(Chapter 17)

2.4K 39 4
                                    

Sinadya ni Vladimir ang pumunta sa business trip na iyon kahit hindi naman talaga kailangan kaya kahit madaling araw ay umalis siya. Pilit na bumabalik sa isip niya ang tagpo kung saan hinawakan ni Drew ang kamay ni Zera para ilayo mula sa kanya. Kakaiba ang pakiramdam niya na parang gusto niyang magalit pero Zera should be out of his life. Para lang siya sa iisang babaeng naging tagapagligtas niya.

Samantalang si Zoe naman ay hindi alam na sumunod pala sa kanya doon sa Australia ng hindi niya alam.

Sumama ito sa business meeting niya at ang dahilan nito ay para daw matuunan nito ang pasikot sikot ng negosyo dahil pahahawakin na daw siya ng daddy niya ng posisyon sa kompanya. Wala ng nagawa si Vladimir kung hindi ang isama ito.

Habang naroon sa Australia ay lagi rin niyang naiisip ang asawa pero pilit niyang inisasantabi ang isiping iyon.

"No! Siya lang ang gusto ng puso ko! No one else!" Sambit ni Vladimir sa sarili niya.

Nasa ganoong pag-iisip siya ng tumawag ang sekretarya niya.

"Sir Vladimir, tumawag po ang lolo niyo. Galit na galit po at hinahanap po kayo." Sambit ni Carla ang sekretarya ni Vladimir.

"Sinabi niya ba kung bakit?" Tanong ni Vladimir.

"Hindi po pero mukha pong importante. Naririnig ko po sa background na may papage ng mga doctor." Sambit ni Carla.

"What? Sino nasa ospital?" Tanong ni Vladimir na biglang naisip ang asawa si Zera kaya bigla siyang kinabahan dahil nagagalit lang naman ang lolo niya pag si Zera ang usapan.

"Ipahanda mo ang private plane Carla. Uuwi ako agad." Sambit ni Vladimir.

"Yes Sir." Sambit naman ni Carla.

Pagkalabas ni Carla ay tinawagan agad ni Vladimir ang kanyang lolo.

"Hello Lolo... It's me Vladimir." Sambit ni Vladimir ng sagutin ang telepono.

"Vladimir! Nasan ka ba? Na-ospital ang asawa mo pero ibang tao ang nandito! Anong klase kang asawa? Mabuti pa ang ibang tao nag mamalasakit sa asawa mo! Alam mo bang." Galit na Sigaw ni Don Rafael pero sumakit ang ulo niya dahil sa pag Sigaw na yon.

Pero sumasakit ang ulo ni Vladimir sa pag sigaw na yon kaya binabaan niya ng telepono. Uuwi rin naman siya agad. Doon na lang niya aalamin kung napano si Zera. Sa totoo lang ay gusto na niyang makauwi parang sinisilaban ang mga paa niya na hindi niya maipaliwanag.

Madaling araw na nang makarating si Vladimir sa bansa ay wlaa sa bahay si Zera. Si manang fe ang naabutan niya sa bahay.

"Manang. Nasan po si Zera?" Tanong ni Vladimir.

"Naku Vladimir anak... Mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa ako nag aalala sa asawa mo. Pupunta daw siya sa bahay nila pero hanggang ngayon madaling araw na hindi pa umuuwi." Sambit ni manang fe.

"Po? Teka na ospital daw si Zera?" Tanong ni Vladimir.

"Oo hijo pero kanina pang umaga yon. Na discharge naman agad siya pero pupunta daw sila sa bahay nila." Sambit ni manang fe.

"Ano po bang nangyari kay Zera?" Tanong ni Vladimir.

"Magandang balita hijo. Magkaka-an." sasabihin na sana ni manang kaso naputol ang sasabihin niya ng dumating si Zoe.

"Surprise! Did you miss me hon?" Masiglang Sambit ni Zoe.

"Zoe? What are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Vladimir dahil ang alam niya nasa Australia pa ito.

"You left me there without even saying anything so sumunod na lang ako agad dito." Sambit ni Zoe.

"Sorry Zoe... Nag mamadali kasi ako. Na ospital daw kasi ang kapatid mo." Sambit ni Vladimir na pilit na ngumiti ang kanyang labi.

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon