Chapter 22

144 7 5
                                    

A/N: Mukhang dadalas na po ang paglalagay ko ng 3rd Person. Nahihirapan kasi akong magpapalit-palit hahaha. I mean, siyempre may sari-sarili silang attitude. So the next update, matatagalan po :( Baka kasi baguhin ko yung nauna at gawing 3rd Person format. But I'm not yet decided.

Should I edit previous chapters or kapag na-complete na 'to? Ano sa tingin niyo?

---------------

3rd Person's POV

Sobrang nakakaramdam ng inis si Ruth. Hindi na siya natutuwa sa mga oras na 'to. Yung tipong gusto na niyang manapak ng dalawang tao. Hard na kung hard! Eh sa ganoon talaga ang ugali niya eh.

Iniwan kasi silang tatlo ng mga kaibigan nila. Para bang nagusap-usap silang lahat at pinagkaisahan sila. Kumuha lang naman kasi ng pagkain si Ruth, may kinuha lang sa kotse si JR at nag-CR naman si Mark pero wala na silang naabutang mga baliw. So they're left with no choice but to have a sit while waiting for those great people -______-

"Err… CR lang ako." Paalam ni Ruth.

Sobra na kasi siyang nao-awkward. Wala man lang nagsasalita at nakakabingi yun. Bahala silang dalawa dun! Wala namang pake si Ruth kung magbugbugan sila. So ano? Bawal siyang mag-CR kahit kulang nalang eh sumabog ang pantog niya? So ang labas pala nun eh baby sitter siya ng dalawang yun dahil anytime pwede silang mag-wrestling? Bahala sila! Hindi naman referee ang trabaho ni Ruth.

"Mga baliw talaga! Tama bang iwan ako kay Mark at JR?! Alam naman nilang lahat na may MU yung dalawang yun!"

MU. Misunderstanding. Hindi lang naman Mutual understanding ang meaning ng MU. At hindi rin naman iyong ang tinutukoy ni Ruth. Hindi naman bakla ang dalawa para magkaroon ng Mutual Understanding.

Bigla niyang naisip na parang siya ang baliw kung tutuusin. Kinakausap niya ang sarili niya sa harap ng salamin. But for her, okay lang yung dahil dalawang Ruth naman ang nag-uusap. Isa ang buhay na Ruth, isa ang repleksyon. Kaya may kausap siya.

Okay -_______- So nakuha niya pang mag-joke samantalang kahit siya mismo ay nacorny-han sa sarili niya.

Hindi na niya talaga alam kaya nag-decide siyang hilamusan nalang ang sarili para naman mahimasmasan kahit konti at nai-stress na talaga siya sa dalawang mokong. Pero hindi nakikisama ang tadhana.

Nalimutan niya kasing hubarin ang salamin niya. Oo, malabo ang mata niya.

So pati ang salamin ko nai-stress?! Wow! As in wow talaga! Ang dami ko lang satsat, pwede namang tanggalin nalang -______- Sabi ng utak niya.

"Charaaaan!"

Pakiramdam niya, confirmed na talaga. Baliw na talaga siya. Pano ba naman? Pinanood niya sa salamin ang sarili habang tinatanggal ng 'Slow Motion' ang salamin sabay sigaw ng 'Charaaaaan' na may kasamang tono na hindi maintindihan. Aba'y proud pa? Wala nang makita dahil malabo ang mata tapos proud pa?

"Sinong binabara mo? Sarili mo? Galing ha?" She's now pointing at her own reflection on the mirror.

"Woooooa~ Masiyado na palang malabo yung mata ko? Dikona makita sarili ko. Psh. Dapat pacheck-up ulit ako."

After niyang punasan ang mukha niya at isuot muli ang salamin, tinitigan niya muna ang sarili sa salamin. Ang ganda ko pala? Hahaha! Biro lang :P

Bipolar talaga. Kanina lang kulang nalang ay sabunutan niya ang sarili because of frustration, ngayon nama'y nagawa pa niyang purihin ang sarili.

"Ikaw Ruth. Napapansin kong umaaura yang puso mo sa dalawa."Sabay ang pag-lagay nito ng mga kamay sa bewang.

Is It Too Late?Where stories live. Discover now