Chapter 4

68 10 5
                                    


LAVI's

I took a deep breath as I read the contract one last time. It took me another minute to sign the contract. Agad ko rin iyong inabot sa kanya para mapirmahan niya rin.

I really don't know kung anong pinaglalaban niya ng ipilit niya na gumawa kami ng kontrata para sa napagkasunduan namin. And it actually took us a day before we were able to come up with rules that satisfies both of us.

"Lavi, are you sure this is gonna work?" Andrea asks, hesitation was very evident with the way she asked. Hinawakan ko ang kamay niya to show support. I look at her straight to her eyes.

"Andrea, susubukan lang naman natin. Who knows? Maybe ito talaga yung maging daan para mabalik sa dati ang lahat."

Tahimik lang niyang binaling ang kakaprint lang na kontrata sa center table ng living room ng condo ko. Sinundan ko ang tingin niya at muling nakita ang mga batas na susundin namin habang ginagawa namin ang kalokohang 'to.

8 Rules to Play

Rule #1: Act as sweet and caring girlfriend or boyfriend.

Rule #2: Make everyone see that you are a happy couple.

Rule #3: No intimate contact as necessary.

Rule #4: No dating.

Rule #5: You shall not have any other flings or relationships.

Rule #6: No parent meet-ups.

Rule #7: This contract shall be kept as a secret.

Rule #8: Do not fall in love.

*Note: If you broke at least 4 rules this contract will be considered void.

Signed by:

Carla Andrea Mariano

Buen Lavi Alcantara

"So, you're actually my boyfriend now?" amused na taong niya habang nakatingin parin sa papel sa harap namin.

"Well, you can say that." natatawa ko naring sagot.

She shifted her gaze back at me and offered me her hand.

"A shake hand from my boyfriend?"

"Shouldn't we seal the deal with a kiss?" pang-aasar ko habang magkadaop pa ang mga palad namin. She rolled her eyes at me.

"Rule number 3?"

"Grabe 'to! Ang taray naman ng girlfriend ko." kantyaw ko ng makita ang pag-irap niya.

"Che! I'll head home na." paalam niya bago inayos ang mga gamit sa bag niya at tumayo na.

"Hatid na kita?"

"Rule #6?" napairap ako sa sagot niya.

"Best friend ako ng kapatid mo. You're parents know me."

"Yeah, you're Ara's friend, not mine. Magtatanong ang mga yun bakit mo ko hinatid." sagot niya habang nag-aantay kami ng elevator.

"Are you sure?" worried kong tanong.

"Magtataxi na lang ako. Maaga pa naman."

"Send me the plate number to be sure. Okay?" kunot noo kong paalala sa kanya bago magsarado ang elevator. Ayaw kasing magpahatid kahit hanggang sa labas lang ng building.

"Yeah. Thanks."

"Text me when you got home."

"Opo. Shoo na! Uwi na ko. See you tomorrow."

"See you." saad ko sa nakasarado nang pinto ng elevator.

Sandali pa kong nanatiling nakatayo doon na parang tanga. Nakangiti akong naglakad pabalik sa unit ko ng matanggap na ang text message niyang naglalaman ng plate number ng taxi na sinakyan niya.

ANDREA's

From: Ara's Bestfriend

You home?

"Yieee! Ate my lovelife ka na?" napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Ally.

"What are you talking about?" kunot noo kong tanong.

Tinawan niya lang ako at tinuro ang cellphone ko.

"Laki ng ngiti natin eh. Kilig much?"

I was smiling?

Sasagot na sana ako ng muling magvibrate ang phone ko.

From: Ara's Bestfriend

Hey, I'm worried.

To: Ara's Bestfriend

Yup. Kararating ko lang.

"Hala! Nasnob na ang beauty ko! Sino boylet mo ate?" Ally probed while trying to snoop around my phone.

Agad kong binulsa ang phone at umakyat na ng hagdan para pumunta sa kwarto ko.

"Mind your own business, Ally." saad ko ng sunod parin siya ng sunod habang patuloy na tinatanong kong sinong katext ko. Tumigil lang siya sa pangungulit ng saraduhan ko siya ng pinto.

I was about to go inside my bathroom ng tumunog bigla ang phone ko.

Ara's Bestfriend Calling...

Kunot ang noo ko itong sinagot.

"Hmm?" tanong ko habang hinahanda ang pantulog.

"Bakit 'di kana nagreply?"

"Ha?"

"You haven't read my texts yet?"

"Nag text ka ulit? Wait." I checked my notifications while connected parin ang call and saw that there was five unread messages under his name.

"Oh, sorry. Hindi ko nabasa, kakaakyat ko lang kasi and Ally was pestering me earlier."

"Alright. Don't skip dinner and see you tomorrow!"

"See you." And I ended the call.

Kakapatong ko lang ng phone sa kama ng magvibrate itong muli.

From: Ara's Bestfriend

Goodnight pretty.

Nakangiti kong ibinalik muli sa kama ang phone bago tuluyang pumasok sa bathroom.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng marinig ko ang boses ni Ara sabay ng sunod sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Ate Andy, time for dinner!"

"Coming!"

Lumabas nako ng kwarto and went to the dining area where I found my family waiting for me. They're looking at me as if I have three heads.

"What?" kunot noong tanong ko sa kanila habang umuupo sa pwesto ko, naiilang sa tingin na natatanggap mula sa kanila.

"Ate, may boyfriend ka na daw?" nabuga ko ang tubig na iniinom sa tanong ni Ara.

"Ewww! Ate naman!"sigaw ni Ally ng matalsikan ng tubig na nabuga ko.

"Ara Dianne!"

"What? Sabi ni Ally kanina nakangiti ka habang may katext, tapos I heard you talking to someone earlier, pag-daan ko sa kwarto mo." paliwanag ni Ara.

"So? What makes you think na boyfriend agad yun?" balewala kong sagot at nag-umpisa ng kumain.

"Di mo boyfriend? Crush pa lang ba, baby?" halos masamid akong muli ng marinig ko ang mapanuksong boses ni Mommy Sab.

"Mommy!" saway ko na tinawan niya lang.

"Mukhang nasapol mo, hon. Andy, gabi na, bawas bawasan ang blush on ha?" napabaling din ang tingin ko sa natatawang si Daddy.

"Dad! Pati ba naman ikaw?" nawawalan ng pag-asa kong saad pero pasimple ring hinawakan ang magkabilang pisngi upang kumpirmahin ang sinasabi nila.

"Uyy! Chineck niya kung nagblablush talaga siya!" gatol ni Ally na tinawan lang nilang lahat.

Mas lalo atang uminit ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan!

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz