Chapter 28

97 5 15
                                    

"S-Shall we go?" Mautal-utal na tanong ni Jeremy nang makita niya si Rain sa harapan niya.

As you can remember, pumayag makipag-date este friendly date si Rainbow sa kanya. Friendly date. Yes. Pero bago pa man dumating si Jeremy sa bahay nila para sunduin siya ay hindi na siya mapakali. Actually tinawagan pa niya si Jin na pumunta sa kanila to think na apat na sila sa bahay. For what? Para sa isusuot niya -____-

It's strange. Bakit naman kasi siya mai-stress sa kung anong isusuot niya kung para sa kany ay isa nga lang itong friendly date?

Pero ayun na nga, isang color fuschia pink sleeveless dress na above the knee ang suot niya ngayon na pinatungan niya ng white blazer. She's also wearing a pink wedge shoes na hindi naman ganun kataas. Bitbit ni Rain ngayon ang isang simple pink bag na tanging pang-retouch, phone at wallet lang ang kasiya.

Naka-unzipped white jacket naman si Jeremy with gray sweatshirt sa loob at naka-gray pants with his white shoes. Itinali nadin niya ang buhok niyang kulay brown para hindi magmukhang babae.

Simple lang ang make-up ni Rain ngayon. Ayaw din kasi nito ng makakapal dahil nangangati ang mukha niya sa makapal na foundation. Honestly, face powder, blush-on, mascara at lipstick lang ang tanging kolorete niya sa mukha.

"O-Okay." Mautal-utal na sagot naman ni Rain.

What's with them? Uso na ba ang mautal ngayon? O sa kanilang dalawa lang.

Well, let them be.

Pinagbuksan naman ni Jeremy si Rain ng pintuan ng kotse. Para nga naman dagdag pogi points. Gentleman. Or should we say, ganda points?

Kidding aside.

But what they don't know is meron na palang mga naghahampasan sa itaas ng bahay na nakadungaw sa bintana. Kinikilig kasi ang apat na babae na naiwan.

Mga chismosa sa love story ng dalawang kaibigan.

Habang nasa byahe ay walang umiimik sa dalawa. Ayaw naman kasing magsalita ni Rain since hindi siya mapakali sa suot niya. Oo sabihin na nating nagsusuot naman ng mga ganito si Rain pero sa tingin niya ay sobrang iksi ng ipinasuot sa kanya ng apat.

Eh si Jeremy Ren Choi? Bakit hindi siya umiimik? Dahil sa sobrang kilig at sobrang pagkabighani when he saw Rain wearing like that. Pinaghandaan talaga ang gabing ito.

"Rain./Jeremy."

Naks naman! Parang pelikula. Magkakasabay ng pananalita ang dalawa at magkakatitigan. Well~ there you go. Nangyari nga. Pero unang lumihis ng tingin si Jeremy since he's driving. That's... Nevermind.

"Ano ba yan! Natameme ako bigla. Ang gwapo mo kasi ngayon hahahahaha!"

"Okay lang yan. Matagal ko naman nang alam yan."

At dun na nawala ang awkwardness ng isa't isa. Nagsimula na naman kasing magyabang si Jeremy. He's so cool. Yes. Ang daming hangin sa ulo.

Nang makarating na sila sa pupuntahan ay nagulat si Rain. Nakita niya kasing sobrang elegante ng restaurant na pinuntahan nila. Hindi sa hindi pa siya nakakarating sa mga ganun. Hello? Custodio po ang dugo niya. Dugong mayaman.

It's just baka naroon ang mommy at daddy niya having a meeting for a blind date again? Blind? Or let's just say, company date.

"Sa iba nalang tayo ha?"

"Osige. Saan mo ba gusto? Yung alam mong hindi nagpupunta ang mga parents mo."

After a few minutes ng pag-iisip ay naalala niya ang madalas nilang puntahan ni Ruth at Marle. There at Vikings.

Is It Too Late?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon