Chapter 22

40 5 0
                                    

GWEN's

"Nahihirapan na 'ko, Gwen. Let's stop this," umangat ang isang kilay ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Wala namang problema, go on." kalmado kong sagot sa kanya at agad ko ring nakita ang pag-liwanag ng mukha niya dahil doon.

"Really? Hindi mo narin ipagsasabi?" kung may itataas ang nakataas ko ng kilay ay ginawa ko na dahil sa narinig ko mula sakanya.

"Ang sabi ko itigil mo kung gusto mo, pero wala akong sinabing mananahimik ako." bumalik naman sa pagkakairita ang mukha niya dahil sa naging sagot ko.

Tinalikuran ko lang siya at naglakad na papalayo. Pero hindi pa man ako nakaka-isang hakbang ay tumigil na ako ng narinig kong tinawag niya ako.

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" I shrugged my shoulders before answering him.

"Wala lang trip ko lang," sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"You're lying," Umikot ako paharap sa kanya at ngumiti ng maluwang.

"Sometimes you need to lie to keep things better, because not everyone could understand the truth and certainly not everyone would understand why you lied." and with that I left.

Naglalakad ako sa hallway ng makasalabong ko si Andrea. Agad ko namang inihanda ang aking ngiti at binuksan ang mga braso para yumakap sakanya.

"Have you seen Lavi?" tanong niya na nag-pangiti sakin.

"I saw him sa music room kanina eh. Check mo baka nandoon pa." sagot ko habang nakangiti.

Nagpasalamat siya sakin at nag-lakad na palayo papunta sa music room. Habang papalayo siya ay unti-unti ring nabubura ang ngiti sa mga labi ko.

I'm sorry Andrea. Para rin sayo to. Everything will be alright soon.

I hope so.

ANDREA's

Malapit nako sa music room ng marinig ko ang boses ni Lavi. Napangiti naman ako na agad ring napanis ng makarinig ng isa pang pamilyar na boses.

"Sige na kasi Lavi! For old times sake! Sige na! One song lang!" Normal naman ang pagkakasabi ni Justine pero ewan ko ba, bakit parang ang landi ng dating sakin?

Pinikit ko muna ang mga mata ko ng mariin at huminga ng malalim bago buksan ang pinto ng music room ng may ngiti sa labi. Agad ko namang nakuha ang atensyon nila.

Ang nakangiting mukha ni Justine ay napalitan ng pagtataray. Nag-paalam muna siya kay Lavi na tinanguan lang nito atsaka tumayo at naglakad papunta sa direksyon ko. Nakatayo parin ako sa may pintuan kaya naman ng dumaan siya ay sinadya niyang banggain ang braso ko na hindi ko napaghandaan kaya naman halos mabuwal ako sa pagkakatayo mabuti na lang ay agad namang nakalapit si Lavi at inalalayan ako.

"You okay?" nag-aalalang tanong niya na tinanguan ko lang bago binalik ang atensyon sa babaeng matalim na nakatingin sa bewang kong hawak ni Lavi.

"Ano bang problema mo?" ngumisi siya sa tanong ko sakanya.

"Wala naman. Ikaw ba?" Kumawala muna ako sa pagkakakapit ni Lavi sakin bago ako humakbang papalit kay Justine at napangisi ako ng makita siyang napaatras dahil sa ginawa ko.

"Wala rin maliban na lang sa mga malalanding, nanglalandi kahit na may boyfriend na." I answered with my arms crossed.

"Ows? Why? Are you threatened na malandi ko ulit ang boyfriend mo, na naging boyfriend ko rin?" Mayabang niyang saad.

"Nope. Why would I be threatened? Ikaw narin ang nagsabi, naging diba? Meaning past na. And you're a part his past that is not worth looking back." mas tumindi ang tension saming dalawa kaya naman pumagitna na si Lavi at inawat na kami.

"Andy, tama nayan. Don't waste your time, she's not worth it." ani Lavi habang nakahawak ng muli sa bewang ko at pilit na inilalayo sa babaeng nasa harapan ko.

Binigyan ko muna siya ng matalim na tingin bago ako sumunod sa paghila ni Lavi. Halos limang hakbang palang, ay natigilan ako sa paglalakad ng magsalita si Justine.

"Kahit na sabihin pa nating past is past, Andrea... tandaan mo, throwbacks exist." with that last remark ay linampasan niya kami ni Lavi.

After our encounter with Justine ay tahimik lang ako the whole day, hanggang sa naihatid nako ni Lavi ay lumilipad parin ang isip ko pabalik sa mga sinabi ni Justine.

"Kahit na sabihin pa nating past is past, Andrea... tandaan mo, throwbacks exist."

Napahugot ako ng malalim na hininga habang naglalakad papasok sa bahay. Agad naman akong sinalubong ni Mommy Sab ng may ngiti sa labi, agad ring napanas ang ngiti niya ng makita ang itsura ko.

"Andy, anak? What's the matter? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya sabay ipit ng takas kong buhok sa likod ng tenga.

"M-mommy..."yun lang ang nasabi ko bago ko sinugod si Mommy ng yakap at hagulgol na kanina ko pa pinipigilan.

"Shhh... what is it anak? Okay lang yan, everything will be alright." pang-aalo ni mommy habang hinihimas ang likod ko.

"But mom, alam naman nating parehong hindi ako pwedeng ma-inlove sa kanya! We have the rules remember?" daing ko kay mommy ng sabihin niya baka in-love ako kay Lavi kaya naman nasasaktan ako kapag nakikita silang magkasama ni Justine.

I'm not afraid to say it with my mom. She understands me a lot kahit na minsan nahihirapan siyang intindihin ang mga desisyon ko yet she's always there to support me. Sobrang thankful ako kasi nagkaroon kami ng nanay na katulad niya, loving and understanding.

She gave me a weak smile while caressing my hair like what she usually do when I cry every night back when I was a child.

"Anak, hindi naman porket may rules kayong sinusunod ay imposible nang mahulog ang loob mo sa kanya and besides, sa nakikita ko naman ay kahit si Lavi ay iba rin ang tingin sayo, he even ask for you to forget about the rules right?"

"No, mom. I'm not in love with him. I can't be in love with him." mariin kong tanggi na tinawanan lang ni Mommy. Andito kami ngayon sa kwarto ko, magkaharap na nakahiga sa kama.

Dumiretso kami dito kanina after ako mapakalma ni mommy sa pag-iyak at kina-usap na niya ako tungkol sa problema ko. Yes, mommy Sab is the only person who knows about the rules and contract I had with Lavi. She knows about the real score between us. I never hid anything with my mom. She's like my walking diary, she knows everything about me.

"Sino bang kinukumbinse mo anak? Ako o ang sarili mo?" sinimangutan ko lang si mommy sa naging response niya. Ginulo niya lang ang buhok ko saka tumayo sa pagkakahiga at inayos ang nagulo niyang buhok bago humarap ulit sakin at nginitian ako ng ngiting palaging nagpapakalma sakin.

"Anak, denying is not the best way to escape. Because the more you hide it, the more it kills you inside."

"M-mom," nauutal kong tawag sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago ngumiti ng maluwang at yumuko para magkalebel na ang mukha naming dalawa.

"Anak I know you're scared. And I know na mahirap para sayo ang tanggapin yan. But anak, you know to yourself kung ano ang totoo mong nararamdaman. I trust you, I hope you do something that will make you happy. I don't want to see my baby girl crying again alright?" I stared at her deep eyes filled with affection.

"I love you mom," I sincerely said.

"I love you too, princess." she said and kissed my forehead before leaving my room.

I stared at the door after she left. And force myself to understand what my mom told me.

And realization hit me, I already broke the rule #8.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon