Chapter 11

206 11 4
                                    

JR's POV

Nakaka-asar yung Ruth na yun. Napaka-crying baby. Sumigaw lang si Mark, umiyak na? Tss.

"Hoy!"

Nandito na naman ang magaling kong kambal. Sesermunan na naman ako.

"Bakit?"

"Anong bakit?! Ako dapat ang magtanong niyan. Bakit ganun ka kay Ruth?!"

Bakit nga ba?

"Eh sa naiirita ako eh."

"Yun lang? Ang immature mo naman! Wala namang ginawa sayo yung tao tapos ganyan mo siya itrato? To think na babae siya."

"So? Kapag sinabing babae dapat knees bow down?"

"Hindi naman yun yung point ko JR eh. Ang point ko, babae siya, tapos kung away-awayin at sigawan mo, ang inam? Respeto nalang."

"Respeto? Sino bang nauna? Napaka-bungangera niya, hindi ba siya marunong tumahimik kahit ilang minuto lang? Ako lang ba yung mali? Diba siya din? Bakit ba lagi nalang ako?!"

Nakaka-inis na ha. Ano bang meron sa Ruth na yun at laging pinagtatanggol?! Anong special sa kanya? Wala naman ha!

Una, kapatid ko. Ngayon, kaibigan ko. Isa pa 'tong si Mark eh. Nakaka-badtrip ng sobra!

-FLASHBACK-

Nag-punta nalang ako dito sa garden nila Billy. Nakaka-inis kasi yung babaeng yun.

Pa-VIP masiyado.

"JR."

"Oh Mark."

"Bakit naman ganun mo kausapin si Ruth?"

"Ruth. Yea, Ruth. Tss."

"Ano bang problema sa kanya?"

Ano nga ba?

"Ewan ko. Basta naiinis ako sa kanya."

"Parehas lang kayo. Wala naman siguro siyang ginawa sayo. Mag-sorry ka nalang. Para magka-ayos kayo."

Alam pa ba nito mga sinasabi niya? Lasing ata 'to eh.

"Sorry? Bakit ako magso-sorry?"

"Sa way ng pakikipag-usap mo sa kanya."

"Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Hindi. Hindi ako hihingi ng sorry sa babaeng yun."

"Para mag-kaayos na. Pre, kaibigan natin siya."

"Niyo. Wag niyo kong idamay. Si Rain, pwede pa."

"Bakit ka ba ganyan?!"

Aba? Talagang dapat tataas ang pananalita? Tss.

"Eh ikaw? Bakit ka ba ganyan? bakit pag dating sa babaeng yun ganyan ka? May gusto ka ba sa kanya?"

"Eh ano ngayon sayo? Bakit? Nagseselos ka?"

"Ako? Magseselos?! Hahaha! Hindi ako sira ulo para magselos at magkagusto sa kanya. She's nothing."

"Nothing? Bawiin mo yang sinabi mo."

Mukhang mainit na ha. Kaya pala nagkakaganito ang kumag, may gusto pala siya dun.

"Why? She's nothing. Babae lang siya. Bungangera, sakit sa ulo. Hindi siya karapat-dapat mahalin dahil walang special sa kanya, isa lang siyang babaeng walang alam kundi ang dumada nang dumada!"

Is It Too Late?Where stories live. Discover now