Chapter 2

238 12 2
                                    

Rainbow's POV

Kasalukuyan akong nagse-serve ng mga orders ng customers.

Si Ruth naman eh nasa counter, siya muna yung pinwesto sa counter.

Si Mr. Choi? Nandito din siya kasi pinapanuod niya kami kung paano mag-trabaho. Parang screening ba? Hahaha! Start kami ng 9:00 at matatapos ng 9:00 din. Bali, ang off namin ni Ruth is saturday sunday.

May mga bagong customers na dumating kaya agad akong pumunta sa kanila para kunin yung orders nila.

"Hello ma'am, sir. Welcome to Lovely coffee shop. Here's the menu."

Pumipili silang apat ngayon. Family ata sila. Nakakatuwa na nakaka-inggit kasi ang saya nila. Ang swerte ng tatlong batang 'to dahil halatang mababait ang mga magulang nila.

Naalala ko tuloy yung pamilya namin, hindi ko masabing masaya. Only child lang ako pero parang hindi ko ma-enjoy ang buhay ko. Buti nalang at nakilala ko si Ruth at Marle. Parang kapatid na ang turing ko sa kanila eh.

"Ahm miss, isang caramel frappe, dalawang mocha frappe at dalawang iced coffee latte."

"Okay po. Wait nalang po sa order niyo." At nag-punta na ako sa counter.

"Ruth. Isang caramel frappe, dalawang mocha frappe at dalawang iced coffee latte for table number 2."

"Got it!"

Niligpit ko na yung ibang mga kalat sa tables para kapag may bagong customer ay may maupuan.

Napa-tingin ako kay Mr. Choi at nakita kong nakatingin siya sakin at naka-ngiti. Siguro natutuwa sa way ng pagta-trabaho ko. Ngumiti nalang din ako sa kanya at ipinagpatuloy ang paglilinis.

"Orders for table number 2!" Kinuha ko na agad at pumunta na sa table number 2.

"Ma'am, Sir. Here's your order po. Orders complete na po. Enjoy po kayo."

Nakaka-pagod din pala ang pabalik-balik no? Kuha ng order, ligpit ng lamesa, serve ng order. Hayy. Ang sakit sa likod at paa.

Is It Too Late?Where stories live. Discover now