Chapter 1

349 13 4
                                    

"Kailangan kong gawin 'to. Para 'to sa atin." Sabi niya sa akin.

"Hindi mo naman kailangan gawin yan dahil hindi naman ako tumitingin sa kung anong meron o wala ka."

"Pero gusto kong patunayan sa mga magulang mo na kahit hindi ako mayaman kagaya niyo, kaya kong buhayin at itaguyod ang magiging pamilya natin."

"Ang layo kasi ng pagta-trabahuhan mo at hindi pa natin alam kung hanggang kailan ka doon."

"Kahit hindi natin alam, pinapangako ko sayo na babalik ako. Babalikan kita dito at pag-balik ko, magpapakasal tayo."

"Pinapangako ko rin na maghihintay ako sayo. Kahit gaano pa katagal, hihintayin kita at magpapakasal ako sayo." Hinalikan niya ako. Halik na hindi ko kailanman malilimutan.

Yan ang huli naming pag-uusap. At ang mga pangako na hanggang ngayon ay pinganghahawakan ko.

Tatlong taon nadin ang naka-lipas mula ng umalis siya at mangibang bansa para mag-trabaho.

Dahil sa mga magulang ko kaya nangyari 'to. Dahil sa kanila kung bakit malayo kami sa isa't isa. Kung sana hindi sila tutol sa pagmamahalan namin, edi sana nandito siya, kasama ko at sana masaya ako.

Ako nga pala si Rainbow Silvia Custodio. Ewan ko sa mga magulang ko kung bakit eto yung pinangalan sakin. Dahil daw makulay? Ewan ko.

22 years old na ako at eto, naghahanap ng trabaho. HRM ang tinapos kong course sa Lyceum.

"Hey there Rainbow! Kanina pa kita kinakausap pero wala! Sayang ang laway ko." Siya ang isa sa mga bestfriend ko, college classmate na si Ruth Domingo.

"What? Ah. Sorry. May naalala lang."

"Sino na naman? Si Tristan?" At si Tristan Catalan ang lalaking pinakamamahal ko. Siya ang taong hanggang ngayon ay hinihintay ko.

"Oo eh."

"Alam ko naman girl na nami-miss mo siya. Pero kasi malay mo, sobrang busy niya lang talaga dun sa L.A."

"Ang OA naman siguro kung 3 years straight siyang hindi nagpaparamdam diba?"

"Rainbow. Nangako siya diba? Babalikan ka niya at may tiwala ka sa kanya diba?"

"Meron. Malaki ang tiwala ko sa kanya Ruth."

"Kaya dapat, chill ka lang. Halika na at maghanap na tayo ng trabaho. 10:53 na po."

Hindi ko pa din kasi mai-alis ang mag-alala eh. Ang tagal na naming walang communication. Hindi ko nga alam kung nakarating ba siya dun or kung ano bang trabaho ang pinasukan niya eh.

Kayo ba? Kahit mangako sa inyo yung taong mahal niyo na babalik siya pero wala man lang kayong communication, anong mararamdaman niyo?

Sobra-sobra ko na siyang nami-miss at gustong gusto ko na siyang mayakap ulit. Ano kayang ichura niya ngayon? Kumakain ba siya ng maayos?

"Rain. Saan pa ba pwedeng mag-apply? Napapagod na ako eh."

"Oo nga eh. Halos lahat kasi walang vacant eh."

Kumain nalang kami dito sa Lovely Coffee Shop. Actually, palagi kaming nandito dahil ang sasarap ng mga sine-serve nilang coffees and cakes.

"Ehem. Excuse me." Singit ng isang lalaki? Babae? Ang outfit, panglalaki. Pero bakit ang ganda niya?

Is It Too Late?Where stories live. Discover now