Chapter 8

217 10 4
                                    

Rainbow's POV

"Ang galing ko Rain no? Hihi."

Kanina pang daldal ng daldal 'to si Jeremy. Sakit na sa tenga eh haha.

"Saan kaya sila nag-punta no?"

"Bakit hindi mo kaya itanong sa tropa mo no? Sakin ka tanong ng tanong eh sila 'tong umalis hahaha!"

"Oo nga no? Ang galing mo talaga! Pero ayoko, bahala silang mag-moment dun haha!"

"Bakit? May gusto ba yung Mark kay Ruth?"

"Ewan ko dun! Pero tingin ko wala, dipa nakaka-move on yun eh."

"Bakit?"

"Namatay kasi yung girlfriend niya."

"Ahhh."

Nabigla naman ako dun. Kung titingnan kasi, lagi siyang naka-ngiti. Yun pala, may pinagdadaanan.

"Sige Jeremy, mauna na akong umuwi. Baka nasa bahay nadin yun si Ruth."

"Magkasama kayo sa iisang bahay?"

"Oo."

"Wow! Ang cute naman nun! Hatid na kita."

"Nah~ wag na. Malapit lang naman eh."

"Eh! Gusto kita ihatid saka gusto kong malaman kung saan kayo nakatira. At look, gabi na. Tapos wala kang kasama?"

"Ang kulit mo talaga!"

"Cute naman." Sabay taas-baba pa ng kilay niya with ngiting aso.

"Whatever hahaha! Sige na nga!"

"Yey! Tara na!"

Kahit pala mukhang babae 'to, gentleman 'to. Sa totoo nga niyan nakaka-insecure siyang kasama. Mas maganda pa sakin eh hahaha.

"Dun yung bahay namin sa pink na gate."

"Seryoso?!"

"Hindi. Joke lang yun."

"Ehhh Rain naman eh! Seryoso? Diyan kayo nakatira?"

"Oo nga. Bakit ba?"

"Ayun lang yung amin oh. Pang-limang bahay mula sa inyo."

"Seryoso?"

"Hindi Rain. Joke lang din yun."

"Hahaha! Nice naman~ mansion ang bahay niyo ha."

"Hindi naman. Ako lang din naka-tira diyan eh. Si daddy at mommy nasa Korea."

"Teka nga, may lahi ka ba?"

"Daddy ko Korean."

"Ah. Osiya, dito nalang ako."

Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse niya pero pinigilan niya ako.

Ano? Ayaw akong pauwiin? Nandito na bahay namin, bawal pa bumaba?

Is It Too Late?Where stories live. Discover now