(Chapter 43)

1.3K 22 0
                                    

"Countess Chandria Margaretha... Nakahanda na po ang sasakyan para sa pagpunta niyo sa mga bata sa Samar..." Sambit ng tagapag lingkod.

"Salamat manang... Pababa na rin po ako." Sambit ni Chandria.

"Mahal na Kontesa... Sigurado po ba kayo? Baka po kasi delikado para sa inyo ang pumunta doon." Sambit nito sa kanya.

"Wag ka mag-alala sakin manang... Kailangan ako ng mga batang yon... Isa pa malapit talaga sa puso ko ang mga bata. It's also my responsibility as the Countess Of La Marche. Duty calls." Sambit ni Chandria.

"Ikaw ang bahala pero mag-iingat ka doon mahal na kontesa." Sambit ng Tagapag lingkod ni Chandria.

"Opo manang... Samahan mo na kong bumaba para maka-alis na kami..." Sambit ni Chandria.

Ilang oras ng naka-alis si Chandria nang dumating si Vladimir sa Villa Kontessa.

"Mr. Monteverde. Wala po dito si Countess Chandria Margaretha." Sambit ng tagapag lingkod.

"Nasan siya?" Tanong ni Vladimir dahil alas sais pa lang ng umaga.

"Nasa Airport na po siguro siya. May commitment po kasi siya na tutulong sa mga bata dun sa Samar. Tatlong araw pa po bago siya bumalik." Sambit ng tagapag lingkod.

Umalis na rin si Vladimir at nagtungo sa kanyang opisina pero hindi siya mapakali. Gusto talaga niyang makita si Zera.

"Carla. Pasok ka muna dito. May ipapagawa lang ako." Sambit ni Vladimir sa intercom sa kanyang opisina.

Ilang saglit lang ay pumasok naman agad ang sekretarya.

"Ano po yun Sir Vladimir?" Tanong ni Carla.

"Zera is out of town. Nasa Samar daw. Can you check on wherw exactly? Paki sabihan na rin ang piloto pupunta ako ng Samar." Sambit ni Vladimir.

"Sige po Sir. Sana magkaayos na kayo ni Ma'am Zera." Sambit naman ng sekretarya niya.

"This is my chance... Walang Andrew at Drew na Gustong kumuha sa kanya. Mahal na mahal ko talaga siya Carla... And I'll do everything to win her back..." Sambit ni Vladimir.

"Good luck Sir. Kaya niyo yan. Nakita ko kung gaano ka kamahal ni Ma'am Zera... Hindi naman yun basta basta nawawala..." Sambit ni Carla.

"Thank you Carla. You're really the best..." Sambit ni Vladimir.

Nalaman rin ni Carla ang destinasyon ni Zera kaya nagmamadali na rin sumunod doon si Vladimir. It's in a remote area na hindi talaga ganoon kadaling maabot ng tulong.

Nang makarating doon si Vladimir ay malayo pa rin ang nilakbay niya. Tila mo bundok na iyon. At liblib na rin ang lugar.

"You're really something Zera. Di ko akalaing pati ganitong lugar ay makakaya mong puntahan." Sambit ni Vladimir sa sarili na nakangiti so proud of his wife.

Vladimir has been acommpanied by some locals para makarating doon.

Si Chandria naman ay nag-uumpisa ng magbigay ng tulong. May kasama siyang dalawang doctor, dalawang dentista at pitong katao na tutulong sa pagkumpuni ng mga bahay doon. May mga dala rin silang pagkain para pagsalusaluhan nilang lahat at mga gamit para sa mga tiga doon lalo na ng mga bata. Kasama pa rin ni Chandria ang mga bodyguards niya.

"Pwede ba akong tumulong?" Tanong ni Vladimir kahit hindi pa siya nakikita ni Zera.

"Oo naman. Salam- Vladimir?" laking gulat ni Chandria na makita si Vladimir doon at may mga kasama rin upang tumulong.

"Ako nga Zera..."Sambit ni Vladimir na nakangiti.

"What are you doing here..." Tanong ni Chandria na hindi pa rin makapaniwala.

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon