Chapter 17

39 4 0
                                    

ANDREA's

"What's taking them so long?" nakasimangot na reklamo ni Ara bago kagatin ang french fries na hawak.

"Kanina pa sila diba? Konti lang naman yung boys eh." Dagdag ni Yannie bago sumipsip sa cokefloat na iniinom. Kasalukuyan kaming nag-aantay dito sa fastfood malapit sa school. Nauna na kami since bubunot pa yung boys ng makakapartner.

"Baka naman kasi ino-orient pa sila." Pagtatanggol ni Gwen sa boys. Nag pout lang ang dalawa at nagpatuloy sa paglantak ng pagkain nila. Napailing nalang kami ni Gwen bago nagpatuloy narin sa pagkain.

We're too preoccupied sa pinag-uusapan namin habang kumakain kaya naman nagulat kami ng bigla na lang umupo ang boys sa table namin, pawis na pawis. Kumunot naman ang noo ko pagkakita ko kay Lavi na mukhang pagod na pagod, medyo hinihingal pa nga.

Kinuha ko muna ang panyo ko sa bag at pinunasan ang mukha niya habang nakasimangot. Kinuha naman niya ang float ko at uminom, hindi ko na lang pinansin yun kahit na nagsusumigaw ang utak ko ng 'indirect kiss', dahil mukhang uhaw na uhaw na ang loko.

"Anyare? Mukha kayong nirape ng limampung bakla!" nakangiwing sabi ni Yannie habang pinipilit na punasan ang mukha ng umiiwas na Joshua.

"What the?! Yannie, stop it!" iritadong saway nito kay Yannie habang patuloy parin ito sa pag-subok na punasan ang pawis niya.

Napasimangot na lamang si Yannie bago yumuko at akmang itatago ang towel ng walang sabi-sabing hinablot ni Joshua sa kanyang mga kamay ang towel.

Napamaang kaming mga babae habang nakangisi lang sina Lavi at Ice kay Joshua.

"Aarte-arte pa kasi. Gusto din naman." Pang-aasar ni Ice kay Joshua na kasalukuyang nagpupunas ng pawis gamit ang towel ni Yannie.

"Fuck you Salvador!" Malutong na mura ni Joshua na tinawanan lang nina Ice at Lavi.

Nang mapatingin si Joshua kay Yannie ay nakanganga ang kaibigan namin. Marahil ay gulat parin sa ginawa ni Josh.

Napabunghalit kaming lahat ng tawa ng punuin ni Josh ang bibig ni Yannie ng fries. Doon na lamang nahimasmasan ang kaibigan ko at napakurap-kurap.

Nagtatawanan kaming lahat ng maramdaman ko ang kamay ni Lavi sa may balikat ko. Nang lingunin ko iyon, nakita kong naka-akbay na pala ang loko sakin at nakangisi habang nakikisali sa tuksuhan ng barkada namin. Hinayaan ko na lang ang mga kamay niya dun at tumingin nalang ulit sa mga kaibigan ko nang nahagip ng mga mata ko ang mga mata ni Ara na nakatingin samin ni Lavi.

Umiwas naman siya ng tingin sakin ng muling magtagpo ang mga mata namin at inasar na lamang muli sina Yannie. Pinaningkitan ko naman siya ng mata at inaantay na bumalik ang tingin niya saamin pero paalis na kami ay hindi na siya muling tumingin samin.

I just shrugged my thoughts away, baka naman nagkataon lang na napatingin siya sa direksiyon namin.

"Minamasdan kita

Nang Hindi mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin

Mapupulang labi

At matingkad mong ngiti

Umaabot hanggang sa langit"

Nangibabaw ang magandang boses ni Yannie habang kumakanta. Ang kaninang tahimik na audience ay biglang nag-hiyawan ng makita ang pag-pasok ni Joshua sa stage. Siya ang kaduet ni Yannie.

Hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi ni Yannie habang kumakanta.

Nagulat kaming lahat ng sabihin nina Lavi at Ice ang dahilan kung bakit late at pawis na pawis sila nung nakaraan ay dahil nakipag basketball duel sila nina Joshua sa isang contestant at sa mga kaibigan nito para lang makipag switch ng partners. Nalaman kasi ni Josh na yung lalaking yun raw ang nakabunot kay Yannie, kaya naman kinausap niya raw ito para makipagswitch nalang sana pero away daw nung lalaki kaya ayun nauwi sa isang game sa basketball, nanalo naman sila kaya pumayag na yung lalaking makipag switch ng partners kay Joshua.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now