Chapter 10

52 5 0
                                    

ANDREA's

I can feel the blood drained from my face when I heard that Lavi had passed the audition. Halos hindi ko na napansin ang paligid at bahagyang napatalon sa gulat ng maramdaman kong may umakbay sakin bago ko narinig ang boses niya na bumulong.

"Pano ba yan, babe? Nakapasok ako? You now owe me a date." Sinubukan kong lingunin siya saking likuran but then, that was a wrong move. Sobrang lapit na pala niya sakin. A few more inches and our lips would meet. I immediately look away.

"O-oo n-na." sabi ko nalang, silently scolding myself for stattering. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at hinarap ang mukha ko sa kanya habang pilit niyang hinuhuli ang tingin ko.

"Bakit ka nauutal?" nang-aasar niyang tanong na sinagot ko na lang ng irap.

"Wala! Gwen, tara na---" natigilan ako ng paglingon ko ay nakita ko si Gwen na may kayakap na lalaki. Nang mahagip ko ang mukha ni Gwen ay agad kong nakita ang mga emosyong naglalaro sa mga mata niya.

Longing, hope and pain. That was what her eyes are showing. Nang mapansing nakatingin ako sakanya ay agad niya akong tinignan ng nagmamakaawa. It was like she was asking for me to take her away from something that is hurting her.

So I did.

"Excuse me, may pupuntahan pa kasi kami ni Gwen. We'll get going first." singit ko sa kanilang dalawa at pasimpleng hinahatak si Gwen palayo sa lalaki.

"And you are?" kunot ang noong tanong ng lalaki sakin ng mag-tagumpay ako sa pag-hihiwalay sa kanila ng kaibigan ko.

"I'm Andrea. Gwen's friend." He shifted his gaze back to Gwen after I introduced myself but Gwen refused to return his stares.

"Ice may importante pa kasi kaming pupuntahan nina Andrea. Ano... mauna na kami. Andrea, Lavi tara na." she said and nauna ng maglakad palabas ng AVR. Sumunod nalang ako sa kanya at sinenyasan si Lavi na sumunod. Bago ako makalabas ay narinig ko pang kinakausap ni Lavi yung lalaking, Ice yata ang pangalan.

"Iniwan mo kasi, tapos ngayon babalik balikan mo? Ano sa tignin mo ang magiging reaksyon niya? Tatakbo papunta sayo to welcome you with open arms? You're really crazy if you expected that, umalis ka ng walang paalam at ni hi-hello hindi ka nag-paramdam. Don't expect Gwen to just come and accept you easily." Binalewala ko nalang ang narinig ko at nag-mamadaling hinabol si Gwen sa labas.

"H-hindi k-ko a-alam k-kung b-bakit b-bumalik pa s-siya. O-kay n-na'ko eh! Okay na! Tanggap ko na! b-bakit k-kailangan niya pa ulit bumalik at guluhin ako?" halos hindi na makapagsalita ng maayos si Gwen dahil sa kakaiyak niya. Namamaga narin ang mga mata niya.

I brought her home after she broke down at school. Kasalukuyan kami ngayong nasa garden namin. I was just silently listening to her, hinahayaan ko lang siyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya sa Ice na yun.

"Bakit ba kung sino pa yung taong kayang-kaya akong saktan... siya parin yung gustong mahalin ng pesteng pusong 'to? Alam ko namang hanggang mag kaibigan lang kami—"

"Paano mo nasabing hanggang magkaibigan lang kayo? Umamin ka ba sakanya? Nireject ka ba niya?" pag-putol ko sa kanya na sinagot naman niya ng sunod sunod na iling.

"Yun naman pala, eh. You never told him about your feelings. So how did you know na wala kayong chance?" natigilan siya at nakatanga lang sakin. Huminga ako ng malalim bago ako muling nag-salita.

"Okay. Let's say, you're afraid to risk your friendship with him. That was really scary though, kasi sa isang iglap pwedeng mawala yung pagkakaibigan niyo. Pero sabi nga nila, kung hindi talaga para sayo, itago mo man o hindi masasaktan ka parin. Kaya if I were you, take the risk to tell him what you feel. Para wala kang pagsisihan sa huli. Who knows, may something din siya for you?" Agad naman siyang umiling sa huling parte ng sinabi ko.

"It's not just about our friendship, but yes, it's another factor. But the reason why I can't tell him about my feelings is that he's in love, not with me but with Justine." Natigilan ako sa narinig ko. Si Justine na naman? Sa lovelife ko si Justine na ang problema ko pati ba naman ang lovelife ng pinsan niya hindi pa pinatawad?

"Do you love him?" I ask her, kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.

"Of course. Andrea naman eh! Sa tingin mo mag dra-drama ako ngayon dito kong hindi ko mahal ang yelong yun?" Naiirita niyang sagot sakin. Kung normal na mga araw lang 'to. Natawa na sana ako, ngayon ko lang kasi nakitang nairita si Gwen.

"Then fight for him." I simply said na nakapagpanganga sa kanya.

"Andrea, hindi ka ata nakikinig I said---" pinutol ko ulit siya at nagpaliwanag.

"Nakikinig ako. Ang gusto ko lang sabihin, ayokong dumating yung araw na manghihinayang ka at hindi mo inamin sa kanya ang nararamdaman mo. Mahirap kasi na mabuhay ka sa what if's. Mas maganda na yung sumugal ka at natalo ka. Kaysa yung natalo ka ng wala kang ginawa. After all, love is a gamble, you should learn how to play it. Whether you win or you lose atleast you did your best. And base naman sa nakita ko kanina habang kumakanta siya, iba yung way ng pag tingin niya sayo Gwen. It's... it's different."

"No Andrea. Hindi siya sakin nakatingin. Kay Justine. She's just beside me that time." I rolled my eyes secretly at humugot ng hininga.

"Gwen, I know you can do better than thinking like that."

"Who cares whose better? She have him and I don't. Mas mabuti ng masaktan ako ngayon kaysa paasahin ko pa ang sarili ko sa mga bagay na imposibleng mangyari. Kung mas patatagalin ko pa 'to, parang mas pinili ko naring masaktan kaysa sumaya." pinal na saad niya.

"No one in their right minds will choose to be hurt Gwen. We choose to love but pain and heartache always come with it and it's because it's inevitable. Hindi natin yun maiiwasan, ganun talaga pag nag mamahal." She just stared at me and I can see confusion and pain in her eyes. Sinalubong ko ang mga tingin niya at hindi rin nagtagal ay nag iwas din siya ng tingin.

Alam kong nasasaktan at naguguluhan siya. Pero kailangan niyang maintindihan na hindi siya dapat sumuko kaagad. She needs to fight for him. Dahil alam ko, nakita ko sa mga mata ni Ice kanina ng niyakap niya si Gwen.

My friend's agony is just her imagination.

Wala naman talagang problema. Sadyang torpe lang ang lalaking yun at manhid naman ang kaibigan ko. At mukhang nag karoon pa sila ng misunderstanding at inakala pa ni Gwen na si Justine ang mahal ni Ice.

"Gwen, you better fight for him before it's too late."

Nag-iwas ako ng tingin sa kaibigan ng may makita ako na papalapit sa amin. Tumayo na ako sa wooden chair na kinauupuan namin at humarap ulit sa kanya with an encouraging smile. Napatigil naman ang dalawang taong naglalakad palapit samin.

"Mukhang mahina pa naman ang isang yon." nakita kong ngumisi ang isang lalaki sa kasama niya na natigilan ng marinig ang sinabi ko.

Inunahan na niya sa paglalakad ang kasama niya at tuluyan ng lumapit sakin at umakbay. Tumingin siya kay Gwen at ngumiti. Pasimpleng tinapunan ng tingin ang tao sa likod ni Gwen.

"Pano ba yan Gwen? Kukunin ko muna ang girlfriend ko. May utang pa siyang date sakin." At tumalikod na bago pa makasagot si Gwen.

At dahil naka akbay siya sakin, pati ako nadala sa pag ikot niya. Napailing nalang ako sa kakulitan nito. Nag umpisa na kaming maglakad palayo ng huminto si Lavi.

"Gwen, you better hear his explanations." He said, bago namin namin tuluyang iniwan si Gwen na guguluhan.

"Lency," Napangisi ako ng marinig ko ang malakas na pagsinghap ng kaibigan ng marinig ang tumawag sa kanya.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon