(Chapter 10)

2.4K 36 0
                                    

Umiinom ngayon sina Vladimir kasama ang mga barkada nito. Pati si Drew na dating may gusto kay Zera ay naroon. Hindi man niya gusto na ito ang pinakasalan ni Zera ay wala siyang magawa dahil si Vladimir ang mahal ng babae.

"Hi babe... Nice seeing you again..."Malanding Sambit ng isang babae kay Vladimir sabay halik sa mga labi nito.

"Oh you're here Khatty."Sambit ni Vladimir.

"It's Carmina you naughty... I miss you..." Sambit ng haliparot na hindi man lang na offend sa sinabi ni Vladimir.

"I'm sorry Carmina but I miss you too... Maybe we can hang out later on..." Sambit ni Vladimir.

"Sure... I'll be around lover boy. See you later..." Sambit ng babae malandi at hinalikan ulit si Vladimir mas malalim mas matagal after 3mins tumigil na sila at yung babae hipokrita este si Carmina sumama na sa mga kaibigan.

"What the hell was that Vladimir?" Bulyaw ni Drew dahil sa nasaksihan.

Halatang pinipigilan niya sarili niya dahil gusto niya suntukin ang kaibigan niya si Vladimir dahil sa katarantaduhan na pinggagawa.

"Oh she's a fling. She's good in bed." Sambit ni Vladimir. Na parang baliwala ang nakikitang galit sa mukha ng kaibigan.

"Damn you Vladimir! May asawa ka na, Isipin mo naman si Zera." Sambit ni drew. Na galit na galit

"What about her? Siya lang naman ang may Gustong mag-pakasal. Let her be. She brought this upon herself." Sambit ni Vladimir. Mas lalo nagalit si Drew sa narinig mula sa kaibigan.

"Tangina ka Vladimir! That is Zera we're talking about! Hindi siya katulad ng ibang babae lang diyan." Galit na galit na Sambit ni Drew.

"Wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin! I don't love her." Sigaw ni Vladimir.

"Hayop ka! Kung hindi mo siya mahal bakit mo siya pinakasalan?" Sambit ni Drew at sinugod si Vladimir.

"I have no choice. Pinilit lang ako mag-pakasal. Tanga ka ba?" Sambit naman ni Vladimir.

Sa narinig ay pinakawalan ito ni Drew ng isang malakas na Suntok na dumeretso sa panga nito kaya na tigilan si Vladimir.

"I will take her away from a monster like you Vladimir! Gagawin ko ang lahat para hindi mo na siya masaktang hayop ka!" Sambit ni Drew.

"Then do so. Be my guest ng makawala na ako sa kanya." Sambit ni Vladimir then he saw Drew smirked.

"Talagang gagawin ko. You know I love her noon pa at hindi ako papayag na sasaktan mo lang siya. Wag ko lang talagang malalaman na dumapo ni dulo ng daliri mo sa babaeng mahal ko dahil baka mapatay kita! Our friendship ends here Mr. Monteverde." Sambit ni Drew kay Vladimir.

"Drew wait! Wag naman ganito! Ang tagal na nating mag-kakaibigan para lang tapusin dito." Sambit ni Xander isa sa kaibigan nila.

"Pasensya na Xander. A moron like him deserves more than just a beating! Wala siyang kwentang tao." Sambit naman ni Drew.

"Maayos pa natin to... The two of you should talk when you're both sober." Sambit Christian isa sa mga kaibigan nila.

"No Crist... I eill get Zera away from him! And you bastard... Just wish na hindi mo pagsisihan ang ginawa mo kay Zera. Payback's a bitch." Sambit ni Drew sabay baling niya kay Vladimir na walang ekspresyon ang mukha.

Lumabas na si Drew sa bar habang ang mga kaibigan nila wala na nagawa.

___________________________________________

Pag-uwi ni Vladimir gigil nagigil siya sa galit. Pati sila mag kakaibigan nag kakasira dahil lang kay Zera.

"Zera! Zera! Zera!" Sigaw ni Vladimir.

"Vladimir... Nagpapahinga na ang asawa mo. Hindi rin siya lumabas mag-hapon siya sa kwarto niya." Sambit ni manang fe ng marinig niya ang sigaw ni Vladimir.

Nilampasan lang niya si manang fe at dumirecho siya sa kwarto ni Zera.

Marahas na hinila nito ang kumot ng asawa para magising. Pagmulat ni Zera makikita mo ang takot sa mga mata nito sa nakikitang anyo ni Vladimir na tila mo galit na galit.

"B-Bakit Vlad?" Tanong ni Zera.

"You good for nothing bitch! Ano bang meron ka at nabibilog mo ang ulo ng mga taong nakapaligid sayo ha?" Sambit ni Vladimir at Marahas na hinawakan nito ang buhok ni Zera dahil galit na galit siya pati ang kaibigan nawawala sa kanya.

"Aray Vlad! Nasasaktan ako..." Sambit ni Zera na nagpupumiglas sa pag hawak ng asawa.

"Talagang masasaktan ka! Una ang lolo ko na hindi ko alam kung bakit Gustong gusto ka! Ngayon naman nag-aaway away kami ng mga kaibigan ko dahil sa pagtatanggol sayo." Sambit ni Vladimir at biglang pasalya binitawan ang asawa.

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo Vlad. Hindi ko alam ang nangyayari. Maawa ka naman sakin. Wag mo kong saktan ng ganito." Pagmamakaawa ni Zera sa asawa.

"Ginusto mo to diba? Ang magpakasal sakin, hindi ba ito ang gusto mo?! Pwes magdusa ka." Sambit ni Vladimir at hinawakan ang braso ni Zera na may pasa na hindi pa gumagaling madadagdagan na naman ito.

Napaiyak na si Zera sa sakit ng pagkakahawak ni Vladimir kaya nabitawan ang ulo na may dugo para tanggalin ang kamay nitong pagkahigpit higpit ang hawak sa kanyang braso.

Doon na nakita ni Vladimir ang sugat sa ulo ni Zera na nakapagpatigil sa kanya. Lumuwag na rin ang pagkakahawak nito sa braso ng asawa. At rinig na rinig niya ang pag-iyak ni Zera.

"Stop crying Zera..." Mahinahon na Sambit ni Zera.

"Hindi ko alam... Kung ano ang sinasabi mo Vlad. I swear wala akong alam. Wala ako nakakausap sa mga kaibigan mo." Sambit ni Zera na tahimik na umiiyak sa isang tabi.

"I'm... I'm sorry Zera..." Sambit ni Vladimir at dumirecho lumabas sa kwarto ni Zera.

Masakit man ang natamong sugat ni Zera at napanatag na rin din ang kanyang loob dahil ito ang unang beses na narinig niya ang pag-hingi ng paumanhin ng asawa.

Pinilit gumising ni Zera ng maaga kahit pa masakit ang katawan niya para ipaghanda ng agahan ng asawa. Pagbaba nito ay napandin niyang may sugat at nagpapasa na ang isang sulok sa labi nito.

"Oh my god... What happened Vlad?" Tanong ni Zera saka marahas na hinaplos ang parteng iyon ng labi ni Vladimir. Pero nilihis rin niya ang mukha at hindi na nag abala na sagutin ang tanong ni Zera.

"Teka lang Vlad. Kukuha lang ako ng gamot para magamot ang sugat mo. Maupo ka na muna at kumain." Sambit ni Zera pero hindi parin sumasagot si Vladimir.

Nang makabalik si Zera ay inumpisahan na niyang gamutin ang sugat ng asawa na napangiwi naman sa sakit pero hindi naman nag sasalita.

Nakatitig lang ito sa mukha ni Zera pero wala mababasa na emosyon.

"Aalis na ako." Sambit ni Vladimir. Pag katapos siyang gamutin at kumain nag paalam na siya sa asawa.

Hindi agad nakapagsalita si Zera dahil iyon ang unang beses na nag-paalam sa kanya ang asawa.

"Sige Vlad... Mag-ingat ka mag-luluto ako mamaya ng paborito mo. Sana maka-uwi ka ng maaga." Sambit ni Zera pero hindi na muling nagsalita si Vladimir.

Nang nasa sasakyan na si Vladimir ay sumakit na ang ulo niya. Kitang kita niya ang ulo ni Zera kanina habang ginagamot siya nito pero parang hindi man lang ito nagalit sa kanya. Ipinagluto pa siya at ginamot.

"What the fuck have you done Vladimir! Nakuha mo ng manakit ng babae dahil saan? Sa pagpapakasal sayo ng isang babaeng katulad ni Zera na hindi yata marunong magalit. Araw araw kang ipinagluluto at hinahanda ang mga damit mo? The fuck Vladimir ang kapalit ng lahat ng yon ay ano? Sugat at pasa? Pero ginusto niya yan. Hindi ko ginustong na mag-pakasal siya sakin. Isang babae lang ang gusto ko."Sambit ni Vladimir sa sarili at napahilamos ang mga kamay sa kanyang mukha.

__________________________

-TITANIAMAGNUM

THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon