Chapter 7

57 6 0
                                    

ANDREA's

"A-a-aray! Aish! Ano ba yan Andrea?! Dahan-dahanin mo naman!"reklamo ni Lavi habang kino-cold compress ko ang mga sugat at pasa niya sa mukha.

"Bakit? Sino ba ang nag-umpisa? Ikaw, diba? Tapang ka eh!" sagot ko sakanya at mas lalo pang diniinan ang ice bag sa gilid ng labi niya.

"Ako na nga!"ani niya sabay agaw sakin ng ice bag.

Dumiretso kami sa bahay para gamutin yung mga sugat at pasa niya. Mamaya pa naman ang uwi nina Mommy at Daddy, malamang hindi na nila maabutan 'tong lalaking 'to dito.

"Stay here, kukuha lang ako ng ice, patunaw na yan. Your face still looks swollen." sabi ko at marahang hinawakan ang panga niya para tingnan ang mga pasa niya. Napapangiwi na lang talaga ako habang tinitingnan ang mga namamagang parte ng mukha niya. Napailing na lang ako at iniwan na siya sa sala para kumuha ng ice sa kusina.

Nag patulong narin ako sa mga kasambahay na gumawa ng sandwiches for our snack. Sandali akong iniwan ng katulong para magtungo sa banyo.

I was busy preparing our snacks nang may biglang umakbay sakin. There's no need to look at his face para malaman ko kung sino siya, perfume palang niya pinagsisigawan na ang pangalan niya.

"What are you doing?" he asked habang tinitingnan yung ginagawa ko.

"Sandwich, isn't it obvious?" pangbabara ko sa kanya sabay irap. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Hey! Not my hair! Nagiging hobby mo na yan ah!"reklamo ko sa kanya habang pilit na inilalayo ang ulo.

"Umupo ka na nga lang diyan at kumain nang matahimik ka." Ani ko sabay patong ng pinggan na may lamang mga sandwich sa countertop ng kitchen. Agad naman siyang sumunod at umupo sa upuan sa harap.

Kumakain kami ng tahimik nang mapansn kong nakatingin --- no more like nakatitig siya sakin.

"What are you staring at?" tanong ko nang mag-umpisa nang mailang sa paraan ng pagtitig niya.

"I was just wondering, what's the deal with Rodriguez and Justine? Bakit hindi nalang nila tayo komprontahin kung bothered na bothered na sila sa relasyon natin." nagtatakang saad niya na nakapag-patigil sakin sa pagkain.

Umayos ako ng upo at binaba na muna ang sandwich pabalik sa pinggan.

"Bakit ano bang gusto mong gawin?" tanong ko.

"Pano kaya kung kausapin na lang natin sila?" mungkahi niya na agad kong nginisihan.

"Kausapin? Anong sasabihin ko? Uy! Kamusta kayo ni Justine? Ganon?" I said sabay tumayo upang magtimpla ng juice.

"That would be hilarous." dagdag ko habang hinahalo ang juice sa pitcher.

"Okay, I got your point, pero diba? Nakakapagtaka lang, if they still have feelings for us, what are they doing? Why do they still stay in that relationship?" nagtataka niyang saad.

"That's for us to find out. Kaya nga natin 'to ginagawa diba?" sagot ko sa kanya makaraan ang ilang sandali.

"What if malaman natin na there's more to it. What if my reason kung bakit nila nagawa o ginagawa yun? Do you think... we can forgive them?" he ask, pahina ng pahina ang boses hanggang sa halos bulong na lang ang huling salita.

Ipinatong ko ang juice at baso sa countertop at tumingin sa kanya.

"Hindi naman madaling mapatawad yung ginawa nila. They cheated on us. Tapos bestfriend ko pa si Justine. Sinira nila yung tiwala natin. Pero sabi nga ni Daddy, a good relationship doesn't just happen. It takes time, patience, tears, pains and two people who truly want to be together." saad ko at sinalinan ng juice ang baso naming dalawa.

"And we both know that we wanted to get back with them. All we need to do is to find out if they wanted the same too. Kung may rason man kung bakit nila ginawa yun, we'll need to deal with it, accept it. Kasi kung didibdibin pa natin yun? We'll waste more time. Nag-aaksaya na nga tayo ng oras ngayon, dadagdagan pa ba natin yung masasayang na mga oras kung pwede naman nating tanggapin na lang na nangyari na? Hindi naman na natin mababalik ang lahat kahit magalit pa tayo ng sobra." mahabang paliwanag ko.

Tahimik lang siyang nakatingin sakin habang nagsasalita ako.

"You sound so kind." aniya makaraan ang ilang minutong nabalot ng katahimikan.

Inirapan ko naman siya at agad na sininghalan ng guluhin niyang muli ang buhok ko.

"Ang cute naman ng girlfriend ko." nanggigigil niyang saad habang pinapanood akong ayusin ang buhok ko na ginulo niya.

"I'm not cute." ani ko at tinignan siya nang masama. Natawa naman siya at marahang kinurot ang magkabila kong pisngi.

"Sthap et!" ani ko habang pinaglalaruan niya ang pisngi ko. Tawa lang siya ng tawa, natatawa na lang rin ako sa mga kalokohan niya.

"Andy?" natigilan kaming dalawa ng marinig kong may tumawag sakin. Sabay naming nilingon ang pintuan ng kusina at nakita namin ang parents ko na nagtataka ngunit nakangiting nagpapabalik balik ang tingin saming dalawa.

LAVI's

"Tito Andrew/Daddy!" sabay naming tawag ni Andrea.

Matagal akong tinitigan ni Tito Andrew na para bang kinikilatis. And a few moments later I felt Andrea's body stiffened beside me when Tito Andrew started to walk towards us.

"Andrew." Tita Sabrina called out with a hint of warning.

Hindi iyon pinansin ni Tito at tuloy-tuloy paring naglakad palapit samin.

Naramdaman ko namang kinakabahan si Andrea, kaya naman kinuha ko ang kamay niya at hinawakan. Pero parang nakadagdag pa yata sa tensyong nararamdaman niya dahil sa mga kamay na namin nakatingin si tito Andrew. Seryosong-seryoso ang mukha ni tito nang mag-tanong siya kay Andrea kung kaano-ano niya ako.

"D-dad, si Lavi po. Ano uhmm---"

"I'm Andrea's boyfriend, tito, tita." pag-papakilala ko sa dalawa.

Tahimik lang na nakangiti si Tita Sab sa may pintuan ng kusina, si Tito Andrew naman ay nakatingin lang kay Andrea.

I saw Andrea throwing eye daggers on me, nginisihan ko lang siya dahil kabisado ko naman na ang attitude ng Daddy niya.

"Welcome to the family Lavi! Tara inom tayo!"nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Andrea ng bigla akong akbayan ni Tito Andrew at hinatak na ako palabas ng kusina.

Iniwan ako ni Tito sa balcony ng bahay nila para kumuha ng inumin sa wine cellar nila. Hindi kasi sila yung tipo na inuutos ang lahat sa katulong.

Tahimik lang akong nakasandal sa rails ng balcony nila when suddenly a realization came into me.

We broke the rule #6 in the contract.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now