Chapter 24

150 8 2
                                    

Author's Note: Sorry for the long wait :c Pero eto na siya \^o^/ Paiyakin natin ang mga characters natin ng sabay-sabay! Hahaha. Half lang pala ng characters Pffft!

----------------

Simula nung mahalata ni JR na may nararamdaman si Ruth para kay Mark, para bang kusang nagbago yung ugali niya towards her. Kung dati ay nagbabagang emosyon ang nararamdaman niya dito, inis at pagka-irita, ngayon naman ay parang gusto niya na bumawi dito. Hindi niya alam pero parang gusto niyang magpapansin kay Ruth.

"Ruth." Tawag ni JR dito sabay flash ng isang napaka-tamis na ngiti. Though ilang beses nang nginingitian ni JR si Ruth ng ganito, hindi padin sanay ang dalaga dito. Sanay kasi siyang makita na iirapan siya ni JR at makikipag-sigawan. Naiisip tuloy ni Ruth na baka hindi ito ang totong JR Lamorin na kaaway niya.

"Nandito ka na naman." Inis na tanong ni Ruth but it's more on stating. Hindi na ata napipirmi sa bahay itong lalaking ito dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang dalawin ito nang dalawin sa shop at hintayin hanggang uwian. It's JR's habit to fetch her ALWAYS after her work.

Basta nalang kasi naramdaman ni JR na gusto niyang nasa tabi niya si Ruth. Or maybe natatakot lang siya na malamangan ulit ni Mark. Okay lang sana kung sa suntok pero kapag dating kay Ruth? Hindi siya magpaparaya dahil nga sa katotohanang gusto niya si Ruth.

"Masama bang ma-miss ka?" Sabi ni JR at itinulis ang mga labi na nakapagpa-inis naman kay Ruth. Minsan nga'y gusto na niyang kumuha ng gunting at gupitin ang nguso nito.

Actually, naguguluhan na talaga si Ruth kung bakit sa araw-araw na dumadaan ay laging nagpapa-cute ito sa kanya eh hindi naman tumatalab. Mas lalo pa ngang naiirita si Ruth sa pagmumukha nito eh. Mukha siyang tuta.

Nung nagtapat si JR dito, aaminin niyang natuwa siya without any reasons. Lalo na nung nagkalapit yung mga mukha nila, hindi man halata dahil gabi pero sobrang nag-init at namula ang mukha niya. Kinilig siya. At inaamin niya yun.

But when she saw Mark watching at them, all those feelings that she felt that night towards JR fades away in just a single snap. Sa hindi malamang dahilan, nasaktan si Ruth. Nasaktan siya dahil baka iba ang pumasok sa isip ni Mark that time? Or nasasaktan siya dahil may nararamdaman na siya.

Ilang araw na nga ba ang lumipas? Ilang linggo na ang dumaan? Pero miski anino ni Mark ay hindi pa ulit nakikita ni Ruth. And it makes her feel more pain. Maybe she's missing Mark's presence. But, is it just because of that? O may mas malalim pa na dahilan? Bakit naman kasi ito makakaramdam ng kirot sa puso kung namimiss niya lang ang kaibigan?

"Wala. Ang masama? Para kang bodyguard ko kung maka-asta. Hindi ako bata para ihatid kapag uwian. Ayan na yang solid order mo, isang Vanilla Frappe. Sana pumuti ka sa kakaorder mo niyan araw araw at maya't maya." Inis na sagot nito kay JR. She really has the point na hindi na niya kailangan ng taga-hatid pauwi dahil malaki na siya. She's not even a 5 years old kid anymore!

"Thanks! That's why I love you." At tumawa naman ang baliw na si JR. Mukhang parehas sila ng kambal niya. When Jin and JR loves a person, sasabihin at sasabihin nila ito ng harapan kahit pa magsi-talunan ang mga dumi nito sa tenga. Mukhang hindi nga ito ampon gaya ng inakala niya noon.

"Really? Me too." A smirk curved on Ruth's lips.

"You do?!" Gulat na tanong ni JR dito. Hindi siya makapaniwala. Hindi kaya mahal na nga talaga siya ni Ruth? Hindi kaya natutunan nadin siya nitong mahalin depite of how he treat her... DATI?

Is It Too Late?Where stories live. Discover now