Chapter 26

38 4 0
                                    


SIR E's

"Sir E, punta ka daw po sa dean's office," a student told me.

"Alright, tatapusin ko lang 'to. Thank you," Ngumiti ako sa estudyante bago siya tumalikod at lumabas ng faculty.

Inaayos ko na ang mga gamit ko ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti naman ako ng makitang si Dianne ang tumatawag.

Alam kong mali, some may think of it as taboo. But I don't care about what others would say, I only care about her.

My Dianne. Nakangiting kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

"E?"

"Yes? What can I do for you?" nakangiti kong saad habang isinasabit sa balikat ang laptop case ko.

"Can we talk?" sandali akong natigilan at nangunot ang noo ko ng marinig na medyo nanginginig ang boses niya.

"Are you alright?" I asked worriedly.

"Yeah, so can we talk?" O-oo na sana ako kaya lang ay naalala kong pinatatawag pala ako ng dean.

"Uhmmm can you wait by the car? Pupunta pa kasi ako sa dean's office,"

"Okay, antayin nalang kita sa parking lot,"

"Sure. See you later."

"See yah," natawa ako sa ala-dora na paalam niya.

"What should I do with you Dianne?" naiiling habang natatawa kong sambit sa sarili bago lumabas ng faculty at dumiretso na sa dean's office.

"I have ears all around the campus Mr. Jimenez. May I confirm the rumors about you and a certain student?" yan agad ang bungad ng dean sa akin pagkapasok ko sa office niya.

Hindi muna ako sumagot at hinintay lang na magsalita siyang muli.

"You are well informed that, that kind of relationship between the teacher and a student is forbidden in this school right?" magalang naman akong tumango.

"Alam mong maari kang matanggalan ng trabaho?" he ask and I responded with a nod.

"Itigil mo na ang kung anumang namamagitan sa inyo ng estudyanteng iyon Mr. Jimenez, bago ka pa matanggal sa trabaho," Nag-angat na ako ng tingin sa kanya.

"You can instantly fire me now if that's what you want," matapang kong sagot sa kanya. Ngumiti naman siya saakin at tila aliw na aliw.

"Pano ba yan Mr. Jimenez? Mukhang nakakalimutan mong hindi lang ikaw ang mapaparusahan dahil dyan," kumunot ang noo ko sa narinig.

"What do you mean?"

"Ms. Ara Dianne Mariano, would be expelled once na napatunayan na higit pa sa student-teacher ang relasyon niyong dalawa." natigilan ako sa narinig.

Expelled?

ARA's

Maya't maya ang pagsulyap ko sa kanya habang nagmamaneho siya. Naninibago ako sa kanya. Hindi ako sanay na tahimik siya. I really prefer E being a chatter. Mas nae-enjoy ko.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya kung hindi pa siya tumikhim.

"What is it?" tanong niya ng hindi ako sinusulyapan man lang.

"H-huh?" naguguluhan kong tanong.

"May gusto kang pag-usapan diba? Ano yun?" this time ay tinapunan niya na ako ng tingin sabay ng pagtigil niya ng sasakyan sa tabi.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now