(Chapter 13)

2.3K 39 0
                                    

Ilang araw na hindi lumalabas si Zera mula sa kanyang kwarto. Dinamdam talaga niya ang nangyari sa bahay ng gabing iyon.

Lagi naman siyang pinupuntahan ni Drew para kamustahin.

Isang gabi na nag-didinner sina Vladimir at Zera ay sinabi nito ang party para sa kapatid niya.

"Vlad... We need to go to a party for my sister. Bukas na yon." Sambit ni Zera.

Hindi kumikibo si Vladimir pero nasabi na ng daddy ni Zera sa kanya ang bagay na yon.

"Vlad... Kaya ko pa... Hayaan mo lang ako sa tabi mo ilang buwan nalang naman ang titiisin mo." Sambit pa ulit ni Zera.

"Hindi na ko makapag-hintay na dumating ang araw na yon." Sambit ni Vladimir.

Napayuko nalang si Zera sa tinuran nito. Hindi nagbago ang pakikitungo ni Zera sa asawa sa kabila ng nangyari. Dinamdam man niya ng ilang araw ang nangyari ay inaasikaso pa rin niya ito. Kahit ilang beses pang magalit at pag-sabihan siya ni Drew ay hindi siya natinag.

_________________________

Araw na ng party para sa kapatid ni Zera. Sa totoo lang inggit na inggit siya dito dahil nasa kanya lahat ng atensyon ng mga magulang. She can see how much they care about her.

Nauna na siyang pumunta sa party at sinabing susunod na lang si Vladimir kahit pa ang totoo ay hindi niya alam kung darating ito.

"Hi ate Zera... How are you?" Bati ng isang babae kay Zera.

"Zoe... I'm good. I'm happy to see you." Sambit ni Zera sa kanyang kapatid.

"Ipinakasal ka na pala nina daddy. Hindi na ko nakapunta kasi hindi naman nila nasabi sakin." Sambit naman ni Zoe.

"Yeah... Ayos lang. Minadali rin naman ang kasal." Sambit ni Zera. Zoe and Zera are not exactly in good terms. Itinuturing Nitong karibal sa lahat ng bagay si Zera.

"You look stressed... Sana di ka iwan ng asawa mo dahil diyan..." Sambit ni Zoe.

"Zoe..." Nag titimpi Sambit ni Zera.

"What? Just saying..." Sambit ni Zoe. Ng biglang dumating ang mommy nila.

"Zera! Kararating lang ng kapatid mo iniinis mo na agad. Ano ka ba naman." Sambit ni Cynthia ang mommy nila dalawa.

"Wala naman ako ginagawa mommy." Sambit ni Zera.

"Stop it... Wag mong sirain ang party ng kapatid mo. Tayo na Zoe marami nang naghahanap sayo." Sambit ni Cynthia.

Naiwan naman si Zera masama ang loob.

Malalim na rin ang gabi ng may makita si Zera na kausap ng kapatid na si Zoe. Hindi niya inaasahan na si Vladimir pala ang kausap nito. Nakakapit ang isang kamay nito sa kanyang asawa.

"Vlad..." Tawag ni Zera sa asawa.

"Yes ate Zera?"Sambit ni Zoe na siya ang sumagot kahit hindi naman siya ang tinatawag.

"I just want to talk to my husband Zoe..." Sambit ni Zera.

"You mean Vladimir here is your husband?" Tanong ni Zoe habang nakataas ang kilay.

"Yes Zoe and he's your brother in law." Sambit ni Zera sa kapatid.

"Ganon ba... Sige Vladimir see you around... Maiwan ko muna kayo ng... Asawa mo." Sambit ni Zoe saka umalis at kumindat naman si Vladimir.

"What do you need Zera?" Sambit ni Vladimir.

"Dumating ka na pala. Hindi ko kasi alam na makakarating ka ngayon." Sambit ni Zera.

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon