Chapter 5

66 7 8
                                    

ANDREA's

"Good Morning to my ever lovely girlfriend!" halos mapatalon ako sa gulat ng maramdaman ko ang akbay ni Lavi.

"Morning." tamad na tamad kong sagot na tinawan niya lang.

"Give me that." napakunot ang noo ko sa ibig sabihin niya.

"Give you what?"

"This." and he took my bag from my shoulders. Natawa ako ng makitang sinukbit niya ang totebag sa braso niya.

"Cute." wala sa sarili kong saad na nagpasimangot sa kanya.

"Sinong cute?"nakapout na saad niya habang naglalakad kami papuntang room namin.

Napailing nalang ako sa pag papacute niya pero hindi siya tumigil sa pangungulit at naglakad pa ng paharap sakin.

"Ako cute? Gwapo ako, babe!" giit niya na tinawan ko lang.

"Oo na – Hey watch out!" sabay hatak ko sa kanya ng mapansing may mabubunggo siya. Sabay naming hinarap ang dalawang pigura na muntik na niyang makabangga.

"Andy."

"Lavi." nagkatinginan kami ni Lavi ng sabay nilang bigkasin ang pangalan namin.

"Ang luwag naman kasi ng daanan sa hallway pa naghaharutan." I rolled my eyes with Justine's remark.

"Sorry lang ha? Pacute kasi ng boyfriend ko masyado." sarkastiko kong saad at binigyan ng kunwaring matalim na tingin si Lavi na tiningnan ako na para bang nagtatanong kung anong ginawa niya.

"B-boyfriend?" Cedric stuttered.

"Hindi niyo pala alam?" mayabang na tanong ni Lavi sabay palibot ng braso sa mga balikat ko.

"She just said yes, last weekend."nakangiti niyang saad habang nakatingin sakin.

Ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

Naputol ang tinginan namin ng marinig naming tumunog ang bell, hudyat na mag-uumpisa na ang klase.

"Sige guys. We got to go. May klase pa tayo." And nauna na kaming umalis ni Lavi, leaving them there dumbfounded.

Hindi na napigilan ni Lavi ang matawa ng tuluyan na kaming makalayo sa dalawa.

"Have you seen his face? That was priceless!" natatawa niya paring saad.

"Will you stop laughing? Para ka nang tanga, I swear." Pang-babara ko sa kanya na umani naman ng isang masamang tingin mula sa kanya.

"Why am I with you again? You're too savage." saad niya habang pinupunusan ang luha na nakuha niya mula sa sobrang pagtawa.

I made funny faces in front of him before walking ahead, I heard him laughing again kaya naman umikot ako para harapin siyang muli.

"Hey! Make it fast. Malalate na tayo! And pwede ba?! Stop laughing!" saway ko sakanya at inirapan siya.

"Oo na, so short-tempered." bulong niya ng makahabol na sakin at bahagya pang kinurot ang pisngi ko. Pinalo ko ang kamay niya para sana sawayin siya, pero tinawan niya lang ulit ako.

"Ang sweet nila noh? Bagay sila." I heard someone from the crowd say. Tumingin ako sa paligid and I saw almost everyone staring at us. Namula ang mukha ko sa sobrang kahihiyan.

Hinampas ko siyang muli bago naunang maglakad sa kanya.

"Babe! Wait for me!" mas namula ang mukha ko ng marinig ko siyang sumigaw habang sinusubukan akong habulin.

Mas binilisan ko ang lakad pero mas mabilis ata siya dahil naabutan niya ko.

"Shut up!"Irita kong pabulong na sigaw sa kanya na tinawan niya lang ulit.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें