Chapter 12

36 4 0
                                    

ANDREA's

Iniwan muna namin sina Gwen at Ice sa garden nung nakita naming niyayakap ni Ice si Gwen habang umiiyak. Sana mag kaayos na sila. Halata naman kasing mahal talaga nila ang isa't isa.

Tamang paglabas namin ng garden nakita namin si Mommy at Daddy na kararating lang. Lumapit ako para mag kiss sakanila. Pero nung malapit nako kay Daddy ay nilampasan niya lang ako at dumiretso siya kay Lavi at inakbayan ito.

"Mukhang napapadalas dito ang future son-in-law ko." Halos mapaface-palm ako dahil naging asal ni Daddy.

"Dad, yung totoo? Sino yung anak mo? Ako o si Lavi?"

"Hala! Napakaselosa talaga nitong prinsesa ko!" parang batang sabi niya bago lumapit sakin at pinaliguan ng halik ang mukha ko na parang baby.

"Daddy!" saway ko sa kanya habang natatawa. Naririnig ko rin ang tawa ni Mommy at ni Lavi.

"Naku Andrew! Tantanan mo na muna si Andy at mukhang may sasabihin sayo si Lavi." Saway din sa kanya ni mommy habang natatawa parin. Tumigil naman si Daddy sa pag-halik sa mukha ko at umakbay na lang sakin habang nakaharap kay Lavi.

"Ano yun efsil?" nag katinginan kaming tatlo sa sinabi ni dad.

"Efsil?"

"Future son-in-law. F-SIL! Mga slow!" Mayabang pa ang pagkakasabi noon ni Daddy. Nagkatinginan nalang kami ni Mommy habang napapailing. Sakit talaga sa bangs ni Daddy. Buti nalang wala akong bangs.

"Tito, tita papaalam ko po sana si Andrea."

"San kayo pupunta? Anong gagawin nyo? Anong oras kayo uuwi? Anong---- hehehe sabi ko nga honey, jino-joke time ko lang si Lavi." natigilan si Daddy sa kakatanong ng sunod sunod ng tingnan siya ni Mommy ng masama.

"Sige na Lavi. Basta't mag iingat kayo ha? And please ihatid mo si Andrea mamaya okay?" Si Mommy nalang ang kumausap kay Lavi.

"Sige po Tita, thank you."

"Hala sige na mag silayas kayo ng maparusahan ko na ang loko-lokong 'to." sabi ni Mommy habang binibigyan si Daddy ng pamatay na tingin. Pero alam ko namang tinatakot lang niya si Daddy kasi palihim pa itong kumindat sakin.

"Mom, alis na po kami." Nasa sala na kami ng maalala ko na nasa garden pa pala sina Gwen, iniwan ko si Lavi doon at tumakbo pabalik sa kusina.

"Mom, sina Gwen po pala and yung isa pa naming friend nasa may garden nag uusap. Paki sabi nalang po mamaya sa kanila na umalis muna kami ni Lavi."

"Sure anak, no problem. Sige na, nag aantay na dun ang boyfriend mo." humalik lang ako sa pisngi ni mommy at lumabas na nang bahay. Pinagbuksan ako ni Lavi ng pinto at inalalayan papasok sa sasakyan, bago umikot at sumakay sa driver's seat.

"Wow! Ganda naman dito!" I exclaimed in amazement while looking around the colorful surrounding.

"You liked it?" napatingin ako sa kanya at umiling, tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Halata nga." ani niya habang natatawa.

"Bakit mo ko dinala dito?" I asked him. Dinala niya kasi ako sa isang amusement park. Maganda dito kasi medyo madilim na nang makarating kami dito kaya sobrang na emphasize ang mga naggagandahang ilaw.

"Wala lang. To have fun I guess. So tara na?" he said and offered his hand. Oo nga pala, date to. Pinatong ko ang kamay ko sa kamay niya na agad naman niyang pinagsalikop at nag umpisa na kaming pumila para sa ticket.

Nang makabili na kami ng ticket ay nag umpisa na kaming sumakay sa mga rides inuna namin ang anchors away, pagkababa namin feeling ko lalabas na lahat ng kinain ko sa buong araw. Kaya naman first ride palang eh hilong hilo na ko. Samantalang tawa naman ng tawa ang kasama ko.

"Grabe babe! Ang putla putla mo! Here, drink this, it will make you feel better." Sabay abot sakin ng malamig na tubig na binili niya sa naglalakong dumaan. Tinanggap ko yun at inirapan siya, patuloy parin kasi siya sa pag tawa. Nag pahinga muna kami bago kami ulit nag libot.

Next destination, bump cars.

Kinuha ko ang pink na bump car while yellow naman yung kay Lavi. Nauna akong pumasok dun sa area kaya naman pag pasok na pag pasok niya ay binangga ko kaagad siya. Tawa naman ako ng tawa, yung mukha niya kasi halatang nagulat. Nanlaki kasi yung mga mata niya.

Natigil lang ako sa pag tawa ng biglang may bumangga sakin at ng tumingin ako sa kanya ay naka smirk na siya. Gumanti naman ako sa kanya at ganun din siya. Bangga-an lang kami ng banggaan habang tumatawa ng biglang may bumangga sa likod ng bump car ko. Imposible namang si Lavi yun kasi nasa harap ko siya ngayon at may madilim na aura na nakatingin sa likuran ko, sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita ko dun ang isang lalaking may smug face sa mukha habang nakatingin sakin.

"Hi miss! Hindi ka ba nagsasawa dyan sa kabungguan mo. Kanina pa kayo walang ginagawa eh. Sama ka na lang samin ng barkada ko. For sure mag i-enjoy ka." he said while looking at me. Bumalik ang tingin ko kay Lavi. At kung madilim na ang aura niya kanina mas madilim yun ngayon huminga ako ng malalim bago hinarap yung lalaking feeling gwapo.

"Excuse me, Mr. Can't you see you're disturbing my date with my boyfriend? Para ano? Sumama sayo? Do you think I'm nuts? Ligo-ligo din pag may time Kuya! And before asking a girl out, please lang, tingin ka muna sa salamin. May muta ka pa oh!" sabay turo ko sa mata niyang may muta. Ang yucky lang!

Tinalikuran ko na ang lalaki at hinarap ng muli si Lavi, he looked shocked. Kinailangan ko pang bungguin ang car niya bago siya nabalik sa wisyo.

"Tara na babe! Alis na tayo dito. May mga papansin kasi dito eh, hindi pa nga marunong mag hilamos." I rolled my eyes dun sa lalaki kanina. Nabalik ang tingin ko kay Lavi ng marinig ko siyang tumawa. Nag drive na ko pabalik dun sa parking ng mga cars. Hindi pa ko nakakalayo ng marinig kong mag-salita si Lavi.

"Yun, yun pare eh. Bago ka kasi pumorma, tingin tingin muna sa salamin. Baka sa susunod hindi lang muta ang makita sayo."

"Ang tapang natin ah!" He complimented as he messed with my hair again. I flipped my hair and smiled at him cockily.

"That serves him right." Sunod kaming sumakay sa roller coaster, then sa space shuttle and nag try pa kami ng ibang rides. Sumakay din kami ng ferris wheel at nanood ng fireworks.

"Nag enjoy kaba?" he ask while naglalakad-lakad kami para maglibot while holding hands.

"Oo naman. Ikaw nag enjoy kaba?" I asked back.

"Of course, lalo na dun sa part na sinupalpal mo yung lalaking may muta pa." he said at pareho kaming natawa ng maalala ang scene na yun. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa booth na nasa harap namin. Natigil naman ako sa pag-tawa ng mabasa ko ang pangalan ng booth.

Crystal House of Mirrors

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now