Chapter 21

125 6 0
                                    

Rainbow's POV

Nandito kami kila Billy. Actually gabi na nga eh. May pasok pa bukas.

"Tapos naaalala ko, nung bata daw ako eh lagi akong nadadapa dahil nga lampa daw ako. Nakakahiya hahaha!"

Kanina pa din kami nagkukwentuhan ni Jeremy. Kinukwento niya yung mga epic moments DAW nung bata pa siya. At kanina pa din ako tawa nang tawa!

"Kaya pala!!! Hahaha! Magpataba ka nga! Baka mamaya hanginin ka nalang na parang saranggola! Hahaha!"

"Nagwowork-out ata 'to." Sabay pakita niya ng braso niya with muscles DAW.

"Asan? Eh buto yan! Hahaha."

"Baka pag nakita mo abs ko eh maglaway ka."

"Meron ba?"

"Next time! Hahaha!"

"Ang yabang, wala naman pala."

"Pero promise. Naggy-gym ako."

Halata naman pero ang sarap lang niya talagang asarin eh :D

"Whaaatever hahaha!"

"Ay Rain nakita mo na ba yung garden slash playground slash backyard nila Billy?"

"Puro slaaash! Pero hindi pa eh."

"Tara puntahan natin."

Pinuntahan nga namin at grabe! Namangha naman ako ng bongga! May maze silaaaaaa :O

"Jeremy maze!"

"Yep! Tara oh, paunahan mahanap ang exit."

"Psh! Sige ba! Anong prize?"

"Kapag nanalo ako, susunod ka sa iuutos ko. Kapag ikaw nanalo, susunod ako sayo."

"Deal!"

At nagsimula na ako. Madali lang 'to! Makakalabas agad ako dito. Muhahaha!

Lakad. Liko sa kanan. Liko sa kaliwa. Lakad ulit.

"Ano ba yan! Parang umikot lang ako! Ulit nga!"

Nagsimula na ulit ako. Pero sa kamaang palad? Lagi akong napupunta sa dead end. Ano baaaaa naman yooon -___-

"Okay! Liko sa kanan. Lakad lang. Saan ba? Kakanan ba ako ulit oh kakaliwa oh dadarecho?"

Nakakabaliw ang mag-maze! Pero ang saya ah :)

"Naman oh! Dead end ulit?! Favorite ako?!"

Baka naman walang exit 'to? Baka puro dead end?

Pero may maze bang ganun? Wala naman ata? Meron siguro kung magpapagawa ako hahaha!

"Kamusta na kaya si Jeremy? Baka mamaya nandadaya na yun!"

Ilang minuto din akong nagpaikot-ikot dito sa maze na 'to at boom! Huli kang exit ka! Nandiyan ka lang pala nagpakahirap pakong hanapin ka!

"Yeah! Nakalabas din!"

Eh? Wala pa si Jeremy? 'Wag mo sabihing nanalo ako? Aba~ sinuswerte ako ah >:D Naka-isip na ako ng iuutos ko sa kanya muhahaha!

Umupo muna ko damuhan habang hinihintay lumabas si Jeremy.

Is It Too Late?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon