Chapter 6

66 7 7
                                    

ANDREA's

Katahimikan ang namalagi sa pagitan naming dalawa ni Cedric ng tuluyang umalis si Lavi.

"What is it?" tanong ko sa kanya na parang wala lang ngunit nakasunod ang mata ko sa bawat reaksiyon niya.

Nakatigtig lang siya sa mukha ko, paminsan minsang bubuka ang bibig niya na akmang may sasabihin pero titikom rin ito na parang hindi niya alam kung saan siya mag-sisimula.

We stood there like that for a while, nang hindi na ko makatiis ay sinulyapan ko na ang relo ko at muli siyang hinarap na nauubusan na ng pasensya.

"Cedric, akala ko ba may sasabihin ka? I don't have the time for your staring game, okay? Nag-aantay si Lavi sakin sa labas."

Nakita ko ang pag-tiim ng bagang niya at ang pagdilim ng mata niya.

Sobrang pagpipigil na ang ginawa ko para hindi mapangisi sa naging reaksiyon niya.

Hanggang saan ang kaya mo?

"Hey! Magsalita ka nga! Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya sa naiiritang tono pero wala parin akong nakuhang sagot mula sa kanya.

"If you have something to say, please lang sabihin mo na. My boyfriend's---"

"Shut up! Stop addressing that bastard as your boyfriend!" nanlaki ang mata ko sa biglaang pagtataas ng boses niya. Pasimple akong tumingin sa paligid kong may iba pa bang tao sa hallway maliban samin, napabuga ako ng hangin ng masigurong wala.

I think Lavi's plan actually works?

"You don't have to shout." kalmado kong saway sa kanya na mas lalo lang nagpatiim lang ng bagang niya.

"And besides, Lavi is my boyfriend. What's wrong with calling him as one?"

Nagulat ako ng bigla niya akong itulak sa may pader at mahigpit na hinawakan ang mga braso ko.

"Aray! Cedric, ano ba?! Let me go! Nasasaktan ako!" Reklamo ko ng maramdamang mas humihigpit pa ang kapit niya sakin.

"Listen very carefully." He said at mas nilapit pa ang mukha niya sakin.

I bravely faced his eyes filled with anger and obvious jealousy.

"Let me go." mariin kong utos sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin, instead he took another step closer to me.

"You stay away from that Alcantara." mahinahon pero puno ng diin niyang saad.

"And who do you think you are to assert something like that?" naramdaman ko ang gulat ni Cedric ng marinig namin ang boses ni Lavi.

Nilingon siya ni Cedric kaya naman nabigyan rin ako ng pagkakataong makita siyang nakapamulsa habang nakasandal sa may hamba ng pintuan ng isang classroom na malapit sa pwesto namin.

Umayos siya ng tayo at naglakad palapit samin, inalis niya ang pagkakahawak ni Cedric sa mga braso ko at binigyan ito ng masamang tingin ng makitang bahagyang nag iwan ng marka ang mga daliri niya.

"What do you think you're doing?" tanong ni Cedric kay Lavi.

Nanatili lang akong tahimik habang inaayos ni Lavi ang kwelyo ng uniform ko at ang buhok ko na bahagyang nagulo.

"I should be the one asking that question, don't you think?" he asked, sounding like a jealous boyfriend.

I almost rolled my eyes at him na pilit na tinatago ang ngiti.

Hinarap niya si Cedric matapos pagpagan ang imaginary dust sa may manggas ng uniform ko.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo sa girlfriend ko?" nag-aakusa niyang tanong.

"We're just talking."

"Talking? About what? How she should stay away from her own boyfriend?" pang-aasar ni Lavi.

Cedric's expression has gone darker than earlier.

"If you're doing this to get back to Justine—"

"Why would I do that?" kunot ang noo na tanong ni Lavi, tila ba nagtataka kung saan nakuha ni Cedric ang ideyang iyon.

"I know your just using Andrea parang makaganti ka sa panlolokong ginawa ni Justine sayo! Sinasabi ko sayo, Alcantara! Stay away from Andrea!"

"What if I don't want to?" gatol ni Lavi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko ng walang sabi siyang sinugod ni Cedric ng suntok.

"Gago ka pala eh!" sigaw nito sabay hablot sa kwelyo ni Lavi.

"Mas gago ka! Nasayo na dati, pinakawalan mo pa! Tapos ngayon ano ha?! Maghahabol ka kung kailan meron na siyang iba?! Gago ka!" Sigaw rin ni Lavi sabay bawi ng suntok kay Cedric.

Sinubukan ko silang paghiwalayin pero ayaw talaga nilang mag-paawat.

Patuloy pari sila sa pagsusuntukan at hindi ko na malaman ang gagawin para mapatigil sila. Both of them have bruises on their faces already. Pareho naring duguan ang mga labi nilang dalawa.

Halos mapasigaw ako ng hallelujah ng makakita ako ng isang grupo ng mga lalaking na naglalakad palabas ng hallway. I immediately ask for their help and I was very glad ng tuluyan nilang maawat ang dalawang halos magpatayan na sa tingin palang.

Pilit parin silang pumipiglas sa pagkakahawak ng mga third year students na umawat sa kanila, kahit na pilit na sila nitong pinaghihiwalay.

"Are you alright?" I immediately went to Lavi to check if he's doing fine.

I know Cedric can tend to himself, sanay na siya sa ganito. Basag ulo yan noon eh!

Nakahinga ako ng maluwag ng sumagot si Lavi na ayos lang siya.

I was still preoccupied checking on Lavi's injuries ng marinig ko ang lagabog ng pagtilapon ng isang trash bin sa malapit.

Nag-katinginan kami ni Lavi matapos naming pagmasdan ang naglalakad palayo na pigura ni Cedric.

Maya maya ay nagpasalamat na ako sa mga tumulong samin at nagpaalam na sakanila bago sila tuluyang umalis. They also promised to keep silent about whatever happened here.

"Andrea." tawag niya sakin habang naglalakad kami palabas ng building A.

"Hmm?"

"Ang pangit ng taste mo noh?" pang-aasar niya habang nakangiti.

"Bakit na naman?"

"Ang duwag nang Rodriguez na yun. Tang-ina! Magaling lang makipag basag ulo pero hindi magawang maamin na nag seselos. May pawalk-out pang nalalaman!" Saad niya habang pinunasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi gamit ang hinlalaki niya.

Natigilan ako at napa-isip sa sinabi ni Lavi.

Maybe he's right.

"Hmmm. Pangit nga siguro taste ko. Boyfriend kita ngayon diba?" Sagot ko na lang sakanya na nag pasimangot sa kanya.

"Hey exception ako doon! Ang perfect catch ko kaya! You should be proud that I became your boyfriend!"

Tinawanan ko na lang siya at mas nauna ng maglakad.

"Tara na. Gagamutin pa natin yang mga sugat mo." aya ko sakanya at mas binilisan na ang lakad palabas ng school.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon