(Chapter 23)

2.1K 33 0
                                    

Vladimir is lost hindi niya talaga alam kung saan hahanapin si Zera. Pinuntahan niya at sinundan ang bestfriend nitong si Aviona pero itinataboy lang siya nito.

"Aviona... Nakikiusap ako sayo... Sabihin mo naman sakin kung nasan si Zera." Sambit ni Vladimir.

"Para ano? Saktan mo ulit? YOU WILL NEVER HURT HER AGAIN."Mariing  Sambit ni Aviona.

"Mahal ko siya Aviona! I need my wife..." Sambit ni Vladimir na nakikiusap pa rin.

"No! Mahal mo siya ngayon dahil alam mo na siya ang nagligtas sayo noon! Pero nung wala ka pang alam halos palayasin mo pa siya. Sinasaktan mo pa si Zera. Akala mo ba hindi ko alam yon? Tapos ano? You killed your own child and you fuck her so called sister. "Galit na Sigaw ni Aviona.

"Hell no! I didn't fuck her! She just seduced me!" Sambit ni Vladimir.

"You think I'd buy that? Go to hell Vladimir! I will never tell you where she is." Galit pa rin na Sambit ni Aviona bago talikuran si Vladimir.

Laglag ang balikat na umalis doon sa bahay ni Aviona si Vladimir.

Pinuntahan niya si Drew. Alam niyang alam ng kaibigan kung nasaan si Zera.

"Drew! Drew! Lumabas ka diyan!" Sigaw ni Vladimir sa labas ng bahay ni Drew at nakainom pa.

"What the fuck are you doing here in the middle of the night Vladimir." Galit na Sambit ni Drew ng labasin niya si Vladimir.

"Drew... Where's Zera...? I need to see her... I need my wife." Sambit ni Vladimir.

"Are you really insane? Mambubulabog ka ng ganitong oras para hanapin si Zera? And you think I'd tell you?" Pagtataas ng boses ni Drew sa dating kaibigan.

"Please Drew... I love her..." Sambit ni Vladimir.

"Meron bang mahal na sinasaktan mo at niloloko mo? Kung pagmamahal ang tawag don Vladimir you are now the most selfish man I've know." Sambit ni Drew.

"Hindi mo naiintindihan Drew. Matagal ko siyang hinanap. Hindi ko alam ang batang yon ay si Zera." Sambit ni Vladimir.

"Wrong answer asshole! Kahit pa hindi mo alam yon you have no right to hurt anybody lalo na ng babae. You're fool if you think I'd tell you where she is! Get the hell outta here Vladimir! Bago pa ako tumawag ng pulis!" Sambit ni Drew.

"Drew! Drew! Drew!" Sigaw ni Vladimir sa dating kaibigan pero hindi na siya pinansin nito. Ang lolo na lang niya ang pag-asa niya na makita si Zera. For sure the old man would know where she is.

Pagdating niya sa mansyon ay nanibago siya. Maraming bantay doon ngayon kesa dati. Ayaw ring papasukin ang kotse niya kaya bumaba na siya ng sasakyan niya para kausapin ang mga ito.

"Pakibuksan ang gate, papasok ako." Sambit ni Vladimir.

"Pasensya na Sir pero hindi po kayo pwedeng pumasok." Sambit ng isang security.

"Ano bang sinasabi mo? Lolo ko ang nakatira diyan kaya papasukin mo ko!" Sigaw ni Vladimir.

"Hindi talaga pwede Sir. Mahigpit po ang bilin ni Don Rafael na kung darating kayo at hindi kayo pwedeng pumasok." Sambit ng security.

"Ano? Hindi gagawin sakin yon ni lolo. Umalis kayo diyan at papasukin niyo ko." Sigaw ni Vladimir.

"Sorry Sir... Hindi talaga pwede... Umalis na po kayo..."Sambit ng security.

"No! It must be Zera... Nandiyan ang asawa ko!papasukin niyo ko! Kailangan ko siyang makita! Umalis kayo diyan!" Sambit ni Vladimir na nagwawala dahil nagpupumilit pumasok.

"Lolo! Lolo! Lolo! Ilabas mo si Zera! Lolo! I need to see her! Lolo! Zera! Zera! Kausapin mo ko please! Zera! Zera!" Sigaw ng Sigaw si Vladimir habang nagwawala at nagpupumilit pumasok.

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon