Chapter 13

44 5 0
                                    

ANDREA's

"L-lavi tara na u-uwi na tayo." napatingin naman siya sakin at ngumiti.

"Dito muna tayo, last na natin 'to tapos hatid na kita." He said as he pulled me inside the tent. Nang makapasok kami ay agad na humigpit ang kapit ko sa kanya.

"Hey, what's wrong? Open your eyes." I heard him whispered. Sinubukan kong buksan ang mga mata ko at agad na bumungad sakin ang mga naglalakihang salamin na nakapalibot sakin.

Agad akong kinapos ng hangin. Hinihingal na ako habang sinusubok na habulin ang hininga.

It's back. I'm having an attack again.

Umikot ang paningin ko at wala akong ibang makita kundi ang batang nakatali sa upuan at umiiyak.

"Daddy! D-daddy! H-help! D-daddy! I-I'm s-scared! Daddy!" tinakpan ko ang tenga ko gamit ang mga kamay ko at mariin na pumikit. Naririnig ko sila.

Pano ba yan baby girl? Hindi kana makikita ng Daddy mo kahit kailan.

Hindi ka na nila babalikan.

Kinuha na nila ang mga kapatid mo.

Iniwan ka nila dito.

"No! Daddy!" sumisigaw ako habang umiiyak. Naramdaman kong may humawak sa mga braso ko, nag pumilit ako makawala mula roon.

"No! Babalikan ako nina Daddy!" Patuloy parin ang kamay na nagtatangka na humawak sa braso ko kaya patuloy parin ako sa pag pupumiglas.

"Tama na po! Please!"

"Ito ang dapat sayo!" Sinampal ng lalaki ang kawawang batang babae na walang nagawa kundi ang umiyak.

"Ito pa!" pinalo niya ang bata ng sinturon sa paa.

"Hindi kana babalikan ng Daddy mo! Kaya tumahimik ka na dyan!"

"Andrea! Andrea! Anong nangyayari sayo?! God! Andrea!" someone grabbed my shoulders at inalog-alog ako. Umiiyak na ako sa sobrang takot.

Anong gagawin ko? Nandito na sila. Sasaktan nila ulit ako. Ilalayo nila ako kayna Daddy. Nag palinga-linga ako at ganun parin ang nakikita ko, ang batang umiiyak.

"No!! Daddy!!! Tulong!"

"Andrea! Andrea! It's me! It's me!" naramdaman kong may mga kamay na humawak sa pisngi ko. Tumingin ako sa may ari ng mga kamay na yun and the last thing I saw before I lost consciousness was his face.

"Lavi,"

ARA's

I was pre-occupied with the book I was reading when my phone rang. Wala sa sarili ko itong sinagot ng hindi tinitignan ang caller.

"Hell—"

"Ara, Chrusade Medical Hospital now! Dinala ko dito si Andrea. Paki sabi narin kina Tito Andrew and Tita Sab." Napatayo ako ng marinig ang boses ni Lavi. Bahagya ko pa itong inilayo sa tenga para tingnan ang caller at nasiguro kong ang kaibigan ko nga iyon.

"Lavi! Anong nangyari kay Ate?!"

"I don't know, I'll explain it later. Can you please come here?"

"Okay, okay! Paantay nalang kami." Pinatay na niya ang tawag pagkatapos noon.

Nagmamadali akong nag-palit ng damit at kinatok na ang kwarto ni Ally. Agad naman iyong bumukas.

"Ara! Ano ba?! Patulog na yung tao eh---"

"Mag bihis ka pupuntahan natin si Ate sa hospital."

"Anong nangyari?"

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now