarili niyang anak..." Sambit ni Zera.

Laglag ang balikat ni Drew sa narinig niya. Simula palang alam na niyang talo na siya. Pero sumugal pa rin siya. Bigla namang may dumating na halata mong alalang alala kay Zera.

" Zera! Oh god thanks god you're ok... Bakit ba pag wala ako kung ano anong nangyayari sayo. Nawala lang ako sandali may nangyayari sayo." Sambit ni Avi (Aviona)

"I'm okay Aviona... Walang masakit sakin... I'm pregnant... Nahilo lang ako kanina." Sambit ni Zera sabay ngiti.

"You're what?." Gulat naman tanong ni Zera.

"You heard me Aviona. I'm pregnant." Sambit ni Zera.

"Shit! Child of Devil... Ooops Vladimir pala... Nasan na nga pala magaling mong asawa bakit iba ang kasama mo dito sa ospital." Tanong ni Aviona.

"Nandoon pa siya sa welcome party ni Zoe. Mukhang nag eenjoy siya don." Sambit ni Drew na hindi na makapagpigil sumagot.

"Zoe is back?" Tanong ni Aviona.

"Yes Aviona... She's back and she's worse... Siya nga pala he's Drew a very good friend of mine." Sambit ni Zera.

"Hi Drew... Finally someone is being a man beside you my dear Zera." Sambit ni Aviona.

"Thank you Aviona... I just hope you can put some sense in her I am man enough to love her." Sambit ni Drew na nakikipag biruan na kay Aviona.

"Tigilan niyo nga yan." Saway naman ni Zera pero nanatili nakangiti.

Hindi niya maipaliwanag pero nang malaman niya na bustis siya sa anak nila ni Vladimir ay gumaan ang pakiramdam niya sa kabila ng mga nangyayari.

Natigilan lang ang tawanan ng dumating si Don Rafael.

"Zera... Hija..." Sambit ni Don Rafael.

"Lolo... Kayo po pala..." Sambit ni Zera.

"Ano bang nangyari sayo? Nag-alala ako sayo. Nalaman ko lang dahil itinawag sakin ng director nitong ospital na narito ka daw. Saka nasan ba ang asawa mo? Bakit siya ang wala dito?" Dire-direchong tanong ni Don Rafael.

"Pasensya na po Don Rafael pero lagi naman pong wala ang apo niyo para sa bestfriend ko." Sambit ni Aviona na hindi napigilan ang bibig.

"Aviona." Saway ni Zera sa kaibigan.

"Ayos lang Zera.... Alam ko malaki ang pagkukulang sayo ng apo ko kaya naiintindihan ko ang kaibigan mo." Sambit ni Don Rafael.

"Sayang naman po Don Rafael bakit hindi sainyo nag mana ang apo niyo." Sambit pa ulit ni Aviona. Na nakapag pa ngiti sa matanda.

"Hindi naman ako na-offend Hija kaya hindi mo na ko kailangan bolahin." Sambit ni Don Rafael. Kaya napatawa lahat na naroon sa loob na kwarto na yon.

"Lolo... May balita po pala ako sa inyo." Sambit ni Zera.

"What is it hija... Are you sure you're ok?" Tanong ni Don Rafael.

"Yes Lo... I'm okay... I'm pregnant... Mag kaka-apo na po kayo sa tuhod." Sambit ni Zera. Kaya naman tuwang tuwa ang matanda.

"Really Zera?.... That's good news! Naku excited na ako sa magiging apo ko." Sambit ni Don Rafael halatang tuwang tuwa sa balita.

"Opo lolo..." Sambit ni Zera na napakaganda rin ng ngiti.

"Finally! I will have someone to spoil..." Sambit ni Don Rafael na tila mo nangagarap.

"Sana ganyan din ako ang apo niyo Don Rafael." Sambit ni Drew.

"Anong ibig mong sabihin hijo?" Tanong ng matanda kay Drew.

"Sana dahil sa baby ay mag-bago na siya. Ako mismo ang papatay sa kanya kapag sinaktan niya pa ulit si Zera." Sambit ni Drew.

"Drew." Pigil naman ni Zera sa lalaki.

"Mauna na ako Zera, Aviona, Don Rafael." Sambit ni Drew at tuluyang lumabas ng kwarto ang binata.

Sinusubukan naman ni Don Rafael na tawagan ang apong si Vladimir pero cannot be reached ito.

Kinabukasan na nakalabas ng ospital si Zera para masiguro ang lagay nilang mag-ina.

Hinatid ni Don Rafael sa bahay para makapag-pahinga siya ng maayos.

"Manang... Nasan si Vladimir..." Tanong ni Don Rafael.

"Naku Don Rafael kayo pala... Wala si senorito dito. Nasa isang business trip pala ito at kaninang alas-dos ng madaling araw umalis." Sambit ni ni manang fe.

"Baby...Mukhang hindi agad malalaman ng daddy mo ang tungkol sayo pero hayaan mo, pagdating niya sasabihin agad ni mommy." Sambit ni Zera habang kinakausap ang baby niya nasa loob ng tiyan niya.

"I'll try to reach him the soonest possible time para malaman na rin niya ang good news." Sambit ni Don Rafael.

________________________

-TITANIAMAGNUM

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon