Chapter 30

55 2 1
                                    

Author's Note: OMG! IS THIS REAL?! NAG-UPDATE AKO?!!!! OMG WHY OMG HAHAHA ANG TAGAL NA SORRY. Pero anyways~ let's get it oooooooon! Para sa pinaka-mamahal kong "HWANGSSI" ang update kong ito at kahit sabaw ang utak ko ay ginawa ko lahat ng makakaya ko para dito HAHAHAHA. I love you HWANGSSI!

~

"Warren."

"Bakit ba malungkot ka? Nagdadalawang isip tuloy akong bumalik ng Japan eh."

"Siyempre kasi mamimiss kita! Pero kasi may isa pang dahilan kung bakit ako malungkot."

"Si Billy. Tama ba?"

Jin nodded, "Oo eh. Para kasing nagbago siya."

"Alam mo, napansin ko din yan. Ewan ko din pero kakaiba no? Mood swings? Hahahaha!"

"Napaka mo talaga! Hahahaha!"

"Pinapatawa lang naman kita eh. Ayokong malungkot ka."

Kung siguro si Warren nalang yung mahal niya, sana masaya sila. Well wala tayong magagawa. Si Billy ang taong mahal niya.

Pero dahil aalis na mamayang gabi si Warren pabalik ng Japan, inasikaso na muna nila ang gamit nito at saka na ipagpapatuloy ang pagdadrama ni binibing Jin.

*BOOGSH*

Kung hindi lang siguro magkakaibigan ang mga ito eh baka nahambalos na ni Jin ang taong kung makapag-bukas ng pinto nila ay wagas na akala mong masisira na sa lakas.

"Bibili na ako ng bagong pinto Jeremy? Bibili na?"

Sabay hagalpak ng mga ito.

"Eh kasi naman tinulak ako ng mga 'to eh! Ako daw mag-bukas kasi ako daw yung maganda!" Sabay tingin ng masama sa mga kaibigang nagtatawanan sa naaaaapaka gandang tono ng pagrereklamo niya.

"Oh Warren, ready na para mamaya?" Tanong ni Mark.

"Walang iiyak ha!" Parinig naman ni JR sa kambal.

"Hoy! Mapang-husga ka! Hindi ako iiyak!" Depensa ni Jin na talaga nga namang tinamaan sa sinabi ng kapatid.

"Guilty!!!!" Sabay sabay na sabi ng magkakaibigan kasama na si Warren at nagsipagtawanan na naman muli.

"Aaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!! Huli na ba kami?! Huli na ba kami sa kasiyahan?!" Nakakarinding sigaw ni Marle habang tumatakbo at sumiksik sa gitna ng mga kaibigang nakaharang sa pintuan.

"Marle kung hindi lang kita kapatid baka nasalaksak ko na yang bunganga mo! Kanina ka pa sigaw ng sigaw!" Asar na sabi ni Meredith habang kinakalikot ang dalawang tenga sabay naman ang pag-pout ni Marle. HALA ANG CUTE *o*

"Eonni naman ang hard mo sakin! Aalis na si Warren oppa!"

"Lika ka nga dito bunso!" Tawag ni Warren kay Marle.

"Oppaaaaaa!"

At niyakap naman ni Warren si Marle dahilan para mapaiyak si Marle. Napaka-emotional talaga! >.< Pero dahil nga sa nakakalungkot naman talaga, ultimo si Jin ay napa-iyak na kaya niyakap din ni Warren ang kababata.

"Grabe! Bakit ganito ang atmosphere! Group hug nga diyan!" Singit naman ni Ruth na maluha-luha narin ang mga mata.

~

Is It Too Late?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن