Chapter 20

39 3 0
                                    

ANDREA's

I can't believe it! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. How could he do this? He ask me to just think about us. Then ano to? Bakit sila magkasama ni Justine? B-bakit niya yakap yakap si Justine? At bakit ako nasasaktan?

Hindi ko alam kung pano at kailan naramdaman ko na lang ang automatic na pagtulo ng luha mula sa mga mata ko, isa, dalawa hanggang sa sunod sunod na.

Nakayakap parin siya kay Justine ng mapalingon siya sa may pwesto ko at nag-salubong ang aming mga mata. Natigilan siya at agad na bumitaw kay Justine.

"A-andy?" Ito lang ang nasabi ni Lavi, habang nakatingin sakin.

Sinulyapan ko naman si Justine na naka-crossarms habang naka-ngisi saakin. Agad kong pinunasan ang luha saking mga mata.

Tama na!

Ayaw ko ng mag-mukhang talunan sa harap nilang dalawa. Agad akong tumalikod at mabibilis ang hakbang na lumayo sa kanila.

Bakit ako nasasaktan?

Hindi ko dapat 'to nararamdaman!

No! Hindi pwede! Imposible!

Natigilan ako kaya naman nahabol ako ni Lavi.

"Andrea, let me expla---" natigilan siya ng iharap ko sa kanya ang aking mga palad. Signaling him to stop.

" Explain what Lavi? Kitang kita ko na kayo! Ano pa bang explanation ang mayroon ka para doon?!"

"Ano ba naman Andrea?! Ano ba yang inaarte mo? I didn't break any rules! Bakit kung makaiyak ka, parang nakipagbreak sayo ang boyfriend mo? Don't worry, I won't leave this contract hanggang hindi mo pa nakukuha si Cedric!" Isang malutong na sampal sa mukha ang nakuha niya mula sakin.

Napahawak naman siya sa oisngi niyang namumula dala ng sampal ko.

" Akala ko ba wala munang rules? Walang Cedric at Justine? Akala ko ba tayo lang muna? Kung ganon, ano to?" mahinahon ngunit puro ng sama ng loob na tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako diretso sa mata bago itanong sakin ang tanong na hindi ko rin masagot sa sarili ko.

"Did you break the rule #8 Andrea?" natigilan ako

Did I? Did I really started falling?

Hindi ako nakasagot sa tanong niya.

"Don't forget that we're just pretending Andrea." Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita pa.

"Uhmm... The reasons are kind of personal. So no comment muna." Sagot ni Ara sa emcee.

Napa 'awwww' naman ang audience sa narinig na sagot, pero tinawanan na lang namin ito.

"So anyway, thank you for the entertaining performance ladies!" Nag bow lang kami bago lumabas ng stage narinig naman naming tinawag na ang susunod na mag-peperform kaya naman nag madali na kami sa pag-aayos at lumabas na dahil gusto rin naming mapanood ang performance ng ibang grupo.

Nag-enjoy naman kami sa panonood ng ibang banda. Magagaling rin naman kasi ang mga ito. Nakita nga namin ang performance ng grupo ng lalaking nakapartner ni Ara sa duet.

"And now, the last but not the least group, may we call on the Convex Legacy!" natigilan kaming lahat sabay ng pag-iingay ng mga kababaehan mula sa audience ng tumutok kina Lavi, Ice at Joshua ang spotlight sa stage.

Joshua and Ice were both holding a guitar and Lavi is in the center behind the drum set.

Dumagundong ang tilian ng girls sa auditorium ng pumailanlan ang kanta ng Convex Legacy.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now