(Chapter 8)

2.4K 37 0
                                    

Araw araw ay maagang gumigising si Zera dahil hinahanda pa niya ang mga susuotin ni Vladimir gayundin ang breakfast nito. Mas gusto kasi niyang siya ang mag-asikaso dito.

Samantalang si Vladimir naman ay gabing gabi na umuuwi araw araw at minsan ay lasing pa. Madalas din nakikita ni Zera na may mark ng lipstick ang mga damit nito. Sa kasamaan palad ay wala siyang magawa para pigilan ito dahil na rin sa alam niyang hindi naman talaga siya gusto ng asawa. Araw ng linggo at nasa bahay pa si Vladimir dahil nag-aalmusal pa lang sila. Sabay silang kumain pero walang kibuan man lang ng biglang dumating ang lolo nito.

"Vladimir! Vladimir!" Sigaw ng lolo niya.

"Lolo nandito ako. Bakit ka ba sumisigaw ang aga aga pa?" Sambit ni Vladimir sa lolo niya.

Nang makita siya nito ay hindi na nakapagpigil pa ang matanda habang nakamasid lang si Zera.

"Anong ibig sabihin ng mga ito ha Vladimir? Walang hiya ka!" Sigaw ni Don Rafael. Sabay bato ng isang kopya ng magazine at ilang diyaryo.

"Tinignan ni Vladimir ang mga ito at nakita niyang siya pala ang laman ng mga babasahing iyon.

The articles says different things but with the same thought. 𝙃𝙚𝙖𝙙𝙡𝙞𝙣𝙚: 𝖳𝗁𝖾 𝗇𝖾𝗐𝗅𝗒 𝗐𝖾𝖽 𝖬𝗈𝗇𝗍𝖾𝗏𝖾𝗋𝖽𝖾 𝖺𝖿𝖿𝖺𝗂𝗋 𝖱𝖾𝗏𝖾𝖺𝗅𝖾𝖽.

May mga kuha doon na may kaakbay siyang babae. Sa ibang larawan naman ay nakuhanan siyang may kahalikang ibang babae. Nakita ni Zera ang mga litrato at natutop na lang niya ang kanyang bibig para hindi tuluyang humagulgol ng iyak. They have been married only for 2 months now at kabi-kabilang babae ang mga kasama ng kanyang asawa.

Nag hihintay ng sagot at paliwanag si Don Rafael mula sa apo.

"Those pictures are nothing Lo. It just so happened that they are there on wrong place and the wrong time." Sambit ni Vladimir. Na tila mo proud pa sa pinaggagawa.

"Are you hearing yourself Vladimir? You're married for heaven's sake! Ano na lang sa tingin mo ang mara ramdaman ng asawa mo if she will see these pictures?" Galit na bulyaw ng matanda sa apo.

"I don't care! Hindi ko naman siya pinakasalan dahil mahal ko siya! I married her because of you, so don't blame me for hurting her! Blame yourself! Ayoko nang mag-panggap sa harap niyo na ok ang lahat because it's not and it will never be ok! Hindi ko siya mahal and now sana nakikita niyo na how you made my life miserable and it's just not mine Lolo. Most especially her life." Sigaw ni Vladimir sa kanyang lolo. Hindi niya sinasadya pero napuno na si Vladimir kaya nagawa yun. Ang matanda naman natigilan.

Sa pagkakataon na iyon ay umalis na si Vladimir sakay ng kanyang sasakyan para maka-alis sa lugar na iyon.

"Lolo Rafael..." Sambit ni Zera.

"Hija... Zera..."Sambit ni Don Rafael.

"Ma-upo po muna tayo lolo..." Sambit ni Zera.

"I'm sorry Zera... Sorry for making your life miserable. Believe me hindi ko ginusto na masaktan ka sa apo ko." Sambit ni Don Rafael.

"Lolo I'm ok. Wag niyo po sabihin yan. I'm not blaming you. I'm even thankful kasi po dahil sa inyo ay nakasama ko si Vlad." Sambit ni Zera.

"You really love my grandson that much hija?" Tanong ni Don Rafael.

"Yes Lo. I love him so much that I am willing to wait until the time comes na kaya na niya kong mahalin." Sambit ni Zera. Dahil don na yakap siya ni Don Rafael.

______________________

Gabi na naman makauwi si Vladimir at hinihintay siya ni Zera. Lasing na naman ang asawa. Sinundan niya ito hanggang sa kwarto niya.

" Vlad..."Pag tawag ni Zera sa asawa.

"What now Zera? Don't you dare ask me about those pictures dahil wala kang karapatan." Bulyaw ni Vladimir sa asawa.

"Asawa mo ko Vlad so I have the right to ask you. We are married." Sambit ni Zera. Whom all of sudden had the courage because of ehat she saw on those pictures.

Nang marinig yon ni Vladimir ay lalo siyang nanggigil sa asawa. Marahas niya hinawakan nito si Zera sa braso.

" You have no right tandaan mo yan! Damn you woman! I don't even want to get married! Kahit kailan hindi kita tinuring na asawa." Sambit ni Vladimir habang galit na galit.

"Aray Vlad.... Nasasaktan ako." Sambit ni Zera dahil mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Vladimir.

"Talagang masasaktan ka Zera kung hindi ka titigil sa Ilusyon mo na mamahalin kita." Sambit ni Vladimir.

"Bitawan mo ko Vlad nasasaktan ako. Hindi pa rin tama ang ginagawa mo kasal pa rin tayo." Sambit ni Zera na naiiyak na dahil sa higpit na pagkahawak sa kanyang braso.

Nang marinig si Zera ay binitawan ni Vladimir ang braso niya pero inilipat nito ang mahigpit na pagkakahawak sa mukha ni Zera. He is now harshly holding her jaw.

" Mag-hihiwalay tayo Zera! Ngayon alam na ni Lolo ang nangyayari satin sa lalong madaling panahon ay makikipag hiwalay na ko sayo." Sambit ni Vladimir.

Pero nang makita niya ang luha sa mga mata ni Zera at pasalya niya itong binitiwan at napasalampak sa sahig kaya namimilipit ito sa sakit. Pero para kay Zera ay mas masakit ang nararamdaman ng kanyang puso.

"Tigilan mo ang kakaiyak Zera! You are so fucking annoying! Shut the hell up." Sambit ni Vladimir.

"Bakit ba hindi mo ko magawang mahalin! Anong meron sila na wala ako Vlad!" Sambit ni Zera na napasigaw na sa sobrang sakit ng nararamdaman ng makatayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig.

"Because they are good in bed hindi katulad mo na walang alam." Malamig na Sambit ni Vladimir sa asawa.

Napamaang si Zera sa sinabi ni Vladimir. Kaya lumabas na itong muli ng kwarto pag katapos niya tabigin si Zera at nagkulong na siya sa opisina niya doon sa bahay.

Mainit na talaga ang ulo niya kaya nagpatong patong ang inis niya.

Una, ang Lolo niya. Sumunod ang kompanya dahil hindi niya nakuha ang isang malaking investor kanina at pangatlo ay ang imbestigador. Masaang balita ang dala nito. Hindi daw mahanap sa records ang manifest pero Susubukan pa daw hanapin sa mga archived records nila na hindi nasama sa mga minigrate sa computer system nila.

"Matauhan ka na sana Zera na hindi talaga ako ang para sayo." Sambit ni Vladimir sa sarili.

______________________________________________

-TITANIAMAGNUM

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon