Chapter 23

132 6 0
                                    

3rd Person's POV

Sobrang nabo-bored si Marle ngayon. Bukod kasi sa sawang-sawa na siya sa pagmumukha ng ate niyang si Meredith, wala pa siyang magawa sa bagay na tinutuluyan nilang apat. Nakikitira nga muna sila kila Rain, diba? Hindi pa nga lang nila alam kung kelan sila babalik ng Korea. Honestly, bukod sa dinalaw nila ang kaibigan ay may tinatakasan si Meredith.

"Haaay! Ano ba naman 'to! Nakaka-sawa na ang feslak mo eonni! Kasama kita sa Korea, tapos dito eh kasama padin kita. Grabe na talaga 'to!" Pagmamaktol niya habang nakahiga sa kama. Ang kapatid naman nito ay inis na inis sa mga nagme-message sa kanya sa FB. Kulang nalang talaga eh ihagis nito ang iPad niya.

"Walang imik? Tara eonni, boy hunt tayo hahahaha!"Sabay tayo sa kama at hinila naman nito si Meredith.

"T-Teka! Saglit! Makahaltak? Wait nga! Bad vibes ako ngayon."

"Why?"

"Nakaka-irita kasi! Naaalala mo yung dalawang lalaki na lagi akong binibisita sa Korea, sinusundan sa L.A at kahit saan ako magpunta?"

"Oh?"

Bumalik si Meredith sa isang lamesa at kinuha ang iPad niya sabay tapat nito sa mukha ni Marle.

"Oo no? Nakikita ko! Duling na ko oh!" Dun lang na-realize ni Meredith na halos mag-dikit na yung tungki ng ilong ni Marle at screen ng iPad niya kaya nilayo naman niya ito. Pagka-basa ni Marle sa kung ano man ang nasa iPad ay nanlaki ang mata nito at napatakip ng bibig. She's shocked!

"Kitams?" Tanong ni Meredith sabay upo sa sahig at nag-aktong umiiyak.

"Stalker ba talaga sila eonni?!"

"Hindi ko alaaaaaam! Naiinis na ko!"

Ano nga bang nabasa at nakita ni Marle? FB messages galing sa dalawang lalaki. Lalaking akala mong sasaeng fan. Si Samuel at si Wesley. Sila lang naman yung die hard suitor ni Meredith na tinakasan nila. Obssess na nga ata ang dalawa dahil kahit saan mag-punta ito, laging naka-buntot ang dalawang lalaki dito. Minsan nga ay natatakot na siya. Daig pa kasi nila yung mga kriminal na laging naka-antabay sa bibiktimahin nila.

From: Samuel Henderson

Meredith! My loves! Nandito ako sa Pilipinas dahil ayokong mag-isa ka. Ayokong mapag-tripan ka ng kung sino-sinong tambay lang. Meredith!! Wait for me! I will protect you!

OA ba talaga 'tong si Samuel o sadyang baliw na? Para kasi siyang timang na akala mong hindi kaya ni Meredith ang sarili. Mga isip bata kasi ang mga ito kaya masakit sa ulo.

From: Wesley Mclean

Here I come Meredith! Bakit hindi mo ako sinabihang pupunta ka ng Pilipinas? Edi sana nasabayan kita. Dibale, nandito naman na ako. Hindi ka na mag-iisa. Alam kong malulungkot ka kapag wala ako. Kaya hahanapin kita.

Nakakakilabot ang huling sinabi ni Wesley. He's like a killer on the last sentence of his message. Isa pa ito! Hindi na talaga alam ni Meredith ang gagawin sa dalawa. Hindi niya alam kung kailangan niya bang mag-punta sa ibang planeta para lang tigilan ng mga ito.

Sa totoo lang talaga, maganda ang magkapatid na ito. Bukod sa maganda, mayaman din ang pamilya nito. Kaya hindi natin masisisi ang dalawa kung bakit sila habol nang habol kang Meredith. Ang masama nga lang, ultimo hanggang CR ata ay susundan siya ng mga ito.

Is It Too Late?Onde histórias criam vida. Descubra agora