Chapter 28

47 4 0
                                    

JOSHUA's

It's been 8 months after Andrea's accident and everyone's still grieving for our beloved friend. And although we are trying to move forward it still is too much for us to endure for the mean time. Isabay pa ang iba't iba naming mga personal na mga problema.

"This is really unexpected! We actually thought na mas mauuna pang ikasal sina Joshua at Alyanna!" Rinig kong saad ng isang bisita sa table na malapit samin.

Nakita ko naman mula sa peripheral vision ko ang pagdiin ng hawak ni Yannie sa kutsara niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago hinawakan ang mga kamay niya nagulat siya sa ginawa ko pero ilang sandali lang ay agad niyang iniwas ang kamay sa pagkakahawak ko.

Nasaktan man ay hindi ko nalamang masyadong pinagtuunan ng pansin ang kanyang ginawa. Nasaktan ko siya, kasalanan ko. Kaya dapat ako ang iintindi.

Masyado akong maraming nagawa at maraming nawala na hindi ko na maibabalik pa. The only thing that I can do now is to keep pursuing her, maybe in time she'll learn to forgive and love me again.

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa pagkaing nasa harapan ko.

"Kayo Sir E, kelan plano niyo ni Ara?" pabirong tanong ni Ally. Nakita kong sinulyapan ni Sir Ethan si Ara bago nakangiting sinagot ang tanong ng kakambal ng girlfriend niya.

"It's still too early for that Ally. Kakagraduate niyo lang, I want to give Dianne a chance naman to explore her career bago ko itali," Natatawa niya ring saad na nagpatawa narin samin.

"Kayo Josh?" nakataas ang kilay na tanong ni Ally sakin habang nakangisi. Sasagot na sana ko nang sumagot na si Yannie.

"Like what sir E said, kakagraduate lang natin Ally, it's too early to talk about weddings." Seryoso niyang saad habang nakatuon ang atensyon sa kanyang pagkain.

She was back to being Alyanna again, that cold and heartless woman who stole my bright and cheerful Yannie. Iniwas ko na lang ang tingin ko sakanya at nakinig sa litany ni Ally, na siyang pinakama-ingay sa table namin.

"Uy, kasal kaya ngayon ni Gwen at Ice, sabay sabay lang naman tayong grumaduate. Pinagkaiba nun?" patuloy na argumento nito.

Siniko na siya ni Ara pero tuloy parin siya sa paglilitanya tungkol sa kasal. Natigil lang ng padarag na bitawan ni Yannie ang utensils niya at tiningnan ng diretso si Ally.

"Ally, kinasal agad sina Gwen and Ice because they truly love each other." Nagtataka parin siyang tinignan ni Ally. Habang ako naman ay sinubukan siyang hawakan sa may balikat para sana pakalmahin pero tinapi niya lang ang kamay ko.

"Pero mahal niyo rin naman ni Josh—" hindi na natapos si Ally sa sasabihin niya sana ng biglang tumayo si Yannie sa pagkakaupo.

"Excuse me, restroom muna ko." paalam niya bago tumalikod.

"Yannie—" tatayo na sana ko para sundan siya ng may mga kamay na pumigil sakin.

"Just let her be. Mas mag-aaway lang kayo pag-sinundan mo siya ngayon," Nag-aalangan man ay tumango nalang ako sa sinabi ni Lavi. I just silently watched her back slowly walking away.

"Hindi parin pala kayo nag-kakaayos?" tanong niya bago uminom mula sa wine glass sa table. Naging abala naman na ang iba sa pag-uusap ng ibang topic kaya kaming dalawa nalang ang tahimik na nag-uusap.

"Hindi na ata maayos," walang gana kong sagot pagkatapos ng isang napakalalim na buntong hininga.

"Just don't lose hope, magiging okay rin ang lahat." ani niya sabay tapik sa balikat ko at tumayo mula sa pag-kakaupo.

"Labas lang muna ko," paalam niya na tinanguan ko lang.

Ilang sandali lang ay napansin kong hindi parin nakababalik si Yannie kaya naman ay nag-pasya na akong sundan siya.

Kakatok na sana ako sa pintuan ng comfort room for females ng marinig ko ang sunod sunod na pag-hikbi mula sa loob.

Napa-pikit naman ako bago sumandal sa pader sa gilid ng pintuan ng comfort room. I was silently listening to her sobs. I can feel the pain with the sounds she makes. I felt my eyes started to sting as tears started forming.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. I wanted to give her the space and freedom she keeps on asking pero natatakot ako.

Natatakot ako na baka kapag ginawa ko iyon ay hindi na siya bumalik pa sakin.

Pero nasasaktan parin ako ngayong nandito siya sa tabi ko. She was right her beside me, loathing me. Hindi ko man sinadya o ginusto pero lahat ng nangyari, lahat ng nawala ay dahil sa ginawa ko.

All because I refuse to listen.

Mas inuna ko yung galit, pride at ego ko kesa sa pakinggan siya.

And look where it brought us?

Naisandal ko ang ulo ko sa pader habang nakapikit ng mariin ng mas lumakas ang mga hagulgol niya.

I'm sorry, Yannie.

If only I could turn back time, I would listen.

I just wanted to bring everything back to how they were before.

Pero paano?


LAVI's

"Hi babe, how are you? Are you happy? You can see me right? As you can see, I'm not okay. I'm still not okay," hindi ko na sinubukan pang pigilan ang pag-tulo ng luha mula saking mga mata.

"I miss you. I miss you so much. Ako ba namimiss mo rin?" parang baliw kong tanong habang marahang hinahaplos ang pangalan niyang nakaukit sa kanyang lapida.

"Ang bilis talaga ng panahon. Akalain mo? Five years na pala? Limang taon na babe. Limang taon na pero hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala kana," After saying this, agad na nagflashback ang lahat ng nangyari sa araw na yun five years ago.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now