Chapter 2

105 11 3
                                    

ANDREA's

Hirap na hirap akong bitbitin ang mga props na ginamit namin para sa isang stage play. Nagsisi tuloy ako kung bakit inako ko ang pagbabalik nito sa storage room.

"Shit! Ano bang problema mo?!" hindi ko napigilan ang mapasigaw sa inis ng bigla nalang nagkalat sa sahig ang laman ng isa sa mga boxes na dala ko.

Galit kong hinarap si Justine na siyang dahilan ng nangyari, tinulak niya kasi ang box na nasa pinakataas, causing me to lose balance.

"Kilala mo si Lavi?" tanong niya na nakapagpatigil sa ginagawa kong pag-babalik ng mga props sa box. Tumayo ako mula sa pagkakayuko at nakakrus ang mga braso ng harapin siya.

"Why do you care?" nang uuyam kong tanong sa kanya.

"Pano mo siya nakilala?" tanong niya na parang hindi narinig ang nauna kong sinabi. I rolled my eyes before slouching a little to collect the props once again. Pero, hindi pa ko tuluyang nakakayuko ay hinablot na niya ang isang braso ko paharap sa kanya.

"Answer me. Pano mo nakilala si Lavi?" iritado niyang tanong. Amused akong napatawa dahil sa reaksiyon niya.

"It's none of your business. And bakit ba? Do you regret cheating on him now?" lumawag ang pagkakahawak niya sa braso ko ng marinig ang huling parte.

"What? You really regret it? Ganoon ka kalandi, Justine?" hindi ko mapigilang mapangisi habang unti-unting napagtatagpi-tagpi ang dahilan ng pinapakita niya ngayon.

She was jealous.

Humakbang ako palapit sa kanya, she took a step back.

"Ano? Hindi matanggap ng malanding ego mo na ako ang kasama ng ex mong niloko mo noon?" I said as I keep on walking towards her as she took a step back with my every step. I thought she will stay intimidated by my actions but the moment I thought she's gonna cry, she stood straight and faced me fiercely.

"Wala kang alam Andrea! Wala kang karapatang sabihin sakin yan!" Mariin niyang saad habang tinutulak tulak ako sa may dibdib, causing me to step back every time she pushes me.

"Don't act as if you know everything! Kasi sa totoo lang? Wala kang alam! Everyone wanted to protect you!" she said at tumigil lang sa pagtulak sakin ng tuluyan na akong matumba sa sahig.

She looked down to meet my eyes. I feel so weak now. Gustong-gusto kong labanan siya, gusto kong isumbat sa kanya lahat lahat ng panlolokong ginawa nila ni Cedric sakin. Gusto kong itanong sa kanya kung paano niya nakayang sirain ang ilang taong pagkakaibigan namin.

"You're the one who cheated. So why do you act like the victim? Why are you playing the victim card now, Justine?" Kahit ako ay nagulat na sa dinami rami ng gusto kong isumbat sa kanya ay ito pa ang naisumbat ko.

"Aminin mo na Justine. Hindi ka talaga makuntento sa isa. Ano nagsawa ka na ba kay Cedric at gusto mo nang balikan si Lavi ngayon? I didn't know I was friends with a slut before---"

"Justine!" rinig kong sigaw ng kung sino bago tuluyang napabaling sa kanan ang ulo ko sa lakas ng sampal na natanggap mula kay Justine.

Agad kong naramdaman ang pagdalo ng bagong dating.

"Are you okay?" the girl asked with a concerned voice, I touched my swelling cheeks, before nodding.

"What's wrong with you?!" tanong nito kay Justine na tahimik lang na nakatitig sa mga palad niya.

"Justine?!" iritang tawag ng babae habang tinutulungan akong tumayo.

"Stay out of this, Gwen." malamig na saad ni Justine after a few moments of staring at her hands. She then shifted her gaze back at me. I saw tears forming in her eyes.

"You shouldn't have said that Andrea." naluluha niyang saad.

"Bakit? Masakit ba? Wala pa yan sa kalingkingan ng naramdaman ko ng lokohin niyo ko. Wala pa." Saad ko bago tuluyang umalis doon. I don't care about those props anymore. Babalikan ko na lang mamaya.

I headed to the rooftop to get some fresh air. Tahimik kong pinakakalma ang sarili ng maramdaman ang pagpasok ng kung sino. Nang lingunin ko ay malungkot na ngiti ng babaeng tumulong sakin kanina ang nakaharap ko.

"Are you alright?"

"I can manage." sagot ko bago muling tumalikod at hinarap ang view ng buong school sa baba. Naramdaman ko rin ang paglapit niya sa pwesto ko.

"Thank you." Napalingon siya sakin ng magsalita ako matapos ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

"You don't need to thank me. I actually wanted to say sorry." This time ay ako naman ang napatingin sa kanya ng nakakunot ang noo.

"I don't know what's wrong with her lately, hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sayo 'to, but I know my cousin. I know she have a reason for acting this way. I know I'm asking too much, kahit hindi pa ngayon Andrea. Please, please do forgive her. Alam ko mahirap kalimutan ang ginawa niyang pananakit at panloloko sayo, pero please lang kahit hindi pa ngayon, basta patawarin mo lang siya." I was silently watching her as she was pleading on behalf of her cousin while crying.

"Why are you doing this?" halos pabulong kong tanong sa kanya.

"Justine is more than a cousin to me Andrea, she's my sister. I'm doing this for her kasi hindi niya 'to magawa, ako nalang muna. I know she'll regret doing this to you in the future, I know how fond she is of you. Of all people ako ang pinaka nakakaalam kong gaano ka kahalaga para sa pinsan ko. So please, give her time. Give her time to ask for your forgiveness."

"What's your name again?" napaawang ang labi niya ng bigla kong itanong ang pangalan niya. Nakatingin lang ako sa kanya, inaantay na sagutin niya pero nangunot ang noo ko ng bigla nalang siyang tumawa.

"Wait lang!" saad niya at pinipilit na tumigil sa pagtawa. Maya maya ay pinunasan na niya ang mga luha na dulot ng pag-iyak at pagtawa niya.

"Grabe 'to! Panira ka naman ng moment eh!" biglang reklamo niya.

"What?" naguguluhan kong tanong. Umiling lang siya habang nangingiti.

"I'm Gwen. Gwen Lency de Vega, like what I've said, pinsan ako ni Justine. But don't get me wrong ha? Hindi ko tinotolerate yung actions ng pinsan ko, I was just asking for time. I know soon, she will explain everything."

"Masyado pa kasing masakit yung sugat, Gwen, it's still bleeding. But maybe, maybe soon, I would be able to forgive her. I too, still need time to heal."

"Of course. I understand." she said while slightly nodding in agreement.

"But for now, can we be friends?" she asked as she offered her hand in front of me.

I stared at it for a while then back at her hopeful face.

I hope this friendship won't end up like how it end up with her cousin.

Betrayal.

"Friends." I said as I shook her hands with a smile plastered on my face.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now