Chapter 11

52 4 0
                                    

GWEN's

"Lency," napasinghap ako ng marinig ko ang pamilyar na pangalan na iyon.

Iisang tao lang ang tumatawag sakin ng ganoon. Dahan dahan akong umikot upang harapin kung sino man ang nasa likod ko.

At hindi nga ako nagkamali.

It's him. He was standing behind me with his usual cold eyes.

My immediate response was to run away. Nagmamadali akong tumayo at hahakbang na sana palayo ng maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko, pinipigilan ako sa balak na paglayo. Napa-buntong hininga ako at hinarap na siya.

"Ano ba talagang kailangan mo Ice?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko, he kept on staring on my face as if kinakabisado niya iyon. Nagulat ako ng bigla niya akong kabigin palapit sa kanya at niyakap ng sobrang higpit.

"Ice! Ano ba?! Let me go!" sigaw ko sa kanya habang pinipilit na kumawala sa mga braso niya.

"Lency, I miss you so much." natigilan sa ere ang kamay ko na akmang hahampasin siya sa likod, natigil rin ang mga sigaw at reklamo ko dahil sa narinig.

Ang rupok mo Gwen! pagalit kong turan sa sarili, ng unti-unti na namang uminit ang sulok ng mga mata ko.

I closed my eyes, silently hoping that it would stop the tears from falling. Pero mukhang traidor talaga ang mga luha at nag patuloy parin sa pagtulo. Mabilis ko itong pinunasan at buong pwersang itinulak palayo si Ice sakin.

"Ice, tama na please? Hindi ka naman siguro manhid para hindi mo malaman na iba ang nararamdaman ko para sayo? Wag mo naman na akong paasahin pa! Please lang. Please lang, tigilan mo na ako. Please stop making me hope for things that are impossible for me to have!" I said as I felt my knees weakened. Napaupo akong muli sa wooden chair. I heard him heaved out a deep sigh before I felt him move and I suddenly found him half-kneeling in front of me.

"I'm not making you hope for imposibble things Lency. Bakit mo ba iniisip na imposible tayong dalawa?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Napangisi ako at tiningnan siya na parang hindi makapaniwala.

"Really Ice? You're really asking me that? But fine, sasagutin ko. How can 'we' be possible when you're in love with someone else?" His forehead creased upon hearing my sarcastic answer.

"Lency, I don't get you. I know I'm in love but what do you mean with someone else? Kailan ka pa naging ibang tao?" naguguluhan siyang nakatitig sakin, nananatiling nakanunot ang noo. Samantalang pakiramdam ko naman ay natulos ako sa pwesto ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Did I heard him right?

Did he just confessed to me?

Maybe I heard it wrong?

Ang huling naisip ay mas kapanipaniwala, so I end up standing as I released an exasperated sigh. Tumayo narin siya mula sa pagkakaluhod sa harapan ko.

"Wala nang patutunguhan ang usapang 'to, uuwi nako. Paki sabi nalang kay Andrea." I said at tinalikuran ko na siya. Pero ito nanaman siya, pinigilan niya nanaman akong muli, naramdaman ko ulit ang mga kamay niya, this time sa palapulsuhan ko na.

"Lency! Will you please explain? What do you mean I'm in love with someone else?!" Gustong kong matawa ng makita ang iritado niyang ekspresyon sa mukha. Lumabas na naman ang pagiging short-tempered niya.

Well, that's Ice.

Ito ang Ice na minahal ko at pinipilit kong kalimutan ngayon.

"Lency?! What do you mean by that?!" pamimilit niya. Hindi ko narin napigilan ang sarili at tumaas narin ang boses ko ng sagutin ko siya.

"You're in love with my cousin! You idiot!" sabay ng paglabas ng mga salitang iyon ay ang muling pagtulo ng marurupok kong luha.

Pinilit kong punasan para hindi niya makita pero mukhang wala silang planong tumigil sa pagtulo. Naguguluhan naman siyang tumingin sakin.

"Your cousin, you mean, Justine?" hindi makapaniwalang tanong niya sakin.

"What the hell, Lency? Kailan pa?" nalaglag ang panga ko sa naging reaksiyon niya.

W-what?

"G-gusto m-mo s-si Justine." I repeated with a lower confidence than earlier.

Mali ba ako ng akala?

Uminit ang dugo ko ng makita ko ang pagsasayaw ng amusement sa mukha niya, his lips widened in a smile as well.

"Aray, Lency! What was that for?!" reklamo niya habang hinihimas ang balikat niya na sinuntok ko.

"Stop playing with my feelings, Ice! Tigilan mo na ako! Masakit!" I broke down while I keep on punching his shoulders.

Hinatak niya ako palapit sakanya kaya ang dibdib naman niya ang pinaghahampas ko hanggang sa tuluyan niya akong balutin ng yakap. Patuloy ang pag-hampas ko hanggang sa humina iyon ng humina at tuluyan ko na lang na isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya habang umiiyak.

"Lency, you got it all wrong. You're wrong, hon." rinig kong bulong niya sa tenga ko na mas nagpahagulgol sakin. Hindi ba siya titigil sa pangtitrip sakin?

"I'm not in love with Justine." bulong niyang muli pero umiling lang ako at mas nagsumiksik sa dibdib niya.

"Lency, ikaw ang mahal ko. I love you, more than a bestfriend should be."

And I felt my whole world stopped.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now