Chapter 18

154 11 1
                                    

A/N: Balak ko sana nakakakilig. Kaso wala akong maisip </3 Ayaaan. Sorry kung hindi man maganda update ko ngayon. Pagpasensiyahan niyo po.

PS: Laging nagloloko net namin kaya baka matagalan ang bawat updates ko.

PPS: Sabaw po ang chapter na ito huhuhu!

PPPS: Sorry sa mga typos, wrong grammars. Hindi po ako foreignay, aye? Hindi ako dalubhasa (WOW XD) sa english-an at hindi po ako english spokening. Muhahaha! Hindi po kasi ako nagmana kay Aronggg pato. Sorry huha!

----------------------------------------

Mark's POV

"Pre amin na kasi." Kanina pa naming litanya kay Billy.

Sira din kasi tuktok nun. Ayaw lang aminin na nagugustuhan na din niya si Jin. Hindi ko ba alam sa ugok na yan kung bakit nagdedeny pa. Tss. Siya ang nagmumukhang babae sa pagiging pakipot.

"Wala nga lang yun. Bored lang talaga ko kaya ako nagyaya nung isang araw."

"Ahh. So option mo lang yung kapatid ko? Gusto mong bangasan ko yang mukha mo?!"

Edi nagalit ang kambal? Tsktsk. Di ako magtataka kung masuntok 'to ni JR. Ingatan lang niya yung bibig niya.

"Hindi sa ganun! Grabe pre?! Siya yung niyaya ko kasi alam kong mapapasaya niya ko."

"Edi nagugustuhan mo na nga. Bahala ka sa buhay mo Billy. Uuwi na muna ko tapos pupunta ko kay Jeremy."

Eh diba may duty si Ruth? Langya! 'Wag mo sabihing dinadahilan lang niyang ugok na yan si Jeremy para inisin si Ruth?! Kapag ako hindi nakapagpigil, ako babangas sa mukha niya.

*POK*

"Ack!! Salamat sa batok Billy ha?!" Tindi ng impact! -____- Naalog ata utak ko.

"Umuusok kasi ilong mo. Nasasuffocate nako."

"Tigilan mo ko."

Tindi talaga ng pagkakabatok! Natanggal ata yung isang ugat ko. Peste. Ang OA.

"Mark, isang tanong isang sagot."

"Ano na naman kalokohan yan?"

"Sumagot ka nalang."

"Ge."

"Trip mo si Ruth no?"

"Trip?! Anong tingin mo kay Ruth? Babaeng pinagtitripan lang? Hindi ako kagaya ni JR na trip niyang inisin si Ruth!"

Trip pala ha? Eh kung matripan ko kayang sapakin 'tong isang 'to?

"Cool men! Easy lang dude! Nagtatanong lang."

"Ayus ayusin mo naman yang mga tanong mo!"

Hinahigh blood ako ng kumag na 'to. Hindi basta bastang babae si Ruth. Tapos ano? Pagtitripan ko?

"Ang ibig kong sabihin eh kung gusto mo si Ruth."

Yun naman pala. May pa-trip trip lang salita. Nakakabanas.

Ang tanong niya eh kung gusto ko si Ruth? Gusto ko nga ba? Hindi ko alam. Ang alam ko lang kasi natutuwa ako when she's around.

Ang kesoooo! Anak ng tokwa!

Is It Too Late?Where stories live. Discover now