Epilogue

64 4 4
                                    

LAVI's

5 years ago...

"Can you believe it Lav? Pwede palang mangyari yun sa totoong buhay? I never thought na pwede pala--- Lav are you listening?" nabalik ako sa wisyo ng maramdaman ko ang marahang pagtapik ni Andrea sa pisngi ko.

I stared at her beautiful face, she's currently laying down, her head on my thighs. I set aside the strands of her hair that covers her face. I want to see her face so badly, atleast for the last time. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko and gave me a worried look.

"Are you okay? May problema ba?" she asked softly. Patuloy niya paring hinahaplos ang pisngi ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Pumikit ako ng mariin, I'm trying to remember this feeling. This feeling of her holding me. I want to remember the warmth it gives me, how it makes my heart flutter, how her soft voice becomes my weakness, I want to remember everything about her.

Everything.

"Lav?" binawi niya ang kamay mula sakin at umupo na siya ng maayos sa tabi ko. Napayuko na lang ako habang kagat kagat ko ang pangibabang labi. Pinipigilan kong maiyak, pero... pucha! ang sakit! Tang-ina! Nakakagago lang.

Sandali siyang tahimik lang na nakaupo sa tabi ko ng marinig ko siyang bumuga ng hangin. My Andrea's frustrated already. Mapait akong napangiti sa naisip.

Tinitigan ko siya ng mabuti, memorizing every detail of her. Because after this, I don't know when I would be able to look at her as close as this.

"Lavi? Hindi kana nakakatuwa." she said irritation and frustration evident in her voice. Mariin kong pinikit muli ang aking mga mata. This is it Lavi. It's now or never. Do it.

"Andrea..." Nakapikit ko paring tawag sa kanya. Pagdilat ko ay siniguro kong wala siyang makikitang emosyon sa mga mata ko.

"Hmmm?"nagtataka niyang sagot sakin. Lumunok muna ko, bago ko binitawan ang mga salitang alam kong pagsisisihan ko buong buhay ko.

"Let's break up."

"Why?" she asked weakly.

"Don't make this hard for the both of us Andrea." Mariin kong saad sakanya. Pinipilit ko na burahin ang emosyon sa mukha ko.

"Then give me your goddamned reason Lavi!" Galit niya ring singhal sakin.

"Why are you breaking up with me? Okay naman tayo kahapon, kanina! What happened?" Pahina ng pahina ang boses niya habang unti-unti naring namumuo sa kanyang mga mata ang luha. Bahagyang umangat ang aking mga kamay para sana punasan ang kanyang mga luha pero agad ko iyong ibinaba. I should not. Pero hindi nakaligtas yun sa kanyang mga mata.

Mapait siyang natawa habang nakatitig sa mga kamay kong nakakumo sa gilid ko. She bit her lower lip and stare directly at my eyes. She stared at me for a long time, sinubukan ko.

God knows na sinubukan kong makipaglabanan ng tingin sa kanya pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang titigan ang mga mata niyang puno ng hinanakit na ako ang nag-dulot sa kanya.

"Why are you doing this, Lavi?"mahinahon niyang tanong sakin.

"I just got... tired,"nakayuko kong sagot sa kanya. Napasinghap siya sa naging sagot ko sa kanya.

"Tired? Tang-ina Lavi! Pagod? Bakit? Bakit ka napagod? Meron... meron na bang iba?" Agad na napa-angat ako ng tingin sa sinabi niya.

How could she? How could she think na may iba? I was about to defend myself ng marealize ko na siguro... siguro mas okay na iyon nalang ang isipin niya.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now